Friday, August 27, 2010

the sad love story


Minsan yung dating sustansya ng buhay mo at gana ng katawan mo,mapapalitan ng mga pagkakataong tatanungin mo ang sarili mo kung para saan pa't naging masaya kung matatapos din naman ng maaga,kkikwestyonin mo ang mga bagay kung bakit kaylangan pang mangyari.

hahanap-hanapin mo,sisilip-silipin mo,tatanawin mo ang nakaraan pero hinding hindi mo na mababalikan.
Lilipas ang panahon,iikot ang mundo,magsasayawan ang mga paru-paro,matutuyo ang tubig sa batis pero hindi ang pagibig mo.makakalimutan man ng isip mo pero nakamarka pa din sa puso mo.
Pipilitin mong baliktarin ang katotohanang tapos na,dahil alam mo sa sarili mong hindi pa

mahirap talaga!!hahatakin ng gravity pababa ang mga luha mo ,papatak sila sa lupa pero hindi nito madidiligan ang nanunuyong puso mong nasasabik sa dating pagibig,maiisip mo kung yumayaman ka lang sa kakaisip sa mga bagay na sa tingin mo ay imposible nang mangyare,ikaw na siguro ang may ari ng microsoft,kung naiinom lang ang bawat luha na nilalabas ng mga mata mo,wala na sigurong krisis sa tubig

PERO HINDI!!

nangyayare ang lahat ng yan dahil sa simpleng bagay na hindi maiwasan at hindi matanggal sa sistema ng buhay ng tao nangyayare ang lahat ng yan dahil
"NAGMAMAHAL KA *period*"

paano maibbalik yung dating sigla ng buhay kung yung taong tinuturing mong pinaglalaanan nito ay binawi na ng pagkakataon,paano ka sasabay sa pagikot ng mundo kung yung taong tinututing mong mundo ay wala na.yung taong nagbigay ng sarili mong bersyon ng langit at saya,

MASAKIT,AT MAHIRAP


tila isang epidemyang kakalat sa buong katawan mo at pahihintuin ang pagfufunction ng lahat ng system nito ito yung uri ng sakit na papatay sa likas na kasiyahan mo ,sakit na di kayang daanin sa biogesic ni papajohn lyodd at sabay sabing "ingat ka",hindi kayang daanin sa dolfenal at sabay ngiti,hindi kayang ikonsulta sa albularyo nguyaan ng tuyong dahon at duraan sa tiyan

itong isang karamdaman sa puso na tanging panahon lang ang makakapagpagaling,sadyang may mga bagay sa mundo na kahit gaano ka katalino panahon lang ang nakakaalam at makakapagsabi




*ang blog na ito ay para kay anna marie carpio,marah carisha flores,dane sherwin malibat

isang maulang hapon sa lahat ng mambabasa


-karlnuqui-aug 27/10

Wednesday, August 25, 2010

"ang huling pitong berso"


May mga bagay na talagang hindi natin maiiwasan.
Saka dumadating kung kelan hindi natin inaasahan.
Hindi ko naman kaylangan sa buhay ko.
Pero pilit nanghihimasok sa katawang lupa ko.

Paminsan-minsan hindi komaiwasang isipin ka.
Magmula noong ikaw ay lumisan at ako'y napagisa.
Hinahanap-hanap ka na nang aking sarili.
Isang malaking pagsubok na sa akin pagtulog sa gabi.

Npapaptanong ako sa langit nasan ka na kaya?
naghihintay na lang ba ako at umaasa sa wala?
Kung kaya ko lang isulat ang lahat ng ito sa puso mo.
malalaman mo kung gaano katotoo ang lahat ng sinasabi ko.

Ipipikit ko ang aking mata
Baka sakaling mahagkan at masilayan ka.
Tatakpan ko ang aking tenga
susubukan ko kung maririnig kita.

Pero bakit ang hirap lokohin ng sarili ko.
Sariling nabulag at nabingi sa katotohanan mula nang iwan mo.
Ang hirap tuloy sabayan ng pagikot ng mundo
lalo na't yung mundo ko'y nasanay lang na umiikot lang sayo.

Lahat naman daw ng bagay natututunan
Pero bakit ang kalimutan ka'y ang hirap pagaralan?
Pangako ko sa mundo maghihintay ako araw-araw at gabi-gabi
Hanggang ikaw ay muling makapiling,at bumalik sa aking tabi.

Sana nararamdaman pa din ng puso mo
Hindi man nakikita ng mga mata ko ang mga ngiti sa mata mo
Hindi man naririnig ng tenga ko ang iyong mga sinasabi at mga tawa mo
Lahat nang yan naaalala at nakapaloob dito mismo sa puso ko



P.S. "the heart feel things that eyes cannot see" IMISSYOU
-city of lights-


karlnuqui-aug 25/10

isang maulang gabi sa lahat

Sunday, August 8, 2010

Aral Hangga't Kaya, Review Hanggang Mamatay

Paunawa: Kung tamad kang mag-aral, ibang blog na lang ang basahin. Thanks. -Management


Katatapos lang ng midterm namin na ginanap ngayong linggo, (as in ngayong Sunday talaga, tibay ng mukha), hindi pa rin ako binabalatuhan ng tadhana ng kaunting pirasong pahinga.

Wala dapat ako sa harap ng computer na 'to (na napakaliit ng monitor, sinliit ng utak ko, ooppss.. wala pala ko nun), dapat e tinatapos ko 'yung mga assignments na hindi pa nagagawa at dapat inaaral ang mga lessons na halos habambuhay ko nang pinag-aaralan na letse hindi matapos-tapos (sorry Mama for the bad word). Buhay na walang pahinga, kala mo kumikita at kumakayod para sa sariling pamilya, daig pang kalabaw.

Napakahirap talagang mag-aral. 'Yung tipong bibuhos mo na lahat ng oras mo pero parang andami mo pa ring dapat gawin. Halos hindi ka na matulog, may maisagot lang sa quiz kinabukasan na ibibigay ng prof mo na hindi naman nagtuturo, tapos isang malaking "5" na nakasulat sa pulang tinta ng bolpen ang magiging reward mo.

Anak ng takubets talaga.


Pero syempre, hindi naman ako nag-iisa. Bilang patunay, eto: (mga status message sa Facebook ng mga classmates kong badtrip)

"Ang lakas makasira ng ulo ang pag-aaral.
Malapit na ko kumain ng tao..."

"soon.. my head will explode.. can't handle it anymore.. my head's pounding lyk crazy.. brain says, "cut it out j9! Im soo tired with all dis cost! stop computing, drop dead, and get lost!"

"ACCOUNTANCY GIVES HIGH MORTALITY RATE..
~cge!aral pa.. :)"

"bakit nag-aaral pa ko? wala naman akong sweldo. badtrip!"


Over! Di ba anlagay? Hindi na kayang pumikit ng mga mata ko at huminga ng ilong ko (ay wala pala kong ilong, sori na). Ang hirap maging college! Wala ka nang social life. Wag na wag mong tatangkain magboyfriend dahil sigurado kinabukasan break na kayo. Minsan hindi ko na rin alam kung nag-aaral ba talaga ko dahil gusto kong may matutunan o takot lang ako sa prof ko na kumakain ng tao at lumulunok ng electric fan?

Pero bakit sa kabila ng lahat ng pagkayamot, pagkabagot, pagkainis, pagtitiis, at pagpipigil na gumala at makipagholding-hands sa SM (pero syempre joke lang), bakit nandito pa rin ako - dito sa mundo na araw-araw kong pinuputakte ng reklamo?

Sa simpleng dahilan na may pangarap ako.

Oo, napakahirap ngang mag-aral. Kung tutuusin, isang malaking sugal ang pag-aaral. Ang pinagkaiba nga lang nito sa sugal, kahit ipusta mo pa ang lahat ng kaya mong ipusta, sa bandang huli, makukuha mo pa ring ngumiti kahit anong mangyari, at siguradong may panalo ka. Wala rin namang pumipilit na mag-aral kang mabuti at magtanim ng eyebags sa mata mo, pero pinili mo pa ring ituloy ang laban dahil sa mga pangarap mo - maliit man yun o malaki. Kaya kung nahihirapan kang mag-aral, isipin mong mas mahirap kung hindi ka nakapag-aral.

Wag mo na lang din isipin ang hirap, dahil hindi ka naman talaga nag-aral para maghirap. Narealize ko yan kanina habang nakasakay sa LRT at ewan kung bakit.

Kaya habang kaya pa, aja! Isantabi ang mga reklamo na dahil 'yan ang kakain sa mga diskarte mo, sigurado. Magsakripisyo ka muna. Konting-konti na lang, maabot mo na ang tagumpay. Aja! =)

(Nag-blog ba ko para pagsabihan ang sarili ko?) Log out.

Wednesday, August 4, 2010

PANGARAP NA SINIRA NG WONDERGIRLS


So ayun na nga tila puputok na ang lahat ng ugat sa katawan ko,
Hindi ko masabi yung gusto kong sabihin, parang mauuna pang lumbas yung utot ko kesa sa mga salitang gustung gusto kong bitawan.
Mukang hihimatayin muna ako hanggang sa masabi ko sa kanya na mahal ko sya ,tinitigan nya lang ako sa mata at hiwakan nya yung kamay ko,ramdam na ramdam ko yung maiinit at malalambot nyang palad kinakabahan ako sa isasagot nya ng bigla nyang bitawan ang mga salitang "karl mahal din kita,mahal na mahal"
sandaling huminto yung pagikot ng mundo ko,pakiramdam ko ako lang ang bida sa earth,pakiramdam ko ako lang ang anak ng diyos nung mga sandaling yun
daig ko pa yung kinikilig na john lyodd,pakiramdam ko ako lang ang pinakagwapong lalaki nun sa mundo at wala ng pumapangalawa pa,
nagtitigan kami ,isang titigan na busug na busug sa pagmamahalan,grabe naman sa sobrang ganda nya,ramdam na ramdam ko ang maiinit at mabbangong hininga nya na lumalabas sa kanyang bibig.sabi naman ng sarili ko "hoy karl anu pa hinihintay mo ATTACK na !!!" hindi ko alam ang gagawin ko nung mga panahong yun,gusto ko sanang pahintuin ang oras kaso hindi ko nahiram yung orasan ni doraemon,yun yung mga pagkakataon alam kong hinding hindi ko malilimmutan sa buong buhay ko , ito yung mga pagkakataon na kahit paulit ulit lang mangyayari sa buhay ko alam kong hinding hindi ako magsasawa,ganito pala yung pakiramdam ng marinig mo at maramdaman mong mahal ka din ng taong mahal mo.oh sheeeetttt!!!! pwede na kong mamatay,pero wag naman muna.hindi ko na alam ang gagawin ko tila huminto sa pagfufunction ang lahat ng system ko sa katawan dahil sa sinabi nya

ayan na hinawakan ko na din ang kabilang kamay nya.palapit na din ng palapit ang aming mga labi na matagal ng nasasabik,tila wala na kaming pakelam sa iba yung tipong kami na ang nagmamayari ng buong mundo,ayan na !!! ayan na magkalapit na magkalapit na mmmmuuw......NANG BIGLANG..................................................
.........................................................................................................................................................................................................................................................
"You Know I still Love You Baby.And it will never change.

I want nobody nobody But You, I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo nigaanimyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody"

ng biglang akong gisingin ng napakalakas na punyetang stereo ng kapitbahay namin,nasira lahat ng pangarap ko nang dahil sa limang singkit na babae na pasalamat sila magaganda sila, =( ,nawasak ang mundo ko dahil sa kantang hindi ko naman lubos maintindihan,pinilit kong bumalik pero hindi masagi sa isip ko ang mga nangyari ,nananaginip lang pala ako,balik na naman sa dating buhay,balik na naman sa totoong buhay,napaisip tuloy ako kung sa panaginip na lang ba posible lahat mangyari yung mga bagay na ginugusto mo..parang gusto ko na lang matulog na matulog kahit na alam kung hindi pwede,nextdreaming na lang ulit ..
kahit sa panaginip lang nangyari yun okay na din saken yun dahil alam kung kahit papanu may mga pwersa pa din ng kalikasan pilit akong ginagawang masaya kahit sa panaginip lang at kahit hanggang panaginip lang..

*BOW*


isang nakakaantok na umaga sa lahat

karlnuqui aug4,2010
10:26 am

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr