Saturday, January 31, 2009

Ang Tunay na Pangalan ni Bob Ong ay...

Naisip ko lang, ilang libong Pinoy na ba ang nag-blog ng tungkol kay Bob Ong? Ilang libong tao na ba ang nagsabing "Ang lupet ni Bob Ong! Idol ko talaga 'yun! The best!"? Ilan na ba ang nag-popost ng discussion sa Friendster Groups tungkol sa kung sino ba talaga si Bob Ong, kung ano itsura niya at may nabasa pa ko, 'Pa'nu kung ligawan ka ni Bob Ong?" Ilan na ba sa atin ang gustong makita siya ng personal at ma-kiss? At ilang milyong pagkatao na ba ang tahimik na sumisigaw na "Sana, maging Bob Ong din ako!"

Tama na sa'kin ang mag-blog ng tungkol sa mga libro niya. Hindi ko sana gustong magsulat ng tungkol sa "kanya" mismo. Sa sobrang dami na kasi ng mga bloggers na siya ang favorite topic, ayoko na sanang dumagdag pa sa kanila tapos parehong impormasyon din lang naman 'yung sasabihin ko. Pero ano 'tong ginagawa ko?

Hindi kasi siya tulad ni Dingdong Dantes na na-iissue. Hindi rin siya tulad ng Pangulo na ipinag-rarally ng mga tao sa Mendiola. Walang makapagsasabi kung kasing-pogi niya ba si Piolo o kaya sing-gwapo ni Bentong, bukod sa mga taong itinatago rin ang pagkatao niya. Wala tayong ibang magawa kundi sabihing "Kilala ko si BO! Taga ___ siya! Prof ko nga siya sa ___!" At ang kinakalabasan, nagiging "status symbol" na ang pagkakaroon ng maraming impormasyon tungkol sa kanya na pwedeng-pwede mong ipagyabang at ipagpalit sa isang N-series na cellphone.

Aamin na ko sa mga nalalaman ko.

Sabi ng isa sa mga members ng "Alagad ni Bob Ong" na isang group sa Friendster, isa "daw" siyang Professor sa isang public university sa bansa. Ang tunay "daw" niyang pangalan ay.. ahm.. ahm.. ahm.. **************. Prof nga "daw" siya ng kaibigan niya. Graduate "daw" siya sa *** at ************* "daw" ang course na tinapos niya. Taga *********** "daw" siya at bukod sa mga 'yan e wala na kong alam. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko magawang paniwalaan ang bawat "daw" sa mga impormasyong nakuha ko.

Sa pinakasimpleng statement na kaya kong ibigay, ito lang ang masasabi ko - "Hindi ako naniniwala!". Inaamin ko, nagawa kong ipagyabang 'yung mga impormasyon na 'yan sa mga kaibigan ko. Hanggang sa naisip ko, parang tanga pala ako. Bakit pinaniniwalaan ko 'yung sabi-sabi ng iba at hindi 'yung mismong iniidolo ko?

Walang makapagsasabi kung ano talaga ang totoo. Maaaring tama ang mga detalye na 'yan tapos 'pag nabasa 'to ni BO e ibigay niya ang web address ng Pedestrian Crossing sa NBI at magmakaawang ipakidnap ako sa Abu Sayyaf. Pero sa totoo lang, walang kwenta ang pag-alam natin sa kung sino ba talaga siya dahil desisyon niya mismo ang paglantad bilang Bob Ong-isang pangalang walang anino, tago ang pagkatao. At ang tanging magagawa lang natin bilang mga taga-hanga niya e mabuhay, kahit kaunti, bilang Bob Ong - bilang isang halimbawa ng isang tunay na Pinoy.

May moral lesson dito. hanapin mo. *tawa*


(Pag-kaabalahang basahin ang "Bobong Pinoy for Dummies" sa website na ito para sa iba pang katotohanan.)


--
Update:
Inalis ko na ang nadawit na pangalan. Sorry sa pagkakamali ko. Sorry.

Friday, January 30, 2009

The Love Blog: Part 1

Nag-iisip ako ng kung anung pwede i-blog habang magkausap kami ng kaibigan kong problemado sa love life niya. Tapos naisip ko, "blog tungkol sa pag-ibig, kaya ko ba 'yun?"


Nung fetus pa lang ako, nagtataka na ako kung ano bang meron sa pagmamahal sa isang taong hindi mo naman kaanu-ano at gustong-gustong gawin 'yun ng napakaraming tao? Bakit ba para silang tanga na umiiyak dahil "iniwan" sila ng mga karelasyon nila. Bakit ba ganoon na lang masaktan 'yung bida sa telenobelang pinapanood ko dahil sa alam niyang walang gusto sa kanya 'yung taong pinagpapantasyahan niya. Bakit may holding hands at bakit may kissing scenes na kelangan takpan ko 'yung mga mata ko dahil "censored" daw 'yun. Wag mo naman ako sabihang baliw, pananaw ko lang naman 'yun nung bata pa ako.

Hindi ko alam kung paano nabago 'yung mga pananaw ko, pero isa lang talaga ang natutunan ko, maraming nababago ang pagmamahal sa buhay ng isang tao. Maraming-marami. Tingin ko nga, kaya may mga mental hospital at rehabilitation centers e dahil may mga sobrang mapagmahal sa mundo.

Ano nga bang punto ko?

Wala pa akong first love, at sa libo-libong di maipaliwanag na dahilan, ipinagpapasalamat ko 'yun. Kanina lang, kausap ko 'yung kaibigan ko. Hindi daw niya alam kung bakit ba niya minahal 'yung taong hindi naman siya kayang mahalin. Tapos humirit na siya ng mga pamatay na banat gaya ng "Nagtataka ako Eych kung bakit pa hinayaan ng Diyos na makilala ko siya e ang Diyos din naman ang author ng buhay ko, dapat niligtas na lang niya 'yung sarili niyang bida." Sabi ko sa kanya, "Syempre magaling pa kay Bob Ong si God, masyado siyang magaling na author kaya hindi mo mahuhulaan 'yung mga next scenes. Wag ka kasi mainip, pero wag ka din maghintay." Hindi ko alam kung pano niya tinanggap yung sinabi ko na yun, mahirap kasi magsalita pag wala kang alam.

Basta ang alam ko, pag nagmahal ka, wala ka dapat reklamo. Hindi mo dapat kinukwestyon ang kung sinuman para lang ma-satisfy 'yung tanong mo na "Bakit ako nasasaktan ngayon?".

Pasensya na, broken hearted kasi yung nakausap ko. Pero sa part 2, siguro matino na 'yung mga sasabihin ko. Abangan na lang ang sequel ng blog na 'to. Inaantok na kasi ako. =)

Wednesday, January 28, 2009

Mag-Abroad Ka Na!

Makinig ka. Seryoso 'to.

"Huwag pong mag-alala ang mga kababayan nating mawawalan ng trabaho dito sa bansa natin dahil marami pong trabahong available abroad. Magpunta lamang po sa tanggapan namin for assistance."


Nasa bus ako nang marinig ko yung balita na 'yan sa TV. Sabi 'yan ng isa sa mga.. ahm.. hindi ko alam basta sigurado akong bahagi siya ng gobyernong nagpapatakbo sa hinihingal na 'Pinas. Isang kunot na noo at "Ha? Bakit sa abroad pa?" ang naisukli ko sa balitang 'yun.


Noon pa lang asiwa na ko sa sistema sa bansa natin na patuloy na umaasang "makakapag-abroad" sila, makakapagtrabaho sila "abroad" at giginhawa sila "abroad". Pati sa mga colleges at universities na nagsasabing ensure na ang trabaho nila "abroad". Puro "abroad". Siguro sa ibang makakabasa nito, sasabihin nilang "Parang tanga pala 'tong si Eych, walang alam sa kasalukuyang lagay ng bansa, bakit, may aasahan pa ba dito? Ha? Tanga talaga! Tsk. tsk."

Hindi sa ayaw ko sa mga OFW, dahil OFW ang tatay at tito ko. Hindi sa ayaw kong pumunta sa ibang bansa dahil gusto ko din namang sumakay sa Ferris Wheel sa Disneyland. Hindi sa ayaw ko sa lahat ng Pinoy na iniiwan ang bansa para maghanap ng "mas magandang" kapalaran sa ibayong dagat. Nakakalungkot lang talagang isipin na halos lahat e gusto nang umalis dito dahil mga bad trip na sila. Wala nang aasahan dito, sabi nga ng nakararami.

Nakakalungkot dahil maraming pamilya ang ilang taong nagkakahiwa-hiwalay para kumita ng mas malaking pera, na sabi nila, hindi kikitain dito sa 'Pinas. Alam ko 'yun, dahil ganoon din ang paniniwala ng pamilya ko. Hindi sa hindi ako sumasang-ayon dito, ang totoo nga n'yan, sumasang-ayon ako - bagay na mas nakakalungkot pa kung iisipin mo.

Siguro nga masyado pa akong bata para isipin 'yung mga bagay na 'yan na iniisip ko kung meron pa nga bang nag-iisip ng ganyan. Nagiging tuta na tayo ng ibang bansa, sumasailalim sa kamay ng ibang lahi para sa inaasahang pag-unlad sa buhay. Nakakalungkot dahil sa napakaraming dahilan, hindi natin maranasan 'yan dito sa bansa.

Ano nga bang problema? Pera? Sistema ng gobyerno? O tayo mismo? Meron nga bang ibang dahilan para umasang uunlad tayo sa sarili nating bansa? Sa libo-libong dahilan, meron naman. Pero sa milyong-milyong dahilan, mukhang wala. Kelangan ko na yata talagang tanggapin na hirap na hirap na tayong lahat, na kung tutuusin e dapat yata matagal ko nang natanggap.

Isang buntong-hininga na lang ang kaya kong ipantapos sa blog na 'to.

Sunday, January 25, 2009

Starbucks


Chocolate Cream Chip, Mocha Frappe at kung anu-ano pang flavors ng kape. Yan ang makikita mo sa Starbucks. Itinuturing ng marami na pambansang kapihan ng bayan. Parang kabuteng nagsulputan sa iba't ibang parte ng bansa. Tinalo pa nito ang ilang mga malls at fast food chains. Para bang naging adik sa kape ang buong sambayanan. Mabilis pa sa ihip ng hangin na gumastos ng mahigit 100 pesos para sa isang Grande iced coffee. Sa halip na gastusin ang nasabing halaga sa ibang mas importanteng bagay ay nagpapakalunod ang karamihan, not to mention call center peeps, sa isang baso ng kape.


At hindi yan kape ha! Yan ay ayon sa mga social climber na estudyante. "Starbucks is not coffee. They are ground beans with processed chocolate and skimmed milk" Pero kung susuriin mo naman, ano nga ba ang laman ng iniinom nila? Hindi ba't kape! Starbucks is coffee. Period. No erase.

Matalino ang sinumang nagdala ng Starbucks dito sa ating bansa. Pumatok talaga ang marketing strategy. Isipin mo naman, ang isang tipikal na pinoy na gustong magpakasosyal, pupunta doon at oorder ng kape. Uupo sa gilid na kung saan ay makikita siya ng maraming tao na walang pangkape. Aantayin tawagin ng barista ang pangalan nya. Kukuha ng napakaraming tissue paper bilang souvenir. At siyempre, matagal nyang sisipsipin ang kape para mafeel ang ambiance ng sikat na coffee company.


Wala akong galit sa Starbucks. Sinasabi ko lang ang aking point of view tungkol sa paanong ang isang kapehan ay nagawang baguhin ang isang tipikal na pinoy.

Saturday, January 24, 2009

Ang Ika-Pito ni Bob Ong.. Andito na!

Pagkatapos ng isang taong paghihintay, at pagkukuro-kuro, sa wakas, malapit na malapit nang makita sa mga bookstores ang bagong libro ng iniidolo nating Pinoy author. Mukhang kumambyo ng ibang genre 'tong idol natin. Panuorin ang video na ito mula sa website ng Visual Print Enterprises (www.visprint.net), ang publisher ni idol.



Sino kaya ang superhero na ito? Ito na kaya yung magliligtas sa buong kalawakan? Abangan. =)

The Pinoy Drivers

Naipakilala ko na ang mga Patok Drivers. Pero sa tingin ko, hindi lang dapat sila ang maging bida. Kundi lahat! Sa tulong ng "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino" ni Bob ong, ipapakilala ko ang mga iba't-ibang klase ng mga Pinoy Drivers. Sakay na!



Eto na ang mga uri ng mga Pinoy drivers na naging barkada na natin sa araw-araw:

BAGGAGE BOYS- Mga drivers na sa pilahan pa lang eh masinop na. Pilit na sinisiksik ang mga pasahero at hindi umaandar ang sasakyan hanggang hindi nakakapagsakay ng 20 katao sa upuan na pang-14.
Bukambibig: “Kasya pa, dalawa pa ‘yan, kabilaan!”

PACMAN- Baggage boys na matakaw sa pasahero hanggang sa highway. Walang sinasanto na “NO LOADING/UNLOADING” signs. Hinihintuan ang lahat ng tao na pwedeng isakay, parang video game player na nag-iipon ng points at naghahangad ng bonus.
Bukambibig: “Sige, konting bilis lang ho at bawal bumaba dito!”


FORMULA ONE aka PATOK DRIVERS- Mga kaskaserong piloto na nagpapalipad ng jeep. Di tulad ni Pacman, maraming pasaherong nilalagpasan ang Formula One. Para silang mauubusan ng lupa. Sa sobrang bilis magpatakbo, lahat ng pasahero eh napapapikit nang mahigpit sa hawakang bakal.
Bukambibig: (Wala, Hindi nakakausap)

SCREWD DRIVER- Asiwa at mainit lagi ang ulo. Galit sa mga pedestrian, galit sa mga vendors, galit sa mga pasahero, galit sa mga pulis, galit sa mga kapwa driver, galit sa mundo. Sumisigaw, nagdadabog at nagmumura bawat tatlumpung segundo.
Bukambibig: “&#%@!”

KUYA BODJIE- Ang tsuper na masayahin, Laging nakangiti at sumusipol. Malugod na bumabati sa lahat ng nakakasalubong sa daan. Perpekto na sana si kuya Bodjie kung hindi lang sya’ madalas na sanhi ng heavy traffic.
Bukambibig: “Kamusta? Kamusta ang mga bata? Ilan taon na ba ang inaanak ko pare? Anu na nangyare sa ina-aplayan mong trabaho sa Saudi?”

SI MANONG- Matandang driver na may matandang jeep. Yung tipong binubuo na lang ng kalawang ang sasakyan nya at pwedeng kakitaan ng mga fossils at itlog ng dinosaur. Madalas ring tumitirik ang makina at talo ang mga pabrika sa usok ng tambutso. Kadalasan naka-tune in si Manong sa AM radio at nakikipagpalitan ng kuro-kurong politikal sa katabing pasahero.
Bukambibig: ”Lipat na lang kayo sa kabilang jeep, nasiraan tayo.”


DON FACUNDO- May hihigit pa ba kay Manong? Oo, ang matandang mahilig- si Don Facundo, ang DOM na driver!! Hitik sa green jokes at malalaswang banat.
Bukambibig: “Sakay na sexy, iuuwi na kita!” o “Konting ipit para di mangamoy!”


DISC JOCKEY- Ang sound-tripper na tsuper.Ultimo konsensya mo hindi mo maririnig sa sobrang lakas ng stereo nya. Lahat ng bagay sa loob ng sasakyan eh kumakalabog at kumakalansing sa tugtog. Aakalain mo ring may on-going party sa loob ng jeep dahil sa dami ng pribadong kaibigan nya’ng nakaangkas..
Bukambibig: (Hindi mo maririnig sa sobrang ingay.)

THE SUPER PINOY DRIVER- Marunong sumunod sa batas trpiko. Magalang sa mga pasahero. Hindi nanlalamang sa mga kapwa driver. At ayos magpatakbo ng sasakyan. Isa lang ang problema, hindi pa siya ipinapanganak.

'Yan ang mga Pinoy Jeepney drivers. Kaso nawawala yata yung isa, yung huling nabanggit. Pero sa tingin ko naman, naipanganak na siya, hindi nga lang napapansin dahil sa mga "mas cool" sa kanya. Nakasay na ko sa jeep ni Super Pinoy Driver, ang problema lang, hindi ko na siya nakita, nag-pari na ata.

Basta Pinoy driver, cool.=)

Patok na Patok!

Nakasakay ka na ba sa lumilipad na Jeep? Eh sa jeep na may sariling disco? Kung oo, patok ka boy!

Araw-araw akong sumasakay ng jeep. Sabi nga ni Bob Ong, ang pagsakay ng jeep ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy. Kasing karaniwan nito ang pagligo, pagkain, pagtulog, paglalakad, pag-iisip at pakikipagkwentuhan. Pero, ibang jeep ang tinutukoy ko. Ibang-iba.



Mabilis, pumapalo, lumilipad. Yan ang mga "Patok" na jeep na gustong gustong sinasakyan ng mga kabataan, mga estudyanteng late na ng 3 oras sa klase, at mga kaibigan nating ilang minuto na lang, sisante na sa trabaho. Ito yung "Formula One" na sinasabi ni Bob Ong. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nila yung mga ganitong klase ng jeep.

Lagi na lang natatapat sa'kin yung mga jeep na 'to. Kahapon lang, nagtagpo kami. Hot na hot 'yung driver. Kasabay ng paglipad niya sa kalsada ang dumadagundong at ikasisira ng mundo niyang mga sounds. Isipin mo, lumilipad na ang jeep na sinakyan mo, nagba-vibrate pa yung pwet mo dahil sa "Low" at "Big Girls Don't Cry" ni Manong. Kahit anong gawin mong kapit, hindi uubra. Nalaglag nga 'yung baga ko, pero buti na lang nasalo ng katabi ko kaya naitype ko pa tong blog na 'to. Instant roller coaster.

Masaya naman sumakay dito, lalo na kapag kasama mo 'yung mga kaibigan mo na katulad mo eh takot din, pero patuloy pa din silang sumisigaw ng "Whhoooh! Ang saya! Yeah!".

Tip: Kumapit ng mabuti, pumikit kung kinakailangan, magdasal. Hindi mo alam, baka pagdilat mo, naghanda na ng Welcome Party para sayo si San Pedro at mga kabatak niyang angels.

Wednesday, January 21, 2009

Mga Uri ng nililigawang Pinay

Marahil ay inyo nang nabasa sa blog na ito ang mga uri ng manliligaw na pinoy. Iba-iba ang style na gamit sa panliligaw. Ngayon naman, hatid ko sa inyo ang ilang uri ng mga nililigawang pinay. Sequel kumbaga. Kaya heto na ang ilan sa kanila:


1. Ms. Suplada
- babaeng masanggi mo lang ng konti ang buhok ay iirapan ka na at sasabihang bastos. Ang mga ganitong uri ay di nadadaan sa pagpapacute at pagpapapresko. Ok lang sana kung maganda, kaso karamihan sa kanila, walang hitsura.

2. Ms. Pakipot
- gusto rin naman, ayaw lang ipahalata. Aayaw-ayaw pero sa bandang huli bibigay din.

3. Ms. Maria Clara
- mga sinaunang babae na medyo may pagkaman-hater. Kalimitang may mga kamaganak na tiyahin na sa edad na singkwenta ay dalaga pa rin.

4. Ms. Bili mo ko nyan
- sila ang walang pakialam kung wala ka nang perang natitira o kung meron man ay pamasahe mo na lang. Madalas makita sa mga mall at lahat ng magustuhan ay ipinabibili sa nanliligaw.

5. Ms. Dabyana
- matakaw, malakas kumain at walang pakialam kung puno na ng mantika ang buong pagmumukha. Di alintana ang mga taong nakitingin. Basta ang mahalaga, makakain!

6. Ms. Diyeta
- kabaligtaran ng Dabyana. Conscious na conscious sa kanyang diet. Ayaw ng rice or carbs. Umiiwas sa mga chocolates at cakes dahil nakakataba. Sang ihip lang ng hangin, matatangay na sila dahil sa nipis ng kanilang mga katawan.

7. Ms. Kikay
- mga babaeng laging may dalang pampaganda. Ok lang sana kaya lang pati sa mrt, naglalagay ng harina sa mukha para daw di oily ang skin nila.

8. Ms. Anabel Rama
- bungangera. walang sinasanto. Ma-late ka lang ng isang minuto, sermon na ang aabutin po. Pinalalaki kahit maliit na issue.

9. Ms. Jealousy
- kahit wala kang ginagawang masama, magseselos. Madaming insecurities sa buhay ang taong ito na kahit aso, pinagseselosan nito.

10. Ms. Career
- ang taong inuuna ang karera sa buhay instead of love. Love can wait ang motto nito. Ayaw sa mga lalaking simple lang ang pangarap sa buhay.


Sino ka sa kanila? Kung wala man sa listahan ang personalidad mo, maswerte ka! Makakatanggap ka ng magandang balita. ^^

Pilipinas, Ihing-ihi KNB?!

Nakakita ka na ba ng ganitong klaseng pagbabawal sa sagradong tawag ng kalikasan?


Kung isa akong ihi, isa na itong opportunity para malaman ng buong mundo ang itsura ko at malaman din nila na nag-eexist talaga ako. Mapagtatanto ng taumbayan na isa akong biyaya ng Diyos na may karapatan ding sumikat gaya nila Betty La Fea at Barack Obama.

Ayos sa pagbabawal ang may-ari ng bahay na 'to. Talagang gugustuhin mo na lang maihi sa pantalon kesa umihi dito at makita sa TV. Pero kung mas normal ka lang sa'kin ng konti, iisipin mong mahilig lang talaga magbasa ng joke books ang mga nakatira dito.
Anak ng urinary bladder!

Iba talaga ang trip ng mga Pinoy. Kaya masaya maging Pinoy eh! HAHAHAHA!

(Salamat kay MM Yu ng Flickr para sa picture na 'to.)

Tuesday, January 20, 2009

The Barack Obama Look-a-Like

Balitang-balita ngayon sa iba't-ibang parte ng bansa at laman ng mga blogs sa internet ang diumano'y kamukhang-kamukha ng unang African-American President ng Amerika - si Ilham Anas, isang Indonesian Photographer na unang nakilala sa commercial ng isang gamot sa empacho sa Pilipinas.

Naloko talaga ako sa commercial na 'yun. Akala ko, si Barack Obama talaga siya, inedit lang. Sabi ko pa nga, "Desperado nang kumita 'yung kumpanya na 'yan! Pati si Obama, dinadamay! Anak ng empacho!". Muntik ko na makalimutan na hindi nga pala papatok sa masa ang isang "boring at pormal" na commercial.

Try niyong ipagcompare ang dalawang poging nasa larawan:

>
Panis sila d'yan!


Nakakatuwa talaga sila tignan. Isipin mo, dalawang personalidad, estado sa buhay, at pagkatao - pinagtagpo ng mga mukha nilang gwapo. (ehem!) Ano kayang pakiramdam ni Anas ngayo't sikat na siya at kamukha pa nya ang ngayo'y isa na sa mga pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo?

Para sa mga nasiraan ng TV sa bahay at hot na hot na mapanood ang nasabing commercial, eto:


Kapeng Baracks?
(Courtesy of Youtube)


Hindi ko alam, pero ang alam ko talaga, sa commercial na 'yun sumikat si Anas. Nakakalungkot ba kung sasabihin kong hindi siya sumikat sa larangang tunay niyang pinanggalingan? Pero siguro, dahil sa commercial na yan, marami nang kukuha sa kanya para maging photographer sa mga okasyon. 'Wag lang siya magkakaroon ng empacho. (May magulo ba sa paragraph na 'to?)

Iba talaga ang nagagawa ng pinag-joined force na imagination at creativity. Ibang-iba.

Iisa Pa Lamang…

Alam nyo ba yung soap ni Claudine, Deither at Gabby na kung saan kontrabida si Cherry Pie bilang Isadora?

iisa_pa_lamang.jpg

Natapos na ito nung November ata pero hindi parin namin makalimutan ng mga bonggang bonggang mga dialogue nito! Lalo na yung “Magswiswimming ka lang naka diamonds ka pa?”

Dagdag mo pa dyan ang binigay na litrato ng ating kaibigang si Pol! Salamat Pol!

isadora-pol.JPG

WTFOMGLOLIPOPZ! Isadora the Explorer talaga? LOL Kulit mo Pol! Hehehe


At eto naman ang mga linyang kumakalat sa internet na galing sa soap! Mapapa EMG talaga kayo LOL! Enjoy!

ISADORA: “Ganito pala ang feeling maging hampas lupa, kaloka!”

SCARLET : “Blood is thicker than canal water!”

ISADORA: “Alam mo bibinyagan na lang kita ng bagong pangalan ‘Mrs. Katherine Maperang-mapera y Huthutera Byuda de Impostora! “

KATHERINE: “Ikaw lang ang alam kong may kakayahang pumatay ng tao, Isadora!”
ISADORA: “Well, I’m flattered!”

ISADORA: “Wala akong panahong makipagbalagtasan sayo Katherine. Tapos na ang linggo ng wika, hindi ka ba naabisuhan?”

KATHERINE: “Papatayin kita Isadora!”
ISADORA: “Pwes, pumila ka muna!”

ISADORA: “Ba’t ang daming bobo? Ang bilis naman nila manganak!”

ISADORA: “Masahol kapa sa dumi ng putik!”
KATHERINE: “Kung ako ay putik, ikaw ang imbornal… o say mo? Mas madumi yun kesa sa tae!!”

LOLA AURA: “Magkaka-patayan tayo, Isadora!”
ISADORA: “Dahan-dahan ka dyan sa wini-wishmo. Baka magkatotoo!!”

ISADORA: “Hindi ako defensive…. offensive ka lang!”

ISADORA: “Talaga nga namang may pakpak ang balita at my tenga ang lupa. O talagang chismosa ka lang?”

ISADORA: “Perfect ako pero nagkakamali rin…”

LOLA AURA: “Ilan bang paso ang kailangan mo, Isadora?”
ISADORA: “Haciendera ako at hindi hardinera, Aura! At isa pa, isa ka lang dumi sa akin.”
LOLA AURA: “Tandaan mo, balang araw, ang duming ito ang makakapuwing sa yo!”
ISADORA: “Eh di magshe-shades ako!”

SOPHIA: “Ma, may mga tao!”
ISADORA: “Naku, lintik na! — ay, si Aura lang pala… kaya ko ‘to!”

SOPHIA: “Mommy, tama na. Hindi ako bulag”.
ISADORA: “Oo, alam ko. Hindi ka bulag. Pero sana pipi ka nalang kasi naririndi na ako sa mga pinagsasasabi mo”

(Maid is about to leave Isadora) ISADORA: Pagkatapos kitang binaba sa bundok mo at pinatikim ng corned beef, lalayasan mo ako?

ISADORA: “Oh aren’t you excited to see me?”
SCARLETT: “Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?”
ISADORA: “Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste… I’m so witty!”
—-

Ahahahaah winner diba?! May mga kanal at tae pang nalalaman! LOL! Sana may part 2!

ABS!!! Part 2!!! Dali na!!! :)


SOURCE: http://greenpinoy.com/

Monday, January 19, 2009

Torpeng Pinoy

Tahimik ako'ng nagmumuni-muni sa kaligayang nadarama ko ng biglang umalingawngaw sa ere ang isang kanta:


"Pano na kaya, di sinasadya, di kayang magtapat ng puso ko
bakit sa dinami-dami ng kaibigan ko, ikaw pa?"

Gusto ko'ng murahin ang may likha ng ingay na yun dahil naistorbo nito ang pagmumuni-muni ko ngunit agad ko'ng napagtanto na mula pala iyon sa aking cellphone. Noon ko lang naalala na nagpalit pala ako ng message alert tone.

Agad kong dinukot sa aking bulsa ang telepono at binasa ang mensahe.

"Boy: Miss pahiram naman ng pen mo saglit lang pls?
Girl: ok
Boy: nyay ayw nmn sumulat o?
Girl: Pwd yn, kkgmit ko lng nyan knna eh
Boy: Weh! cge nga sulat m nga # m?"


Oha!

Isang text message mula aking officemate. Tungkol sa kung pano dumiskarte ang isang lalaki sa babae.

May fighting spirit kumbaga ang isang taong kaya yang sabihin sa harap ng isang babae. Pero iba ang kaso sa isang torpeng pinoy. At ang lesson natin ngayon mga bata ay tungkol sa isang torpeng pinoy!!!

Para sa akin, may apat na uri ng torpeng pinoy. At ito ay ang mga sumusunod:


1. Mr. Shyguy - di gaya ng mga taong singkapal ng aspalto ang pagmumukha, mahiyain ang torpe sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa kanyang napupusuan.

2. Mr. Pipi - magaling sa communication skills pero biglang nawawala ang dila kapag kaharap ang kanyang lihim na minamahal. Kulang na lang na pati ang tonsil ay malunok dahil sa di pagsasalita.

3. Misteryoso - dahil may pagka mr. shyguy din, dinadaan ng mga ganitong tipo ang pagpapahayag ng kanilang damdamin sa mga sulat at text. Gamit ang alias ng
"Mr. Right", "RockyRoad", "Dudung" atbp, nagpapadala sila ng mga love quotes o love letters sa kanilang mahal.

4. Mr. Stalker - lihim na sinusundan bawat galaw ng kanyang minamahal. Alam lahat ng schedule of activities. Para bang si big brother. Laging updated.

Kaya ang isang torpe, gaano man kagaling sa academics o trabaho, matalino man o may yaman, pag nanatiling torpe, siguradong parang coke ang lovelife: zero. Natural alam ko, dati rin ako'ng torpe. :)

Sunday, January 18, 2009

Ngiting Pinoy

Andaming problema ng 'Pinas. Maraming walang pera, maraming walang makain, maraming walang masuot. Pero dahil Pinoy tayo, ang mga problema na mismo ang naaasar sa'tin dahil hindi natin sila pinapansin.

Sabi ng mga teacher ko nung high school, ang mga taga-ibang bansa daw, kapag may malalaki silang problema (gaya ng pagkakaroon ng sipon at pagbagsak sa Math), kumakagat na agad sila sa banal na sakramento ng pagpapatiwakal. Para bang, "konting saksak, ayos na!". Samantalang ang mga Pinoy, murahin man ng inutangan, bumagsak man sa school, maholdap, manakawan, madapa sa harap ng crush, madapa sa beauty pageant, bastedin ng pinagpapantasyahan, mapatalsik man sa trabaho, super ngiti pa rin. Syempre, may kaunting lungkot pa rin, pero mga ilang segundo o minuto matapos maranasan ng Pinoy ang masalimuot na parte ng buhay na pinaranas sa kanya ng tadhana, asahan mo, tatawa na 'yan.

Ilang beses ko nang napatunayang masayahin talaga ang mga Pinoy. Nung isang araw lang, bagsak ako sa midterm grade ko sa Math. Sa una, nanghina ako. After 45.32 minutes, paglabas ng prof, kanya-kanyang batuhan na ng asaran ang mga classmates ko, at syempre pati ako. Sa tingin ko, Pinoy lang ang nakakapagsabing "Wahaha! Tres ako sa Math!", "Ilan ka? Ako 3.33, ang taas noh?! Hahaha!."

May mga nakita akong pictures sa internet ng mga Pinoy na sa kabila ng mga natitikmang mapapaklang putaheng hinanda ng buhay, todo smile pa rin sila. (Salamat kay Mykl Mabalay, Mark Wendell, Jeridaking at sa The Philippines Pool ng Flickr.)




Oh di ba? Ang sarap talagang ngumiti ng Pinoy. Walang tatalo. Kaya nga siguro maraming dayuhan ang pumupunta dito sa bansa dahil sa kasiyahang bumabalot sa planeta ng Pilipinas. Nakakalungkot lang dahil may mga nabasa ako sa isang blogging community na maraming mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa ang hindi kayang ipagmalaki na Pinoy sila, ang masama pa, itinatakwil nila ang pagiging isang astig na Noypi. Malas nila. Hindi nila alam na ang itinatakwil nilang lahi ay ang lahing walang ibang bisyo kundi ngumiti at maging masaya.

Tawa na!

Saturday, January 17, 2009

No Parking

Masunurin naman talaga ang mga Pinoy. Hindi lang talaga tayo marunong sumunod. Kuha mo?

Bawal Umihi Dito

Bawal Magtapon ng Basura Dito

Bawal Magsakay at Magbaba Dito

No Parking

No Loading and Unloading Zone

Whhoohh! Naliligo sa "Bawal" at "No". Yan ang batas sa Pinas. Simple. Pero ang pagtupad sa mga 'yan ng walang palya? Tsk. Tsk. Imposible.

Bakit nga ba matigas ang ulo ng mga Pinoy? Ang lahat ng "bawal", ginagawang "pwede". Lahat ng "No", ginagawang "Yes." Siguro perfect natin ang quiz kung ang subject e tungol sa Figure of Speech na Irony. Sabi ng iba, "kaya hindi umuunlad ang bansa eh, mga Pilipino kasi!" Tignan mo na lang 'tong nakuhaan ko ng picture sa isang street sa Maynila. (Sensya na sa kuha ko, hindi ko talaga alam ang photography.)

Kitang kita naman talaga ang pagkamasunurin ng Pinoy.Kitang kit
a mo talaga na number one na maipagmamalaki natin ay ang pagkakaroon natin ng disiplina. Kitang-kita na marunong tayo sumunod sa batas. Kitang-kita. Kita mo?

Sa tuwing makakakita ka ng mga ganyang eksena sa paligid mo, wala ka talagang ibang magagawa kundi mapabuntong hininga na lang sabay sabi sa sarili mo, "Hay. Mga Pilipino talaga! Tsk. Tsk." Tapos aagos sa ugat mo yung kahihiyang binibigay sa dugo mo ng mga kapwa mo Pinoy. Maraming ayaw maging Pinoy, ang hindi nila alam, Pilipinas na mismo ang umaayaw sa kanila.

Ipokrita naman ako kung sasabihin kong naging masunurin ako sa araw-araw na buhay na pinagkakaloob Niya sa'kin (na pinagpapasalamat ko dahil hindi Siya nagsasawa). Maraming beses na din akong sumakay ng bus sa "Walang Sakayan, Babaan Lamang". Ginagawa ko 'yun kapag talagang wala na kong pag-asang makauwi kung maghihintay ako doon sa tamang sakayan. Tapos sasabihan ko ang sarili ko ng pampalubag loob para sa nadamay kong konsensya, "Ok lang yan Eych, MINSAN lang naman eh.". Pero naiisip ko din, siguro lahat ng Pinoy e may psychic ability o kaya kamag-anak nila sina B1 at B2 ng Bananas and Pajamas. "Pinoy, naiisip mo ba ang naiisip ko? Sakay na lang tayo dito, MINSAN LANG NAMAN EH!"

Pinoy ka. Alam mong hindi pwede maging "pwede" ang isang "bawal."


Mga Patalastas (Noon at Ngayon)

Kung nabuhay ka simula late 1920's hanggang sa mga panahong ito malamang alam mo kung ano ang TV. Ipagpapalagay kong nakakita ka na ng TV pero kaya mo kayang i-ispell ang TV? *with matching Jacqueline Jose tone* Ngayon, kung isa ka sa mga nabanggit ko, malamang nakapanood ka na ng isang commercial... sa TV. At sino bang hindi namamangha sa galing ng mga TV Ad firms sa paggawa ng commercials di ba? Yun bang tipong papatok sa masa at totoo namang tatangkilikin at magiging bukambibig ng sambayang Pilipino.

Kapapanood ko lang kasi ng bagong commercial ng Mcdo. Yung "Huling El Bimbo". Sa totoo lang natuwa at nabwisit ako sa istorya. Natuwa kasi ang cute nung 2 bata, at nabwisit kasi akala ko paglaki nila sila pa rin. Takte... maapektuhan daw ba? hehe, anyway, share ko lang para sa mga hindi pa nakakapanood nito. eto:


Sa mga nagdaang panahon, (kung magsalita ako parang antanda tanda ko na e no?) maraming commercials na ang nagbigay ng ngiti sating mga Pilipino. Hindi ko na mabilang kung ilan na yung narinig kong linya na galing commercials lang na ginagamit natin sa biruan, tuksuhan, asaran at kung anu-ano pang pagpapa-cute kapag kasama ang tropa. Ewan, basta ishe-share ko lang kasi gusto ko. Wala kayong magagawa kasi blog ko to! hehehehehe... enjoy!

Mcdonald's (karen)


San Miguel (Sabado Nights)


PLDT (suportahan taka)


Coca Cola (Coke Jingle)


Coca Cola (Coke ko to beat)


Mcdonald's (Pa-burger ka naman!) - Burger! Burger! Kahit anong rason! Pa-burger ka naman!


Tide (Christmas Ad) - Promise natawa talaga ako dito!


Fita :-) (Half Good Thing) - Moral: Humiling ng bagay na kapag hinati pwede pa ring magamit. hehehehe


Dragon Katol: - Classic to e no? at tingnan nyo naman kung gaano nanggigitata yung bida sa commercial nato! langya!


Hehehehe.. wala lang.. kanya kanyang trip lang yan at trip ko ngayon mag post ng mga commercials e! hehe

Uri ng manliligaw (Pinoy Style)

Ang pinoy, kapag mayroong nakursunadahang babae, nanliligaw. Noo'ng panahon ng mga lolo't lola natin, uso ang haranan, pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng tubig para magpalakas sa babae. Buti na nga lang at di ko inabot ang panahong iyon dahil tiyak na patay na ko bago pa ko sagutin ng babae. Pero iba't ibang style na ang gamit namin ngayon sa panliligaw. Nacategorize na nga ang mga uri namin eh. Kaya sa iba'ng pinoy dyan na gusto'ng malaman ang mga style ng panliligaw at sa mga girls naman para malaman kung ano'ng uri ng manliligaw ang kumakatok sa inyong mga puso, heto ang ilan mga yan, pinoy style.

1. Mr. Gwapings
>> mayaman, gwapo, kilala, at higit
sa lahat may wheels. mataas ang
confidence nya
na hindi sya mababasted, kaya pag
nabasted..maapektuhan ng husto ang
kanyang
EGO. at teyk note, malas mo kung may
sour
grape attitude pa yan. pwede nyang
sabihing "sus
kala mo kung sinong maganda e
pinagtyatyagaan
ko lang naman sya! pwe!"

2. Mr. Quickie
>> ang type ng manliligaw na kada
magkikita kayo e wala nang alam na
sabihin
kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o
kaya "i love
you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit
na isang
linggo pa lang naman syang pumoporma.
kung
baga dinadaan nya sa pangungulit para
mabilis
ang pagsagot mo.

3. Mr. Everything
>> linya nya ang "sagutin mo lang
ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng
magustuhan
mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." !
@#$ ka
na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot
mo na yan,
makakalimutan na nya ang linyang yan.

4. Mr. Stalker
>> eto yung type ng manliligaw na
pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka
sa tanong
na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo
susundan
pa nya ulit ng tanong "nsan ka
ngayon?" "sinong
kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at
kung anu-
ano pa. basta tungkol sa daily
activities mo
kelangan malaman nya.

5. Mr. Take it or leave it
>> pag binasted mo ang
ganitong type ng manliligaw, asahan mo
bukas
may nililigawan na sya ulit. at heto
pa, hinding
hindi ka na nya papansinin. period.

6. Mr. Salesman
>> dadaanin ka sa matatamis na
salita. parang si Mr. Everything din
kaya lang sya
mas matindi mang-uto. yun bang
tipong.."ang
ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o
kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang
lambot ng
mga kamay mo" at iba pang pang-uuto
mapasagot
ka lang.

7. Mr. Good Dog
>> eto ang nakakatuwang
manliligaw. kase payag syang
magpaalipin. taga
bitbit ng bag mo o kahit ng mga
kaibigan mo. kahit
magmuka syang buntot sa tuwing may
gala kayo
ng mga barkada mo. nagpapakitang gilas
kung
baga. pero pag sinagot mo na, for sure
gaganti
yan.

8. Mr. Anonymous
>> motto nya ang "action speaks
louder than voice". wala kang kaalam-
alam,
nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-
bait sayo. e
akala mo mabait lang talaga. hehe!

9. Mr. Second chance
>> sya ang pinakamasugid
mong manliligaw. kahit 100 tayms mong
sabihing
ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-
asa ang
sasabihin nya parin "Please give me a
second chance"

10. Mr. Romantiko
>> jologs ang mga paraan nya sa
panliligaw. manghaharana,
pakikisamahan mga
barkada mo, liligawan parents mo at
laging may
dalang flowers and chocolates tuwing
dadalaw.
pero madalas nakakapagpakilig sya ng
nililigawan
nya dahil sa kanyang "malinis na
hangarin" awww!

Friday, January 16, 2009

Random Drug Testing, ok lang ba?!.

Kung ako ang tatanunging, ok lang ang Random Drug Testing sa mga Highschools at Universities. Pabor sa akin yun para sigurado sila na hindi nga ako addict. Diba.

Wala naman akong nakikita masaman dun at di naman yun sapilitan at syempre basta't walang bayad. "Di naman siguro matatapakan ang sinasabi nilang Privacy at Human Rights ko dun". Siguro kung ako ay isang Drug addict o kaya pusher, baka maramdaman ko na nalalabag ang aking human rights at privacy.

Sa tingin ko, mas maraming magulang ang papabor sa Random drug testing sa mga Highschools at universities para makasigurado sila na hindi nga addict o hindi gumagamit ng mga pinagbabawal na gamot ang kanilang mga anak. Alam naman natin na dumarami na ang kaso ng pagiging drug addict at pusher dito sa pilipnas at sa ibang panig ng mundo kaya nararapat lang na supilin at iwasan kahit sa simpleng Drug test lang. Wag na natin hayaan pa na tuluyang maging addict ang mga kabataan, dapat ay hanggang maaga pa lang ay simulan ng iwasan ang salot sa lipunan na drugs.

Naniniwala rin ako na maraming studyante lalo na sa mga pribado at malalaking iskwelahan at unibersidad na gumagamit ng mga pinagbabawal na gamot. Syempre mas malawak at mas malaki ang bentahan ng mga drugs sa malalaking paaralan dahil nandun ang mga istudyante na may malalaking baon at di nauubusan ng pera. Siguro wala na silang mabiling matino, "shabu naman daw para maiba" at cocaine naman para sa istudyante na galing sa pamilya ng mga pulitiko at negosyante.

Hindi mo rin naman maitatanggi na posible ngang gumamit at addict ang mga tinuturing na Alabang Boys. Picture nga lang nila na kuha ng PDEA na pinapakita sa TV (ung naka-green sila) eh mukha ng mga High eh. Mga nakangiti pa at palibhasa kasi mayaman sila kaya alam nila na kayang-kaya ng pera nila na mapawalng sala sila. Konting halaga para sa kalayaan. Ganyan naman kadalasan ang IBANG mayayaman, Guilty o not-guilty man sila eh piplitan nilang linisin ang pangalan nila, syempre mayayaman at sikat sila kaya nakakahiya at panira sa career at negosyo kung masasangkot sila sa isang eskandalo.

Ayon sa resulta ng Drug test na ginawa sa Alabang boys, silang lahat ay positibo sa droga. Ikaw, kung ang isang tao ay positibo sa droga, tingin mo ba di sya addict o nagddrugs?!.

Hindi naman siguro sila magiging positibo sa bawal na gamot o droga kung ponstan, bisolvon at diatabs lang ang ininum mo.

Eh ika nga sa kanila, di naman daw sila addict, user lang!!.. Nyak, anu kaya yun. Alam mo nangang Salot, Bawal at Masama sa kalusugan ang paggamit ng anumang pinagbabawal na gamot eh gagamit ka pa, di bale na lang kung tanga at galing sa pamilyang addict o ang mga magulang ay ex-Drug-addict-lord-pusher.

Nasa magulang din yan, kahit anung problema ang dumapo sa kanilang mga anak, kung tama at maganda ang pagdidisiplina sa kanila ay hinding-hindi gagamit ang kanilang mga anak ng mga pinagbabawal na gamot.

Payo ko lang sa mga engot-engot na magulang ng alabang boys, imbis na itago ang pagkakasala at pagiging addict ng mga anak nila, sana ay pangaralan na lang nila at hayaang makulong o marehab ang mga anak nila upang tumino at malayo sa kapahamakan at lalo na sa impluwensya ng droga.

Ayon sa nalalaman ko,.. Tulad ng ginawa ng nanay ni Robin Padilla sa isa nyang anak, nang nalaman nyang Drug addict ang kanyang anak, sya mismo ang nagparehab sa anak nya para maibalik sa katinuaan at malayo sa droga ang kanyang anak.

Kaya imbis na isipin nila ang kanilang negosyo at kahihiyan sa pangalan nila, hayaan na lang nilang matuto ang malayo sa masamang bisyo ang kanilang mga anak at pati na rin siguro ang kanilang mga sarili. Un lang.

Sensya na kung paikot-ikot ako, masakit kasi yung ulo ko eh.

Thursday, January 15, 2009

Pagkakaiba ng Mahirap at Mayaman

Kung naging mayaman kaya ako, ano kaya ang naging kapalaran ko? Technician pa rin kaya ako o may-ari na ng kumpanyang pinapasukan ko? Whahaha. Libre lang mangarap sabi nga sa kanta ng kamikazee (tama ba spelling???). Sa panahon ngayon, lubhang malaki na talaga ang pagkakaiba ng mga mayayaman sa mga mahihirap. Katulad na lang halimbawa sa pananamit. Pag mayaman o angat ka sa buhay, bumabagay ang kahit ano'ng suotin mo. Tulad na lang ng scarf. Kapag rich ka, aba, bagay na bagay, pero kung mahirap ka, mukha ka lang abu-sayap member. Hehehehe. Iba rin ang mga salitang ginagamit nga mga mayayaman sa mga mahihirap. Halimbawa:

Mayaman : "Uy Friend! Kamusta na? Anak mo?? Ang cute ah! PETITE!"
Mahirap : "Hoy Mare! Kamusta na? Anak mo?? BANSOT ah!

Mayaman: "Hey dude, what's that? RASHES?"
Mahirap: "Yak pare, ano yan? GALIS?"

Mayaman: "Junior, stop that! It's DIRTY!"
Mahirap: "Dyunyorr!, tigilan mo yan, AH AH yan!

Heheheeh. Kapansin pansin din ang pagiging ingglisero ng mga mayayaman.
Slang ika nga. Sa pangalan nga lang eh iba na ang tunog.

Mayaman: What's yah name? Abigail? (pronounced as Ebeegeyl)
Mahirap: Uy! Si Abaigail oh! (pronounced as AHBIGEYL)

Siyempre ang mga yan ay opinyon ko lamang. Sa pananaw ng iba, pwedeng totoo ang mga yan. Pwede ring hindi para sa mga guilty. Kung may tinatamaan man, wala na ako'ng pakialam! Basta ang alam ko, malaki ang pagkakaiba ng mga rich sa poor. Adios! ^^

Laro tayo

Noo'ng kami ng mga kaibigan ko ay mga musmos pa lamang, naranasan naming makapaglaro ng kung tawagin ay mga laro ng lahi. Dahil noong panahong iyon, wala pa ang mga online games tulad ng RAN, Special Force, O2jam, MU atbp. Kaya naman talagang ubos ang enerhiya ng aming buong katawan dahil sa kakatakbo, kakalundag at kakasigaw. Naenjoy talaga naman ang aming pagiging bata. Iban'g iba na talaga sa henerasyon ngayon. Kaya sa aking pagbabalik-tanaw, pagmumuni-muni at pagtingin sa cursor na patuloy na kumikindat habang ako'y nag-iisip ng maisusulat, sumagi sa akin'g isipan ang mga laro'ng pinoy na minsan ko na lang makita ngayon.

1. Luksong Tinik - gamit ang mga paa at kamay ng dalawang manlalaro, pagdudugtung-dugtungin nila ang mga ito na para bang gagawa ng bakod na siya namang lulundagin ng isa pa nilang kalaro. Kailangang hindi sasabit ang kahit anong parte ng katawan ng lulundag dahil kung hindi ay magiging taya siya. Maaari rin namang gumulong siya kapag nagkamali ng lundag. Susubsob ang mukha sa lupa at sisirit ang dugo. Ang saya!

2. Luksong Baka - ang taya ay siyang yuyuko na gagayahin ang itsura ng baka. Lulundagan naman siya ng mga nang-aatsoy sa kanya. Kailangang matibay ang mga buto ng siyang magiging baka dahil iba-iba ang pisikal na anyo ng mga tatalon sa kanya. Suwerte mo kung singbigat lang ng tissue paper ang tatalon sa yo dala na rin ng kakulangan sa nutrisyon pero kung singtaba ni Dabyana ang tatalon sa yo, siguraduhing may nakahandang ambulansya o hindi namay'y albularyo na syang manghihilot sa posibleng maging pilay mo.

3. Langit Lupa - habulang laro na kung saan, para makaligtas ka sa taya na siyang huhuli sa yo, kailangan mong maghanap ng isang mataas na bagay na siyang magsisilbin'g "langit". Pero di ka pwedeng manatili habang buhay sa "langit" mo dahil kailangan mo ring humanap ng pwesto pagkatapos. At ang taya naman, bawal ang bantay sarado dahil tiyak na kakantahan ka ng "Bantay Suka, Doble Taya!"

4. Tumbang Preso - isang lata ang ipupwesto ng taya na siya nyang babantayan para hindi mapatumba ng mga nagbabalagoong sa kanya. Kapag nakatayo ang lata, maaari syang manaya ng mga manlalarong wala sa base. Pero sa oras na mapatumba ang lata gamit ang mga tsinelas na syang hinahagis ng mga manlalaro, kailangan nya itong itayo bago sya manaya. Iwasan lamang ang lata dahil maari itong tumama sa iyong pagmumukha at pagsimula ng pamamaga.

5. Patintero - tinatawag ding "harang-harang" dahil wala kang ibang gagawin kundi harangin ang mga magnanais makapasok. Maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat kuponan bago simulan ang laro. Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo. Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging tayakung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan. Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

Ilan lang yan sa mga nakakamiss laruin na sa ngayon ay di ko na madalas nakikitang nilalaro ng mga bata dahil abala sa paglalaro ng ragnarok at iba pang online games.


Sana lang, makasama ang mga larong ito sa SEA Games o Olympics. Wishful thinking!!!

Tuesday, January 13, 2009

Deadbol Daga

Ok din palang pamatay ng daga ang pellet gun na nabili ko sa isang tyangge sa Robinsons noong new year. Mdyo marami n rin cguro yung mga napatay kong daga. Siguro mga anim na maliliit at makukulit na daga.

Tulad kanina, akala siguro ng isang daga o bubwit na papangalanan nating Steve na makukuha nya ang mumunti kong puto na binili ko sa tindahan sa tabi ng bahay namin. Pasimple pa syang lumalapit at aamoy-amoy. Sayang naman ang merienda kong puto pag nakuha nya yun. Kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng maliit na piraso ng puto para gawin kong pain sa kanya. Hinintay ko syang lumapit habang nakatutok ang aking dakilang pellet gun sa puto.

Hinintay ko sya sa loob ng mga limang minuto, kakangalay. Peste talaga ang mga daga, may taning na nga ang buhay, mamemerwisyo pa. Pero di rin nagtagal at unti-unti kong naaninag ang anino ni Steve at unti-unting lumalapit sa aking puto.

Tamang-tamang pagkakataon sana para makapagmerienda sya ngunit katapusan na nya pala. 
Paglapit nya sa aking puto, at habang nakatutok ang aking pellet gun, bgla ko ng kinalabit ang gatilyo na aking pellet gun! Ayun! Malas! Nakalimutan kong ikasa! Asar talaga! Nakatakbo pa tuloy sya. Syempre di natatapos dun ang gera sa pagitan namin ni Steve. Sinigurado ko ng nakakasa ang aking pellet gun at siniguro ko na rin na may bala. 
Di rin nagtagal at unti-unti ulit syang lumapit upang tirahin ang puto na pinain ko sa kanya. Ang di nya alam ay handang-handa at lock and load na aking pellet gun. Paglapit na paglapit nya, BOOOM! BullsEye ka boi! Sapul sya, laglag sya sa likod ng computer. Syempre di ako nakuntento at sinigurado ko na tepok na sya kaya tinadtad ko pa sya hanggang sa mamatay sya. Ngunit kadiri, tumalsik na pala yung dugo nya sa pader at sahig. Kaya dali-dali akong kumuha ng basahan para punasan ang kadiri nyang dugo. 
Winalis ko ang daga palabas ng bahay ngunit malas nya dahil nasa labas nga lang pala ang aming aso kaya ayun, double dead rat sya ngayon. Kawawang Steve, marahas ang pagkamatay. Sana madala na ang mga daga sa bahay namin at magsi-empake na at maghanap na ng ibang lungga.

Mang Domeng's Laboratory

Napanuod ko yung episode ni Jay Taruc sa i-witness kagabi yung "Mang Domeng's Lab". Ganun pala gawin yung mga hayop na nakikta nating nakadisplay sa mga laboratory ng mga universities at pati na rin yung mga palaka at iba't-ibang hayop na nabibili para i-disect at un din ang nagsisilbing pantawid gutom ng kanyang pamilya.

Kakadiri din palang gawin yung at kakakilabot. siguro sementado na yung mga sikmura ng pamilya ni Mang Domeng.

Bumubili pala talaga sila ng mga hayop tulad ng mga palaka, unggoy, pating, pusa, daga at kung ano-ano pang mga hayop para ibenta, i-preserve at i-exhibit sa mga skul.

Marami pa palang mabibili sa arangque market ng mga exotic na animals, tinatago lang pala para di makita pag ni-raid. Tulad sa episode kagabi, nakabili si Mang Domeng ng unggoy na worth 2,500 ata. Mura na rin kung tutuusin mo kung bibili ka sa legal na proseso. Pagkatapos mabili, syempre uwi na sa bahay at sisimulan na agad gawing pinatayong unggoy o "stuffed monkey". Binigti muna nila yung unggoy tapos hiniwa yung gitna ng katawan at sinimulan ng tanggalin yung mga lamang-loob at buto-buto nito.

Pinuno nila ng bulak yung loob ng katawan para mabuo ulit sya, nilagyan din ng alambre ang loob ng katawan para tumayo at kumuha ng mata mula sa stuffed toy at presto!, buo na ang obra maestra ni Man Domeng at handa nyang ibenta sa halagang P5000-P6000.

Kung tutuusin, tama rin na gawing ligal at ginagawa ni mang domeng sa mga hayop kasi nga for educational purposes naman talaga. Kung di dahil kay Mang Domeng ay di basta-basta matututo ang mga estudyante specially yung mga medical student about parts ng different species. Mas ok nga naman na pag-aralan muna ang mga hayop kaysa sa tao. Syempre practice muna ng mga estudyante yung pgaanatomy at paraan din para masanay kahit papaano yung sikmura nila bago sila humarap sa totoong katawang ng tao.

Kaya mas ok talaga na gawin ng ligal yun, siguro bigyan na lang nila ng mga rules at limitations yung gingawa ni mang domeng. I'm sure suportado sila ng mga Medical students at medical schools.

Pero sana wag ng bigtiin ni Mang Domeng yung mga hayop, kakaawa din naman. ok na cguro yung lethal injection para di sila mahirapang mamatay.

50 Facts about Philippines

50. Where the most happening places are not where the party is. Instead it is where the gang wars happen, where women strip and where the people overthrow a president.

49. Where even doctors, lawyers and engineers are unemployed.

48. Where everyone has his personal ghost story and superstition

47. Where mountains like Makiling and Banahaw are considered holy places.

46. Where everything can be forged.

45. Where school is considered the second home and the mall considered the third.

44. Where Starbucks coffee is more expensive than gas.

43. Where every street has a basketball court and every town only has one public school.

42. Where all kinds of animals are edible.

41. Where people speak all kinds of languages, and still call it Tagalog and where it is fast becoming unfashionable to speak English/Spanish.

40. Where students pay more money than they will earn afterwards.

39. Where call-center employees earn more money than teachers and nurses, where doctors study to become nurses for employment abroad.

38. Where driving 4 kms can take as much as four hours.
37. Where flyovers bring you from the freeway to the side streets.

36. Where the tourist spots are where Filipinos do not (or cannot) go.

35. Where the personal computer is mainly used for games and Friendster.

34. Where all 13-year-olds are alcoholic.

33. Where colonial mentality is dishonestly denied!

32. Where 4 a.m. is not even considered bedtime yet.

31. Where people can pay to defy the law.

30. Where everything and everyone is spoofed.

29. Where even the poverty-stricken get to wear Ralph Lauren and Tommy Hilfiger (peke)!

28. Where the honking of car horns is a way of life.

27. Where being called a bum is never offensive.

26. Where floodwaters take up more than 90 percent of the streets during the rainy season.

25. Where everyone has a relative abroad who keeps them alive.

24. Where crossing the street involves running for your dear life.

23. Where wearing your national colors makes you baduy.

22. Where billiards is a sport, and darts is a bar game.

21. Where even the poverty-stricken have the latest cell phones. (GSM-galing sa magnanakaw)

20. Where insurance does not work.

19. Where water can only be classified as tap and dirty - clean water is for sale (35 pesos per 5-gallon).

18. Where the church governs the people and where the government makes the people pray for miracles.

17. Where University of the Philippines is where all the weird people go. Ateneo is where all the nerds go. La Salle is where all the Chinese go. College of Saint Benilde is where all the stupid Chinese go, and University of Asia and the Pacific is where all the irrelevantly rich people go. [malabo naman toh eh -mark]

16. Where fast food is a diet meal.

15. Where traffic signs are merely suggestions, not regulations.

14. Where all the trees in the city are below six feet.

13. Where being held up is normal. It happens to everyone.

12. Where kids dream of becoming pilots, doctors and basketball players.

11. Where rodents are normal house pets.

10. Where the definition of traffic is the “non-movement” of vehicles.

9. Where the fighter planes of the 1940s are used for military engagements, and the new fighter planes are displayed in museums.

8. Where Nora Aunor is an acclaimed actress and Boy Abunda is the best talk show host, where the population knows more their showbiz stars better than their national heroes and past presidents, knows more of showbiz gossips than their national history and current events.

7. Where cigarettes and alcohol are a necessity, and where the lottery is a commodity.

6. Where soap operas tell the realities of life and where the news provides the drama.

5. Where actors make the rules and where politicians provide the entertainment.

4. Where finding a deer on the road will be a phenomenon.

3. Where people can get away with stealing trillions of pesos, but not for a thousand.

2. Where being an hour late is still considered punctual. (Grabe talaga ‘to!)

1. Where the squatters have more to complain (even if they do not pay their tax) —- than those employed and have their tax automatically deducted from their salaries.

and finally….. .

0. Where everyone wants to leave the country!

Saturday, January 10, 2009

Germs

Hindi ba kayo nandidiri pag may nakikiinom sa baso nyo? hindi naman sa pagiging maarte o madamot.

Ang laway kasi hindi shinishare,kung shinishare yun edi sana gumawa ang Diyos ng isang malaking dagat ng laway para ibahagi saating lahat. :)

Ganito kasi yun,alam ko madaming mahilig makiinom,matanda man o bata,pero hindi ba sumasagi sa isipan nyo na pag ininuman yung inuman nyo eh may posibilidad na mahulog yung laway nung tao na yun sa inumin nyo? nandidiri kayo pag laway ang tumalsik sa balat nyo,pero isipin mo pag sa inumin parang nilunok at tinaggap mo ng buong-buo ang laway ng iba.Ang sarap diba?(anong malay mo kung nag sisipilyo ba yung pinainom mo?) at sabi din ng nanay ko,hindi yun HYGIENIC,o diba english pa yun. Isa pa nag mumuka kang walang pambili ng sarili mong inumin, isang malaking kahihiyan. tsk tsk mababansagan kapang "poor".

Eto naman badtrip,naawa ako sa mga batang nagdadala ng JUG,at isa na ko dun (NOON YUN!),wala ka man lang kamalay-malay na isang libo at dalawang daan na pala ang nakainom sa jug mo,akala mo seyp ang tubig mo,malinis at sariwa,yun pala binabahayan at nag paparty na ang mga mikrobyo sa tubig mo. MMMM SARAP!

na i-share ko lang kasi madami akong napansing ganun,kasi akala nung iba nag dadamot ako pag nanghihingi sila ng tubig eh,hindi ako madamot,ayoko lang ng germs.HAHA.

Wednesday, January 7, 2009

Ang Orasyon

Basahin mo ito ng mataimtim at walang manggugulo pag meron batukan mo……!!!

WASARI AMUSAR BIKULOM DE AMUNAR

TALASPAKU AMUNAR HOM IR DE PEKRE AL

MADUKURAR HOM HOM PURAN!



Orasyon yan…

Pam-paitim ng……

















PUWET!!!

Batas sa Pagdadownload!?

kakatawa naman yung panayam kay Edu Manzano (Chairman of Optical Media Board) sa GMA 7 - Saksi, bawal na daw yung padownload, HAHAHA!!!.. nagpapatawa ba sila!?

well masasabi ko lang, try it!... pagtatawanan lang sila ng pirate bay and mininova seeders

tsong.. wala kayong laban dyan.. yung swedish government nga eh hndi napigilan or napatay yung pirate bay, pilipinas pa kaya. para silang sumuntok sa hangin nyan.

another wasting of time and money for the philippine government, palibhasa kasi yung gastos ipapasa nyo sa taumbayan kaya okie lang gumasta kayo sa walang kwentang bagay.

Wala talaga silang laban dyan, kung gusto nilang mawala yung pirata, ipasara muna nila LAHAT ng mga torrent sites and file storage sites. kung walang torrents walang magseseeds, hangat buhay ang torrent and may mga masipag na user na nagseseeds buhay ang pirate industry sa buong mundo. OR kung ako kay Edu Manzano untog nya nalang yung ulo nya sa padir kasi siguradong magmumuka lang kayong inutil nyan sir, magpapaya ka nalang matutuwa pa kami.

let's seeeeeeeeeds more file for them!. HAHAHA!

eto yung news, niupload ko na sa youtube ko, hirap kasing embed yung from gma 7 site.


file video taken here
-> http://www.gmanews.tv/video/34319/Saksi-OMB-to-step-up-drive-vs-free-Internet-downloading

Tuesday, January 6, 2009

Favorite Subject: Math

Sa napakaraming dahilan, ayoko ng Math.

Nandito ako ngayon sa computer shop sa loob ng school namin (na minsan ni-raid dahil sa dami ng nagdodota, pero ngayon, under new management na ito. At ang bagong may-ari? Isang lalaking english ng english, kaya siguro lumuwag ang dati'y hindi mahulugang karayom na computer shop). Katatapos lang ng Math subject namin. At sumasakit ang ulo ko ngayon at may mga espirito pa ng mga numbers at X and Y akong nakikita sa monitor. Whhhhoooohhhhh!!!


Accounting ang course ko. Pero bago ka mag-react, gusto ko lang malaman mo na hindi Math ang Accounting, kundi English dahil kelangan e malawak ang kapangyarihan mong mag-analyze ng mga business transactions na nakasulat sa english. 'Yun ay sa tingin ko lang naman, wag ka nang umangal, blog ko naman 'to! At kung bakit ayaw ko ng Math? Ayoko sa X at Y, ayokong maghanap ng nawawalang value, ayokong maglaro ng numbers, ayokong paikutin ang maliit kong kokote sa mga bagay na alam kong hindi ko naman magagamit kapag namelengke ako. (Pabili nga po ng 3x-y na patatas at 567x + 45y-3 kilos ng baboy.) Sh**.

Kanina lang e nag-seatwork kami, 30 minutes kelangan sagutan ang binigay na tanong ng Prof namin. Hindi ako natuwa, at agad akong nabalisa. Gusto kong matutong mabuti, gusto kong malaman kung paano nakuha ng Prof namin ang sagot sa mga inimbento niyang examples, at gusto kong malaman kung bakit nangyayari ang mga ganooong bagay sa mundo ng Math. Pero hindi ko talaga magawang mahalin ang naturang subject, masyado akong madaming inisip, hindi man lang pumasok sa utak ko kung paano ko sasagutan ang seatwork na 'yun. Ginawa ko pa rin ang lahat at nagsolve kahit alam kong imposible ang nakuha kong sagot - wag lang umalis sa tabi ko ang konsensya kong insultong dumadamay sa mga katangahan ko sa buhay.

Algebra. Trigonometry. Geometry. Calcu - f***! Pinakikinggan ko pa lang ang mga branches ng "paborito" kong subject, bumabaliktad na agad ang buong sistema ng katawan ko - ganyan ko kamahal ang Math!

Pero tanong lang ulit, mahirap nga ba talaga ang Math? O sadyang bobo't tanga lang talaga ako? (Pwede both?)

Magaling ka ba sa Math? Ako, oo! Joke ko lang naman ang lahat ng nakasulat dito. Gusto mo ebidensya? Alam ko ang value ng pi - 3.14151617.

To My Math Professor,

Mali po 'yung no. 7 ko, dapat po minus sign 'yun. Give considerations, naging estudyante din po kayo.

Eych

Monday, January 5, 2009

Pasukan na?

Pasukan na naman,marami na ang hindi mapakali,mainit ang ulo at inaatake ng insomia,isa na ko dun.

May nag tanong sakin "Ready kana bang pumasok?" ang tanging sagot ko lang "HUWAHAHAH."

Handa na ang iba,handang suungin muli ang iskwelahan nila,handa na sila ulit makita at maihe sa pantalon nila dahil sa mga muka ng guro nilang daynasor,palaka at iba pang uri ng hayop,at ang mga ka -klase nilang walang ginawa kung hindi mang hingi ng papel pag pagsusulit na na akala yata nila ikaw ay puno na nag proproduce ng papel pag kailangan nila,handa na ulit silang mag flag ceremony sa ilalim ng init ng araw at pag umulan laking tuwa nila dahil hindi na kailangan magpanggap at mag lip-sync ng pambansang awit,handa na silang humikab na naman araw-araw dahil sa teacher na hindi mo alam kung nanghehele ba o nag bebedtime story,handa na silang kumain at mag sayang ng pera na pinaghirapan ng magulang nila sa mga walang kwentang pagkain sa kantina,handa na silang sayangin ang buong buhay nila sa iskwelahan,ikaw handa kana ba?

Kabado na naman ako sa pasukan,limang araw na namang walang tulugan,limang araw ding hindi tatakbo ang utak ko,limang araw na nakatunganga sa iskwela at nagpapanggap na may natututunan,limang araw na magdadaldalan sa klase pag walang kwenta ang guro,limang araw na pipiliting manahimik dahil takot sa guro,limang araw na nasa log book ang pangalan dahil 9:30 ang pasok na akala mo may sariling schedule,limang araw ding magpapalusot kung bakit na leyt(late),magsisigawan,hiyawan,kakain sa loob ng silid-aralan kahit may guro ng limang araw.

Kayo handa na ba kayo sa dadating na pasukan? paano kayo naghahanda pag magpapasukan na? siguro kayo ay eksayted(excited) dahil makikita niyo na naman ang kras niyong hindi naman kayo nakikita, ako malamang magkakasakit na naman sa Linggo dahil nag papalusot na naman dahil ayaw pumasok.

Pero ang sabi nila dibale na andyan ang mga kaibigan mo para makitunganga sayo. AYOS.

Gaya-gaya muka namang buwaya

Ang mga Pilipino talaga walang maggawa,kung meron man yun ay ang bumatak ng shabu,pag walang namang pera eh rugby ang sinisinghot(biro lang) hirap sa pinoy kung anong sikat sa ibang bansa yun ang gagayahin.

Twilight naman ang gagayahin nila ngayon,ano kayang itchura nun? pinoy na bampira? maputi????? may powers!!!! SI RAYVER CRUZ?????????????(dito niyo na gamitin ang imahenasyon niyo.) Hirap talaga humihits ng shabu kung ano-anong naiisip,minsan nakakapang-insulto na.

Betty lafea na dapat na title sa tagalog ay Betty ang panget ng pagmumuka mo!
Marimar = kurimaw..AWWWWWWWWWWWWW!!!
Deal or no deal = Laban o Bawi :))))
Fear factor = Takot ako sa multo
Project runway = Proyektong tinakbuhan
Zorro = Zurot

ilan lang yan sa mga ginaya nila..meron pang natitirang 99,000 silang ideyang ninakaw.

...akala ko nung una Gag show eh ang mga yan,yun pala totohanan.

(yung iba hindi nga ginagaya ang title pero parehong-pareho ang konsepto ng isang show sa ibang bansa)

Hirap sa mga Pilipino kala mo walang mga sariling utak,mamaya magalit ang Diyos bawiin yun sa kanila at ilipat sa mga aso,dapat hindi tayo "JUAN DELA CRUZ" kung hindi si "JUAN TAMAD" ang ibansag sa atin,lagi nalang tayong umaasa sa mga utak ng mga kano,hapon at kung ano-ano pang lahi,sayang ang populasyon nating pinagmamalaki,may nakita pa nga akong karatula doon dati sa papuntang airport "WELCOME TO 85 MILLION POPULATION" parang ganun,sa 85 million na yun huwag mong sabihin ni tatlo doon eh walang utak?

Nakakahiya kung ang mga graphics natin ay ikukumpara sa estados unidos,aminin na natin hindi pa ganun ka galing dito sa Pilipinas ang mga graphics may magaling man,mahal at bihira lang.

Sa telebisyon pa nga lang eh panis na panis talaga tayo,noong unang panahon nga ang gagaling na ng mga clone sa ibang bansa,di katulad sa ibang bansa 80's palang malupet na talaga at pulido na ang pagkakaggawa sa atin nung panahon ng 80's ung nakatalikod palang ang uso,yung mga seksi nagiging maskulado,yung mga pandak nagiging 7'8,(malupet!!)nung 90's natuto tayong gumamit ng green screen,pero ang panget padin kitang-kita mo na niloloko tayo ng harap-harap,ngayon may onting green screen at nakatalikod.

Hayy,sa totoo lang hiyang-hiya na ko sa mga pinagagawa ng mga Pilipino,lalo na pag nakikita ito ng mga TFC,hindi naman sa kinakahiya ko ang sarili kong bansa,pero tayo kasi minsan,ayos na ang may naggawa pero hindi ito ang pinakamaganda at hindi natin binibigay ang Isang daang porsyento sa trabaho,tignan mo si Taguro(Ghost Fighter) 100% ang binibigay niya kaya ang lalaki ng muscles niya,san kaya siya nag gi-gym? teka balik tayo sa totoong usapan,gawa lang ng gawa kahit hindi naman matibay para lang may nasabing may natapos ka,parang ako pag gumagawa ng Essay o sulating pormal sa iskwela,bira lang ng bira minsan paikot ikot na mga sinasabe ko,minsan wala ng saysay,harapharapan ng niloloko ang titser pero dahil sa tinatamad ako at wala akong tiyaga dahil wala naman akong makukuhang nilaga,ayun 5/10 ang grade ko.

Parang ganun din gumawa ang Pilipino,walang quality,para bang "quantity over quality" wala silang pakeelam kung matibay o hindi basta't meron at marami osige bira ng bira,pero yun ang malungkot na katotohanan,kasi ang mga taga tangkilik din naman ng mga produkto eh pinipili ang mas mababang kalidad laban sa mas maganda kahit isang araw lang nila magagamit ang produkto,kadahilanang sa mas mababa ang presyo.

Ngunit wala akong magaggawa doon,kung meron man,yun ay ang bumili ng pastillas na limang daan isang kahon na gawa ng Pilipino,huwahaha.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr