Saturday, May 1, 2010

FRIENDSTER MAN MAY PUSO RIN !!!!!!!!!!!


life is transitory nga naman walang permanente dito sa earth lahat nagbabago,lahat nirerepair,lahat napapalitan,bibihira na lang siguro yung mga bagay na masasabi mong panghabangbuhay,bibihira yung mga bagay na parating nandiyan

naaalala mo pa ba yung mga panahon na madalas natin marinig sa ating mga kaibigan ung mga linyang

ui”enge naman akong testi

yung mga banat na

ui”comment naman dyan

yung tipong paramihan pa kayo ng friends na kahit hindi mo naman kilala add lang ng add at accept lng ng accept, yan yung madalas maging sinaryo nung highschool pa ako o kaya pagandahan ng background mas madaming glitters mas maganda, pagandahan ng comment mas makulay mas makinang mas maraming thank you ang babalik sayo

yan ang FRIENDSTER ang isa sa mga kadalasan hinihingi mong account sa mga crush mo, isa sa ginagamit mo para magsearch ng pics ng mga pinagpapantasyahan mo

1styir hyskul ako nung namulat ako sa pagkakaroon ng account sa friendster pero ngayon dumating si FACEBOOK, naglabasan ang twitter, naglabasan ang skype, dumating ang formspring ang dating “shout out” ngayon ay status na, ang dating “primary pic" ngayon ay “profile pic” na, ang dating “who viewed me” ngayon ay “topfans na” ang dating 6 na pwede mong ilagay sa feature friend ngayon ay 12 na, wala nang verify verify account halos lahat nagbago nung dumating si FACEBOOK except na lang siguro ang salitang LOGOUT na ewan ko ba kung bakit hirap na hirap tayong pindutin.. bigla na lang napanis si FRIENDSTER sabihin na natin mas maganda ang features ni FACEBOOK kaya mas bumenta siya pwede din natin masabi na nagsawa ang tao sa kanya, well ganun talaga ang buhay pag paulit-ulit na lang matututo ka rin magsawa parang sa isang relasyon din yan..eh nung mga panahon na add lang ng add at acccept lang ng accept ang mga tao ng friends, sa facebook iba pag hindi ka nila kilala habangbuhay ka nang mababaon sa pending request nila o kaya naman click ignore

kahapon nag formspring ako tinanung ko ang isa kong kaibigan tinanung ko sya na sa panahon ngayon may natitira pa bang lamang ang friendster sa facebook, nagulat ako at nabigla sa sagot nya sabi nya kasi “mas may sentimental value" daw ang FRIENDSTER sa kanya kasi andun lahat ng memories, talagang *thumbsup* ako sa sagot nya tama nga naman sa likod nung makikinang na glitter na comments, sa likod ng paramihan ng comments, sa pagandahan ng backgrounds at sa paramihan ng friends andun pa din yung memories ko nung highschool pa ako, andun pa din unang napost yung mga pictures ko kasama yung mga highschool friends ko, yan na siguro ang pinakalamang ng friendster sa facebook sa panahon ngayon, nung binuksan ko yung account ko sa friendster nakita ko ulit dun yung palitan namin ng message nung crush ko nung highschool o diba ang sarap balikbalikan, sa kinagaltagal man ng panahon ehh andudun pa din yung mga yun. nagbago man ang sistema yung mga alaalang naiwan sa account ko na yun ay hindi na mababago kahit anung pagunlad pa ang mangyari sa antas ng ating teknolohiya.

*BOW*

karlnuqui-may1/10

Udyok ng Pluma

Sa pagsulat ng tula…
Sa paggawa ng nobela…
Sa pagbuo ng mga katha…
Sa isip ng isang makata…
Isa lang ang iyong makikita…
Ngunit hindi ng iyong mga mata…

Pluma ang ginamit ko sa pagsulat nito, ngunit hindi ito ang nagdikta ng mga nakasulat dito, hindi rin impluwensya ng mga naririnig ko, kundi dikta ng isang bagay na meron ka at meron ako, na nanunuot sa kaluluwa ko.

Sa mundong ginagalawan ng bawat tao, tila wala nang totoo, at kung meron man, hindi ko alam kung nasaan. Siguro nga, masyado lang akong abala sa paghahanap ng mga katotohanang maaari kong sandalan sa tuwing pinagdududahan ko ang mundo, kaya nasasabi ko ang lahat ng mga ito.

Tumingin ka sa paligid mo, lumingon ka sa likod mo. May nakikita ka bang isang batang nagsusulat ng tungkol sa paru-parong dumapo sa balikat niya? May nakikita ka bang isang matanda na gumagawa ng tula na tungkol sa kwento ng pag-ibig nila ng namayapa niyang asawa? May napapansin ka bang isang guro na nagsasalayasay ng mga karansasan niya sa pagtuturo sa pamamagitan ng isang maikling kwento? Lahat sila, isa lang ang gusto – ang malaman ng sanlibutan kung sino sila at kung ano ang mga nararamdaman nila – nang walang ibinubukang bibig, nang walang binibigkas na salita.

Sulat. Pagsulat. Manunulat.

Maraming tao ang walang interes sa pagbabasa ng mahahabang nobela, o mga tulang masyadong makata. Kung ang lahat ng tao ay katulad ng mga taong ito, wala na sigurong manunulat na nabubuhay sa mundo, Sa hinuha ko’y marahil nangamatay na ang mga ito dahil walang sinuman ang nagnanais nqa makakita, makarinig, at makaramdam ng mga lihim na saya, lungkot, galak, hinagpis, hinanakit at pagdaramdam ng mga ito.

Umiikot ang buhay ng lahat, ngunit iba ang mga manunulat. Sa isang walang tiyak na lugar nila naihahayag ang tunay nilang pagkatao. Kahit saan sila mapadpad ng hangin, o kahit saan man sila tangayin ng paborito nilang musika, makagagawa sila ng isang tula na maaaring maging salamin ng kaluluwang nagkukubli sa loob ng katawan nila. Sa bawat tugma, sa bawat talinghaga, may mga katotohanang nagpapakita.

Lahat, maaaring daanin sa pagsulat. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong sa pamamagitan ng pagsulat, maaaring dalhin ang iyong isipan sa Europa at sa Asya kahit na hindi ka pa man nakakalabas ng Maynila? Na sa isang sulat, maaaring magbalik loob ang isang nagrebeldeng anak sa kanyang mga magulang? Na maaraing ipakita sa tao ang realidad sa mundo? At ang pinakatagu-tagong sikreto nito ay maaaring ipakita sa’yo?

Sulat. Pagsulat. Manunulat.

Walang ibang ninanais ang isang manunulat kundi ang mapakinggan siya, makaramdam ng simpatya, kahit na hindi siya nagsasalita. Sa bawat udyok ng pluma at sa bawat dikta ng puso’t isipan niya nabubuo ang isang tula, na kahit walang tugma, sukat, o talinghaga, ay nakapagdudulot ng tuwa, kahit walang nakakapuna.

Sulat. Pagsulat. Manunulat.

Tula. Tugma. Talinghaga.

Nobela. Katha. Kabanata.

Paubos na ang tinta ng pluma ko, ngunit ang mga kaisipan, idea, obserbasyon at pananaw ko sa mundo ay kailanma’y hindi mauubos – sapagkat ako’y manunulat, nauunawaan kita, at sinusubukan kong maunawaan ang lahat…



-HSR, 2008

Friday, April 30, 2010

LUMINDOL BA?? OR THEY JUST ROCK MY WORLD?


ung bata ako uso ang tamagochi na ewan ko ba kung bakit lahat ng inalagaan ko eh namatay agad,nauso din nung ang relos na tinatawag na baby-G oh kahit hindi baby-G ang tatak bata madaming pinipndot at malakas umilaw, nung kabataan ko din hindi ka in pag hindi mo kilala si pareng mario at pareng lugi, looser ka pag hindi mo alam ang lets volt in, usong uso rin nung ang pagpapadami ng punyetang kisses na yan na ngayon ko lang nalaman na hindi naman pala talaga nabubuntis at dumadami naubos ko tuloy ang pabango ng nanay ko para lang alagaan yun....pero isipin mo nasaaan sila ngayon???WALA NA isa isang nalaos isa yan sa proseso ng lipunan sisikat, malalaos, maswerte na pag sumikat uli pero sa hindi katagalan malalaos din pero ang isang bagay na adik na adik ako at sigurado ako na ang iba din sa atin ang hindi pa nalalaos at walang kakupaskupas at sa tingin (kahit malabo ang mata ko) ay hinding hindi na malalaos

YAN ANG MUSIKA ....paulit ulit na tumutugtog sa ibat ibang henerasyon tumugtog na sa nakaraan pero daladala pa rin natin sa kasalukuyan isang porma ng sining na patuloy tuloy bumebenta sa madlang pipol at sa dinamidami ng hindi ko maipaliwanag na dahilan ay hanggang ngayon kung bakit?ay hindi ko pa din maintindihan

"magdadrive ako hanggang baguio, magdadrive ako hanggang batanggaas isasama ko ang girlfriend ko isasama ko kahit sinung may gusto lalallalallal lalala lallaa gusto kong matutong magdrive kahit na wala akong kotse .lalala lalala

kilala nyo rin siguro kung sino ang nagpasikat ng kantang yan oo tama ka ang eraserheads....at ang title ng kantang yan ay "overdrive" na ginawa nilang title sa anthology book nila nung 2005 (alam na alam eh noh) tumanda na akong nakikinig sa kanta ng mga kanta ng eraserheads, o sa ingay ng stereo ng kapitbahay namin (actually my cousin’s) kasi galit na galit ang nanay ko at ayaw nya sa rock and roll nung mga panahon na iyon sa edad. I just satisfy myself hanging out in my friends’ and neighbors’ house where Eraserheads is not censored, jamming and head-banging in the tune of our favorite (English yan!)

eraserheads isa yan bandang umukit sa henerasyon ko, sila ang puno't dahilan ng pagsikat ng bandang musika dito sa pilipinas hindi lang sila basta tugtog ng tugtog at wasiwas ng wasiwas ng kanilang mga ulo sa entablado, hindi lang humahampas si raymund marasigan ng drums nya ng walang katuturan hindi lang sila simpleng apat na kabataan na walang ginawa kundi kumanta at kumita ng pera sa tuwing may bibili ng kopya ng mga kanta nila kumbaga para din silang si pacquiao tuwing tutugtog sila, kasi pinagkakaisa nila ang lahat ng pilipino hindi lang kasi sila naging isang simpleng banda sila ang gumising sa "sense of patriotism" ng mga pilipino na matagal nang natutulog nung hindi pa sila sikat tinawag na nga silang "the beatles of the phil"

napakalaki talaga ng naging impluwensya ng e-heads satin noon hanggang sa ngayon, kapag may nakikita nga akong nakasuot ng oldschool style nang rayban eh naaalala ko na agad ang fashion statement ni elly buendia sa mga concert nya...kaya mula nung mabuwag ang e-heads biglang nagsulputan ang mga punyetang kanta na ewan ko ba sa tingin ko lang ahh ewan ko kung bakit nila nagugustuhan iyon at kung panu nila naiintindihan ehh halos 50 percent ng lyrics ay yow yow yow yeah yeah wazzup hay ewan

today….Listening to the songs of the Eraserheads brings back good memories, life’s lessons, old friendship and values which I learned outside the classroom. Memories that cannot be forgotten. Memories from the experiences that helped shape my personality.

bagama't matagal nang buwag ang bandang e-heads hindi mo pa rin maitatanggi na maraming pilipino ang nangungulila sa presensya nila kagaya nung nakaraang taon kung kelan naganap ang "FINAL SET" the reunion isang gabing nagbuhay sa lahat,isang gabi ng kasiyahan,isang gabi ng tugtugan,ngunit sa bandang huli isang gabi ng tunay at huling pagpapaalam.... ng e-heads ng milyon milyong pilipinong tumatangkilik sa kanila ito lang ang masasabi ko

Eraserheads was the band that defined their generation. From the underground scene
the memories of eraserheads will never be erase in our heads FOREVER… (parang lapida lang diba?)

oh xa babush ISANG MALUPIT NA ROCK \m/ AND \m/ ROLL NA GABI SA LAHAT
karl nuqui-apr30/10

Pedxing's Bagong Blogero: Karl

May bagong tambay sa tawiran kaso may kakaiba sa kanya kung anuman yung kakaibang yun sikreto lang muna pero kung ang IQ mo ay katulad sa akin na 1.2 lang pwede na magegets mo na kung ano ang kakaiba sa kanya

Siya si Karl labingwalong anyos sa ngayon at magiging engineer ilang taon mula ngayon basta 'wag lang niya pagpapalit ang pag-aaral sa chicks haha peace men tulad ng mga matatanda luma at uugod-ugod nang mga blogero ng Pedxing marami rin siyang gustong sabihin at marami ding gustong isulat tungkol sa mundong ginagalawan mo ginagalawan ko at ginagalawan ng Sr Pedro ang paboritong manok ko

"The older I grew, the less important comma becomes. Let the reader catch his own breath."
-Elizabeth Clarkson Zwart
(nadampot din sa puting libro ni BO, page 50)


Whooh!'Yan si Karl. Kung ang matinding kalaban ko sa buhay ay ang Math, siyan naman e tuldok. Tuldok, as in period, dot, dot at period, pati rin pala sa lahat ng uri ng punctuation marks ayaw niya. Kung bakit e hindi ko alam. Style daw 'yun Pampapogi.


Bukod kay Eych (na 1839304 piraso na ang uban sa ulo), at kay ArAr (na nakapagharvest na ng 38940540583393939 uri ng tanim sa Farmville, e meron na tayong bagong aabangan na blogero sa Pedxing na mula sa Valenzuela, Lungsod na malapit sa Maynila. *Palakpakan*

Bagong blogero. Bagong mga konsepto. Bagong punto mula sa araw-araw na buhay ng mga tao.

At higit sa lahat, gwapo. (Paid for by friends of Karl Nuqui.)
--

--

--

--

--

--

Sa madaling salita, welcome sa PedXing, Karl! Tuldok.

---
Credits to Facebook.com for not prohibiting the picture above to be posted. (Peace! Haha)

MATURITY!!!!


maturity maturity isa sa mabentang mabentang ideya ngayon yan lalong lalo na sa buhay kolehiyo

o buhay teenager isang malalim na palaisipan kung anu nga ba ang konsepto sa likod ng ideyang maturity

payak na salita simpleng termino ngunit kumplikado ang kahulugan at mahirap isabuhay ng mga ilan sa atin



eh anu nga ba talaga ang maturity???….ito ba yung pag pwede ka nang bumoto?ito ba yung pag pwede ka nang bumili ng serbesa sa 7eleven??

ito ba yung pag pwede ka nang ipiit sa bilibid prison?ito ba yung pag pwede ka nang pumasok sa pegasus?ITO BA ANG MATURITY??



sabi naman nung iba ito daw yung pag para kanang si Fernando Jose sa palabas na ‘rosalinda sa ganda at porma ng iyong mga bigote

o yung ala Arnold S***neger sa kurba ng mga maskels mo??o yung para ka nang si maria ozawa sa laki ng boobs at hugis ng balakang mo?

ITO BA ANG MATURITY??


basagin na ang salamin ng kamangmangan gumising ka kaibigan. ang maturity ay wala sa kung anung edad mo na, wala sa uri ng mga bagay n a nagagawa mo na at pwedeng pwede mo nang gawin, hindi din proket malago na ang buhok mo sa k*likili ehh matured ka na,hindi din sapat na dahilan na cap G na ang size ng bra mo eh

masasabi mo na sa sarili mo na matured ka na



ang maturity ng isang tao ay nababatay hmm simple lang kung nabubuhay ka nang hindi lang “katalinuhan” ang daladala ng kokote mo yung may laman din na “karunungan”

magkaiba kasi ang dalawa(ieexplain ko pa ba?WAG NA!) minsan kasi kahit nasa tamang edad na tayo at alam na natin kung anu ba ang tama at kung anu ba ang mali pero hindi naman natin maisagawa ang mga bagay na nakakabuti at makakabuti



MATURITY yun yung kaya mo nang makagawa ng isang desisyon na nakabatay hindi lang sa kung anu ang tama bagkus sa kung anu sa tingin mo ang makakabuti hindi naman kasi lahat ng tama eh makakabuti



isa naman sa pinaka pamosong linya ng mga kabataan ngayun laban sa kanilang mga magulang ay ang linyang



“ma,pa MATANDA na ako alam ko na ang ginagawa ko “ *FAIL !!!!!!!!!!!!!!!!!!!*



katarantaduhan..MUCH… ehh anu kung nasa hustong gulang ka na alam naman ng mga magulang mo yun ehh ang problema sa ibang kabataan ngayon ginagawa na tong excuse . eh yung iba nasa tamang edad na nga pero yung uri ng pagpapatakbo ng buhay nila eh masasabi mong walang kaaseasenso



ika nga ni kuya juan…..”you need to strike the opposite inorder for you to hit the balance” (anu raw?!?! kuya juan galit ka ba bkit ka nageenglish..)



ehem ibig sabihin mabuhay ka nang may dahilan ng epektibo at produktibo,yung nabubuhay ka at hindi mo masasabi sa sarili mo na pandagdag ka lang sa lumalagong populasyon ng bansa ,mabuhay ka ng may sense yung may right path na pinagbabatayan,yung may katuturan hindi lang puro happy happy COZ LIFE IS NOT JUST A PARTY!!! hindi lang puro rock and roll chillin chillin and tipsy tipsy wag mung gawing libangan ang mga bagay na nangangailangan ng kaseryosohan dahil may mga pagkakataon para sa ganyan mabuhay ka hindi lang para sa sarili mo mabuhay ka para sayo at para sa mundong ginagalawan mo ….



yan ang maturity payak na salita simpleng termino kumplikadong kahulugan at mahirap man isabuhay ngunit sa oras na makamit mo

saka mo mapapatunayan sa srili at sa buong mundo na ….TAO KA!!!!!!!!!!!!!!..



LEAVE YOUR COMFORT ZONE FACE LIFE!!!!!!!!!!!!!!!!









-nuqui,karljoseph04/29/10

Thursday, April 29, 2010

KaIBIGan


Parang icecream na kumukulo sa inet

Parang isang malakas na ulan sa panahon ng El NiƱo

Ganyan na nga ba kaimposibleng mahalin mo din ako?

Lalagyan ko ng tinta ang lapis

Gagawin kong parisukat ang earth

Hindi ko alam kung kakayanin ko

Pero mahal kita kaya handa akong magpakagago.

Kung may salamin man ang katotohanan

Sana’y mabulag na lang ako sa kasinungalingan

Kung ang tangi ko lang masisilayan

Ay ang ating imposibleng pagmamahalan.

Ngayong gising na gising na ako

Sa panaginip na matagal akong nilaro

Ngayo’y mulat na ang aking isip

Sana’y pati ang puso ko ay mahagip.

Itong nararamdaman ko’y gusto man labanan

Ang puso ko nama’y gusto pa rin subukan

Kahit alam kong magkaibigan lang tayo

Pasensya ka na miss sa kakupalan ko.

Sabi nga ni Dr. LOVE pagnagmahal ka

Hilingin mo na maging masaya sya

Mahalin mo lang sya ng mahalin

'Wag kang humingi ng kapalit na ikaw ay mahalin nya rin.

Madaling sabihin pero mahirap isabuhay

Ang mangarap ba nayon ay isa nang kasalanan??

Tulad ng hiling sayo ng iba mong kaibigan, gusto din kitang maging masaya.

Ngunit dadating pa kaya ang pagkakataon

Na ako naman ANG TANGING DAHILAN kung bakit ka MASAYA?

Hindi ko man masabi kung gaano kita kamahal nang harapan

Sa pamamagitan ng mga letra na ito aking hinahayag

Na minamahal kita ng lubos at ng buong katapatan.



-----
Mula kay Karl Nuqui ulet. hehehe. :)

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr