Saturday, May 30, 2009

Bawal Basahin ang Blog na Ito

"May post ka ba diyan tungkol saming mga friends mo?"Tanong sa'kin 'yan ng bestfriend ko kagabi matapos niyang utusan 'yung isa pa naming kaibigan na buksan ang ipinagmamalaki ko "daw" na website ng PedXing. Naisip ko, oo nga. Bakit nga ba wala?Kala ko magiging madali para sakin na ipakita at ipabasa sa kanila 'yung mga gawa ko dito sa PedXing. Habang binabasa nila 'yung mga blogs ko dito, nakaramdam ako ng hiya. Nahiya ako sa hindi malamang dahilan. Siguro natakot ako na baka hindi ko matanggap kung anuman 'yung mga magiging kumento nila sa mga gawa ko. Matatanggap ko kung ibang taong hindi ko kilala ang magsasabing wala akong kwentang blogger at dapat mag-suicide na ko ngayon din. Pero 'pag mga kaibigan ko na, parang ambigat sa pakiramdam...

Sunday, May 24, 2009

Blogger vs Scammer (Bwahahaha!)

Pamilyar ka ba sa email scam? 'Yung mga messages na nagsasabing nanalo ka sa isang international lottery kahit hindi ka naman tumaya? 'Yung nagsasabing pamamanahan ka nila ng bilyong-bilyong salapi? 'Yung nagsasabing paggising mo bukas, pwede mo nang bilhin ang buong planeta dahil sobrang yaman mo na?Ako, oo. Sa libu-libong pagkakataon, oo. Hindi na nga mabilang 'yung mga scams na natatanggap ko. Nagsimula 'yun nung may natanggap akong email mula sa isang African na nagsasabing namatayan daw siya ng pamilya at merong iniwan sa kanyang yaman ang tatay niya na nagkakahalaga ng halos 100 Milyong dolyar at gusto niya daw ipahawak iyon sa akin. Itatransfer niya ang nasabing halaga sa bank account ko (na alam ko e friendster account lang ang meron...

Friday, May 15, 2009

It's Opisyal! Ika-Pito ni Bob Ong, Andito Na!

Hindi ko alam kung late na ang blog na ito.It's opisyal! Nasa bookstores na nga ang inaabangang ika-pitong libro ni Bob Ong na may title na "Kapitan Sino". Eto ang mga impormasyon tungkol sa nasabing libro na mula sa multiply ni BO (alam ko multiply niya yun)at sa website ng Visula Print Enterprises (publisher ni BO). THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOODNaunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing...

Saturday, May 9, 2009

Muka Kang Germs!

Pansin niyo ba ang nagyayari ngayon? Ang mundo natin ay tadtad na ng germs, sipon, trangkaso, buni, hadhad, alipunga, tinga, lagnat, virus, swine flu, dog flu, cat flu, elephant flu, bangaw flu, at kung anik-anik na nakakainis. Kahit saan may germs. Kahit saan. Kahit saan.Minsan, natatawa na lang ako sa commercial ng isang sikat na brand ng sabon. Meron silang doctor na kinuha na merong isang mahiwagang machine (masyado yatang malaki ang machine), mahiwagang tiny machine na susukat sa dami ng germs sa isang lugar. Tapos matutuklasan niya na sandamakmak na germs ang nasa cellphone, sa school service, sa lamesa at kahit saan ka magpunta. Tapos sa huli, ang kailangan ay gumamit ng ineendorse nilang sabon para mailigtas ang kaluluwa mo sa mga germs...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr