Friday, December 18, 2009

Da Anibersari Blog - Bonggang Teynk Yu!

"Eych, gawa tayo ng website. Ano bang magandang pangalan?"

"Hhhmm. Pedestrian Lane."

"Bakit 'yun?"

"Bakit hindi?"

Sa ganyan lang nagsimula ang website na pinuntahan mo ngayon, sa pagkakatanda ko. Kakabasa ko lang din kasi ng Stainless Longganisa 'nung mga panahon na 'yun at ng Paboritong Libro ni Hudas kaya mga ganyang bagay ang lumabas sa utak ko (meron ba ko 'nun?). Wala akong alam sa pagmamanage ng website. Hindi rin ako magaling magsulat kaya hindi ko naman masyadong sineryoso ang plano ni Kuya ArAr. Basta ang alam ko lang, nagrereview ako 'nun para sa quiz kinabukasan at nangangarap lang magkawebsite lang si Kuya. Hehe.

Pero mga ilang minuto lang, pinasulat ako ni Kuya ng isang article kung bakit "Pedestrian Lane" ang naisip kong pangalan. Kaso wala atang nickname 'yun kaya nauwi na lang sa "Pedesrtian Crossing" para "PedXing". Naisip ko lang bigla na napakaraming uri ng tao, napakarami nilang destinasyon na tinutungo, pero lahat sila halos araw-araw dumadaan sa mga linyang nagmamalaki sa gitna ng kalsada (peace na lang muna sa mga jaywalkers hehe). Kaya naisip ko na ang magiging konsepto ng website namin kung sakali ay tungkol sa kahit ano at kahit saan na mapupuntahan ng kahit sino sa kahit saan.

Masyado akong adik sa mga gawa ni Bob Ong 'nung mga panahon na 'yun, at aminado naman ako. May ilang nagbabasa dito sa PedXing na nagsasabing para daw gawa ni Bob Ong ang mga pinopost namin dito, at pinagpapasalamat naman namin 'yun. Pero iba pa rin si Bob Ong at alam naming hinding-hindi namin siya kayang pantayan. Minsan talaga kapag masyado mong iniidolo ang isang tao, hindi sinasadyang magaya mo 'yung mga istilo nila, ang masama pa, nakukulong ka sa istilo na yun at guilty talaga ako 'dun. Sorry na. Haha.

Sa mga unang araw ng PedXing, kung anu-ano lang ang mga pinopost namin ni ArAr. Mula sa pinaka may sense hanggang sa pinaka-nonsense. At dahil tuwang tuwa ako at meron na kong website na maipagmamalaki sa mga kaklase ko, maya't-maya ako nagbablog. Ganun din si ArAr. Nakakatuwa talagang isipin ang mga "simula." Pero nakakatuwa ding isiping hindi ko pa naman nakikita ang "katapusan."

Hindi naman talaga Eych ang pangalan ko, imbento ko lang 'yun. Naniniwala kasi ako na lahat nga balak magsulat ng mga nonsense na bagay ay dapat may "code name". Natatawa din ako kay ArAr kasi may nagtanong kung maganda't sexy ba siya. Hehe. Kung bakit may code name pa kaming nalalaman, ewan ko din. Siguro maarte lang talaga kami. At umiiwas sa mga death threats.

Ang tunay ko talagang pangalan ay... hay. Nakakaantok. *hikab*

Kapag binabalikan ko ang mga sinulat ko dati dito, natututo ulit ako. Nasabi na rin ata ni Bob Ong 'yun sa isa sa mga libro niya. Meron kasi akong mga sinusulat dati na sinusulat ko lang 'pag talagang purgang purga na ang utak ko sa pagrereview at may maidahilang may ginagawa pa rin akong matinong bagay.

Pero hindi ko masabing isa akong mabuting blogger. Hindi na kasi ako madalas mag-blog hindi tulad ng dati na laging may bagong binabasa araw-araw ang mga matitiyagang tagasubaybay namin. Kung nandiyan pa rin sila, hindi ko na alam. Tambak na school works. Tambak na gawain. Tambak na tukso gaya ng Facebook. Nakakalimutan ko minsan ang PedXing. Sorry na talaga. Hehe.

Sa mga makakabasa nito, salamat at nagtyaga pa rin kayong basahin ang mga sinusulat namin. Salamat sa lahat ng mga pumuri at humusga sa PedXing sa loob ng isang taon. Salamat sa mga contributors na nagtiwalang ipost ang mga gawa nila dito. Salamat kay Sir Eros Atalia na pumayag i-post ang first chapter ng kanyang pangatlong libro dito at nagbigay ng mga payo sa akin. Salamat kay Sir Bob Ong para sa pagbibigay ng inspirasyon at sorry sa kakulitan ko sa e-mail. Salamat sa mga magulang namin na hindi pa rin pinapaputol ang network connection kahit araw-araw naman nilang nakikita na nagfeFacebook lang kami. Salamat sa mga kaklase ko na nagsasabing medyo maayos naman ang mga isinusulat ko dito. Salamat sa mga kapwa ko bloggers na nagpopromote ng PedXing, lalo na kay Ate Violet ng Silip (http://www.violetauthoress.blogspot.com). At salamat kay Bro na nagbigay ng utak (pero di ginagamit ng maayos kaya sorry na po) kina Eych at ArAr.

Sisikapin namin na mas mapabuti pa ang website na nagsimula lang sa dalawang utak na walang laman at walang magawa. Sana mas marami pa kaming contributors at tumagal pa ang PedXing na ito sa loob ng maraming maraming taon, at maipamana pa ito sa apo ng mga magiging something namin, I mean, mga anak. Hehe

Muli, THANK YOU talaga!


-Eych and ArAr

9 comments:

TypoError_0 said...

Astig. Hapi anibersari sa PedXing! Medyo mtagal-tagal narin akong reader dito, at ayos naman ung mga pinopost nyo. Sana lng minsan, pakidalasan ung pagpopost ng entry.. .para my bago. All in all, astig ung konsepto. Medyo parang tinatamad lang c ArAr sa pagsusulat ng blog, konti ng blog nya e. Ung ky Eych, ok din...sipag! Astig ung mga banat... Mas naiinspire tuloy akong magsulat pa ng magsulat. Hehe.. Saludo ko sa inyo, at sa lhat ng mga kbataang bloggero sa buong mundo... Un lang. Mbuhay mga kaBobO!


P.S.: kala ko rin tlaga nung una, babae c ArAr. at nguguluhan ako nung una kumba't dalawa ung blogger.. hehe.. .


Ge, ge.
Ingatz. =]

eych said...

heheh sorry na, sige sisikapin namin na mas madalas pa mag-blog. minsan kasi mas maganda pag okay ang mood para okay din ang blog. hehe. salamat sa pagbisita dito. pwedeng pwede ka din magcontribute dito. email mo lang kami ni ArAr.

salamat ulet at ingats! =)

P.S. kumba't dalawa ang blogger? bakit hindi. pwede nga madaming madami para masaya. hehe.

salamat ulet! =)

eych said...

P.S ulit:
Parang nararamdaman ko kung sino si TypoError_0. wala lang. haha. kaw nga ba yun? anyway, salamat po ulit, kaBobO! =)

Anonymous said...

Haha. Mali ka sa iniicp mo kung cnu man ako.. Bago lang ako dito. At malamang di nyo ko klalang dalawa. Hehe..

Cge. Minsan, subukan kong mag-email ng article dito. At post ko na rin ung sarili kong blogsite... Pero wag muna ngayon, msyado pang bubot un. Hehe. Dalaw na lng kau kung trip nyo..

Ge..
Un lang..
Kip up da gud work!!!

Anonymous said...

Haha. Mali ka sa iniicp mo kung cnu man ako.. Bago lang ako dito. At malamang di nyo ko klalang dalawa. Hehe..

Cge. Minsan, subukan kong mag-email ng article dito. At post ko na rin ung sarili kong blogsite... Pero wag muna ngayon, msyado pang bubot un. Hehe. Dalaw na lng kau kung trip nyo..

Ge..
Un lang..
Kip up da gud work!!!

eych said...

ai mali ba, sorry na. haha Maraming salamat talaga. Sinisipag tuloy kami magblog dahil sa mga tulad mo hehe. salamt ulet. sana mavisit na namen yung blogsite mo.

Salamat ulet. Abangan namin yung article mo.

Advance Merry Christmas! =)

TypoError_0 said...

Ako din nman e, sinisipag magsulat pag nakakabasa ng blog na gaya ng sa inyo. Kaya, quits lang. Haha. Nabalew ako dun sa "formula ng Pi" na pinost ni ArAr. Haha. Isa rin sa mga peborit kong pinost nyo dito e ung "Happy Trip w/ Kamatayan" (klimutan ko ung title) saka ung "Tara, Txt2x!".

Ge. Simula ngayon, lagi na kong magkocomment sa mga entry nyo.. Di ko pa kasi nasubukang magcomment dati e, kala ko kylangan muna ng GMail Account.. Un pla pwdeng mag-ANONYMOUS na lang.. Hehe.. Cenxa.

Ge.
Post lang kau.
Dito lang ako para magbasa.

Advance Maligayang Pasko din sa inyo!!!

Unknown said...

heloooooooo!!!!

im glen eych.. remember??

hmmm.. belated hapi anniversary sa inyo huh.. oo nga may mga bago kaung blog!! pero kaunti lang.. hehehe.. busy ka yata sa katatanim ng farmville,.. kaya konti nalang naga2wa mong blog...nga pala.. pwede malaman full name m??

pm mo sakin.. atin atin lang ala makakalabas..hehehe

eto eadd ko... glen.bakitlong23@gmail.com<<

ala naman yata hacker ng eadd dito noh?

cge! aabangan ko yung mga susunod nyong blog ni aR-Ar..

hanggang sa muli... paalam pansAmantala

lubos na sumasainyo,

glen.

eych said...

hi gleN! oo naalala kita hehehehe. salamat sa pagvisit ulet sa PedXing. okay lang naman malaman ang full name ko, haha. hindi na rin pala ko nagfefacebook, hindi lang talaga makapag-blog maxado dahil sa mga school works. magbablog ulet kami ni ArAr basta may time kami.

salamat ulet! ingat lagi! =)

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr