Friday, April 24, 2009

Wanted: Mystery Millionaire's Wife

Maghahanap sana ako ng kasaysayan ng Quezon City sa internet dahil assignment namin 'yun sa Philippine History, pero nagulat ako sa isang balita sa Yahoo! (www.yahoo.com)- isang milyonaryo ang naghahanap ng mapapangasawa!

Akala ko sa telenovela lang meron 'nun, pero sa totoong buhay din pala. Hindi ko alam kung anong trip sa buhay nitong si "Mistery Millionaire Man". Sa katunayan, nag-hire siya ng isang matchmaker - si Janis Spindel - na binayaran niya ng $50,000! Eto ang video, panuorin niyo:



Kung interesado ka, keilangan e pasok ka sa mga qualities na hinahanap ng ating Mystery Millionaire Man:

"You should be at least 5-feet-5 or 5-feet-6-inches tall and have what Spindel calls the Four Bs -- beauty, brains, a good, healthy body and a balanced life."


Tinanong din si Janis (ang matchmaker ng millionaire na 'to) kung bakit naghahanap ito ng mapapangasawa kung saksakan naman siya ng yaman at napaka-gwapo pa . Eto ang sagot niya:

"He ... has obviously been working like a madman and looking for love in all the wrong places, he's had a billion horrific blind dates."

Sa mga interesado, mag-apply lang sa website na ito: www.janisspindelmatchmaker.com. Doon daw merong "application form for anyone who wants to be a millionaire's wife."

Kapag tinanggap ni Ms. Matchmaker ang application mo, sisingilin ka nito ng $25 (na hindi ko alam kung para saan, baka pang-load ni matchmaker), at kapag napagpasyahan niya na makipagkita sa'yo, sisingilin ka ulit ng $50 (na muli, ay hindi ko alam kung para saan). At kapag nagustuhan ka na niya ng bonggang-bongga, irerekomenda ka na niya kay Mr. Mystery Millionaire Man. Bawing-bawi na ang $75 mo.

Pero kung ako sa kanya, hindi ko gagawin 'yun. (Ooowwsss?) Oo nga. Tingin ko kalokohan 'yun. Kung naghahanap ka ng taong magmamahal sa'yo, isang malaking pagkakamali ang "bumili ng babae". Parang ganun na din di ba? Syempre, maraming mag-aapply dyan, may mapipili si Ms. Matchmaker para maging asawa niya, at sa bandang huli, isa lang din ang dahilan kung bakit siya pinakasalan ng babae - dahil sa yaman niya. Asan ang true love? Natututunan nga naman ang pagmamahal. Eh pano kapag hindi natutunan? Suntukan na lang?

Magtagumpay kaya 'tong matchmaking na 'to? Makahanap kaya siya ng taong magmamahal sa kanya at hindi ng dahil sa yaman niya?

At pwede bang 1x1 na lang 'yung ilalagay ko sa application form? Ano nga ba 'yung postal code sa Quezon City? Paki-email na lang sakin ha? Thanks.

Wednesday, April 22, 2009

Kelan Ka Magsu-suicide?

Sino nga ba ang hindi nakakaalam sa balita ngayon tungkol sa nangyaring "pagpapakamatay" ng asawa ni Ted Failon na si Trina Etong? Kung isa ka sa mga naniniwalang nag-suicide nga ang nasabing ginang, ituloy mo ang pagbabasa.

Hindi ko naisip na maging ang pamilya ng mga sikat na personalidad sa telebisyon e nakakaranas din ng problemang pam-pinansyal. Lalo na sa isang katulad ni Ted Failon na matagal nang nasa serbisyo. Pero wala naman kasing nakakaalam kung paano nangyari 'yun, mahirap na din magsalita.

Hanga ako sa anak ni Ted Failon na si Kaye Etong. Kahit na wala na 'yung Mama niya at hindi masyadong maganda 'yung dahilan kung bakit, may lakas ng loob pa rin siyang magsalita sa napakaraming tao para lang ipagtanggol ang pamilya niya (na halos sirain na ng mga naka-kulay blue na uniform). Sana nga lang wala nang matulad pa sa sinapit ng nanay niya.

Suicide. Sabi ng mga eksperto, 90% daw ng mga nagpapakamatay ay dahil sa sobrang depresyon o kalungkutan. "Pantapos ng problema", sabi 'nung mga friends ko na nag-suicide 'nung dalawin ko sila sa sementeryo. Oo nga, pantapos ng problema. Pero kasabay ng pagtapos mo sa problema mo ay ang pagtapos mo sa lahat ng aspeto ng buhay mo at maging ng buhay ng ibang tao sa paligid mo. Tutuldukan mo ang kasiyahan ng ibang tao "simply because you extist", sabi nga sa isang text quote. Tatapusin mo ang pangarap mo at ang mga pangarap na binuo mo kasama ng ibang taong mahal mo. Wawakasan mo ang ilang pagkakataong sumaya at ang pagkakataong matanaw ang bukas, ang pagkatapos ng bukas, at pagkatapos ng pagkatapos ng bukas. Kung inaakala mong matatapos mo ang problema sa simpleng paglaslas ng pulso (gamit ang kinakalawang na blade), pagbibigti (gamit ang sinulid), pagbabaril sa sarili (gamit ang pellet gun, pwede rin ang water gun), pagtalon sa billboard (ni Angel Locsin),pag-ooverdose ng gamot (epektib daw 'yung biogesic), o pagtalon sa building (ng Taipei 101) e nagkakamali ka.

Ang mahal kayang magpalibing. Kabaong pa nga lang, mamumulubi ka na. Kung magsu-suicide ka, abisuhan mo na ang pamilya mo para naman makapag-ipon sila. "Ma, magsu-suicide na ko sa Tuesday, 3:54 ng umaga. Bumagsak kasi ko sa Math. P20,000 ata 'yung kabaong. 'Yung kulay pink Ma ha?"

Ikaw, magpapakamatay ka ba? Kung oo,galingan mo. Dapat 'yung siguradong chugi ka na dahil kapag nabuhay ka pa, sangkatutak na sermon pa ang aabutin mo. "Walangya ka anak! Bakit ka nagtangkang magpakamatay? Bakit hindi mo ginalingan??" At utang na loob, huwag ka nang magmulto. Kung ako sa'yo, mga ilang oras lang matapos mong mag-suicide, pumunta ka sa airport. Sumakay ka ng eroplano at pumunta ka sa lahat ng lugar na gusto mong puntahan. Libre lang ang tiket. Di na kailangan ng matiding security check. Huwag sayangin ang pagkakataon.

Pero seryoso,kahit saang anggulo mo tignan, isa sa pinakamalaking kalokohan sa mundo ay ang magpakamatay. Sa napakaraming dahilan, sa napakaraming pagkakataon, at sa napakaraming aspeto, hindi ka "in" kapag nag-suicide ka. Hindi ka papayagang makapasok sa hotel ni Bro.

Mag-isip-isip ka na.



(P.S. Napakaraming larawan ng "suicide" sa internet, pero 'yung nasa itaas lang ang sa tingin ko 'y pinaka-katanggap-tanggap sa puso ng tao. Toinks!)

Monday, April 6, 2009

Happy Mahal Na Araw!

Mahal na Araw na. Ito 'yung linggo na ginugunita natin ang sakripisyo ng Panginoon. Pero naiintindihan ba talaga natin 'to? Nararamdaman ba natin ang pasakit na dinanas Niya? At bakit andaming naka-bikini ngayon?

Hindi ko lang sigurado. Pero bata pa lang ako, hindi ko ugali 'yung mag-iisip ng mga bagay na ikakasaya ko ngayong Mahal na Araw. Hindi ko naisip sabihin sa Nanay ko na "Swimming tayo!" sa kalagitnaan ng linggo na 'to. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit andaming tao sa mga resorts at mga pasyalan ngayong Banal na linggo na 'to. Eh di ba nga nagpakasakit si Hesus, bakit nagsasaya tayo?

Hindi naman sa KJ ako. Hindi ko din sinabi na kailangan e humahagulgol tayo dahil kawawa naman si Jesus. Nagtataka lang talaga ako kung bakit sa Mahal na Araw naiisip ng mga tao mag-swimming o kaya mamasyal. Sabi pa nga sa balita kagabi sa TV, "Alamin ang mga patok na pasyalan ngayong Mahal na Araw." Hindi ko na inalam, at bakit ko aalamin? Naisip ko tuloy, siguro nasa isip ng mga taong 'to, "Woi Pare! Nagpapako si Hesus sa krus para sa mga kasalanan mo! Tara swimming tayo!!".

Bakit nga ba ganun tayo? Holy Monday. Holy Tuesday. Holy Wednesday. Holy..ahm Maundy Thursday. Good Friday. Black Saturday. Walang Wowowee, walang Eat Bulaga. Wala ang mga regular programs. (Siguro dahil magsiswimming ang mga artista). Pero kung tatanungin niyo ko, mas trip kong sa bahay na lang muna. Walang masama sa pagsiswimming ng mahal na araw, nagsakripisyo lang naman si Jesus para satin, big deal ba 'yun?

Koting penitensya. Konting sakripisyo. Konting dasal. Konting pasasalamat. Mahirap ba'yun?

Hanga ako sa mga taga-probinsya na naglalaan ng oras para sa mga ganitong okasyon. Minsan hindi rin nakakapagtaka ang lahat ng mga masasamang nangyayari sa mundo. Hindi nakakapagtaka.

Ano? Tara! Swimming! Amen.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr