Thursday, June 23, 2011

The Erplane Eggzperience: Goodbye Philippines (Hirap talaga mag-title hahahahah)

10:29 pm. Saskatoon, Saskatchewan, Canada time. Maliwanag pa rin. Nakakaano. Hahahahahaha.

8 days na kami dito sa Canada. Bawat araw may mga bagay na nalalaman, may mga bagay din naman na kinakasanayan na lang. Tsk. Dami pang sinasabi. Magkukwento na lang ako para masaya. Hehehehe.

June 14, 2011. Ang araw ng pag-alis sa Lupang Hinirang. Excited at malungkot ako 'nung araw na 'yun. Malungkot din dahil maraming maiiwan dito, gaya ng mga kamag-anak at mabubuting kaibigan, at pati 'yung ibang damit at gamit ko na no choice kundi iwanan dahil mag-oover baggage na kami. Excited dahil makakapasok na ako sa loob ng airport at makakasakay na sa eroplano. Nung mga oras bago kami sumakay ng eroplano, super GM (group message sa text) pa rin ako, ewan. Mahilig talaga ko mag-GM pero hindi ko mahilig makipagtext ng tuloy tuloy. Hehe. Nag-ji-gm ako kasi medyo kinakabahan ako at marami akong tanong sa isip na "ano na kaya ang sunod na mangyayari pagkatapos neto?'...nag-ji-gm na lang ako para mabaling sa iba ang atensyon ko. Sa airport okay naman, wala masyadong kakaiba. Para ka lang nasa terminal ng Victory Liner na de-aircon. Ang mamahal nga lang ng pagkain, palibhasa nasa "airport" kasi. Tunog bigatin ang mga tao. 'Yung coke-in-can, 50pesos isa. Hindi nakakatuwa. Tapos ayun. Ilang sandali na lang, hello na sa mga filght stewardess ng Philippine Airlines..naks!

"Flight PR 106 now ready for..."



For boarding ata. Hindi ko matandaan sinabi 'nung nag-aannounce basta 'nung pagkarinig namin 'nyan, hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam na eto na...sasakay na kami ng eroplano, ang pangarap ng kapatid ko na pangarap ko din naman konti pero masa pangarap ko matuto magdrive...ng eroplano. Tapos ayan na...nung nakita ko na 'yung flight attendant na kulay pink ang lipstick na nagwewelcome samen, at habang nagsisimula na kami umapak sa loob ng eroplano ('yung Kelen na bus 'yung naisip ko agad nun, ewan kung bakit), parang naririnig ko 'yung Doobidoo slow version sa utak ko. Iba ang pakiramdam..da best! OA! Hahahaha. Ang astig kasi talaga sa loob ng eroplano, ang laki laki, daming upuan tapos parang pangmayaman na ewan. Ang layo pa ng nilakad namin bago makarating sa upuan dahil medyo nasa bandang likod pala kami. Magkatabi kami ng kapatid kong bunso, 'yung kuya ko naman sa likod lang namin. Para kaming tanga ng kapatid ko, tawa kami ng tawa sa tuwa. Hahahaha. Tapos nagtetext pa rin ako nun kahit bawal na, last GM na eh.. hahahah. Then sabi lilipad na daw..take off ata tawag dun. Kinakabahan talaga ko kasi takot ako sa matataas. Kapit kamay pa kami ng kapatid ko, para kaming mga tanga ulet. Hahahaha! Tapos nagsimula nang umandar 'yung eroplano, feel na feel ko na eh..tapos biglang huminto. Nag-CR ata yung piloto, o kaya may tumawid na pusa, ewan. Tapos umandar ulet, feel na feel ko na naman...tapos unti unting lumipad..lumipad nang lumipad hanggang sa unti-unti nang lumiliit ang lahat ng bagay sa Pilipinas..unti-unti nang hinahanda ang utak ko sa katotohanan na kalahati (o kaya 3/4) ng buhay ko ay maiiwan na..mga kaibigan, mga bagay na nakagawian, ang "ako", ang sarili ko...lahat 'yun iiwanan na kapalit nang "mas" magandang buhay sa ibayong dagat.. Maya-maya nasa ibabaw na kami ng mga ulap..hanggang makalabas ng bansa..paalam Pilipinas..



Pero infairness ang saya sa eroplano. Wahahaha. Maya't-maya kami nagtitinginan ng kapatid ko tapos tatawa na naman kami tapos sasabihin na naman niya, "nasa eroplano tayo ate, hindi pa rin ako makapaniwala". Siguro mga 14 times niya sinabi 'yun..at 14 times din ako sumagot ng ngiti. Hehehe. Akala ko 'nung una sa buong oras ng byahe namin na 12 hours, nakabukas lang 'yung bintana at makikita ko kahit paano kung baka nasa Korea na kami. Pero hindi. Makalipas ang isang oras, lumapit na 'yung filght attendant para ipababa 'yung shade ng bintana. Pero hindi naman ako nalungkot ng lubusan, namigay sila ng headset tapos natuwa ako dahil may isang station sa radyo ng eroplano na puro K-pop! Ang saya saya ko talaga. Haha. Kaso nabagot din ako, natulog na lang ako. Tapos pasimple kong binubuksan 'yung shade ng bintana para silipin kung totoo ngang nasa Japan na kami ayon sa "electronic" na mapa. Kaso binaba ko din agad. Mamamatay ako sa sikat ng araw. Haha. Tsk. Tapos natulog na lang ulet ako. Tapos sinubukan ko ulet buksan 'yung sa bintana, gabi naman. Wala ring makita. Tulog ulet. Pero buti na lang oras na ng bigayan ng pagkain. Nakakatuwa dahil kala ko isang bote ng C2 at cupcake lang ang ibibigay, 'yun kasi nabasa ko sa forum sa internet kaya 'yun talaga ang ineexpect ko. Pero ang saya pala. Andaming pagkain! Kaya naman 'yung kapatid ko buong puso niya akong ginising dahil may pagkain daw. Hahahaha.



Oh di ba andaming pagkain. Tinago ko sa bag 'yung cupcake, isang coke in can at iba pang pagkain na pwedeng i-bag, just in case magutom kami sa airport ng Vancouver kung saan kami unang bababa. Hahaha. Baka kasi OA sa mahal ang mga pagkain dun, hindi pa man din napapalitan ng canadian dollars 'yung dala naming pera. Sobrang tagal ng byahe na dinadaan na lang sa pagtulog, pagmuni-muni, pakikinig ng k-pop at pag-CR bilang pamatay oras. Pero nagtataka talaga ko kung anong lipstick 'yung gamit ng mga flight attendant at kahit anong oras super fresh pa rin ang mga labi nila. Kahit walang tulog, super fresh pa rin sila.

Tapos maya-maya, nakita ko sa electronic na mapa na malapit na kami sa Vancouver, binawi na din ang mga headsets 30 minutes bago bumaba ang eroplano. Then ayan...nakababa na ang eroplano...mga balbon na malalaking lalaking mapuputi na ang nakikita kong tauhan sa eroplano..eto na..nasa Canada na kami. Tumugtog ang Voltes Five sa utak ko. Tentenentenen tenten. Hehehehehe.

Masyado ata kaming namangha na nasa Canada na kami at nakalimutan naming ihanda ang mga passport. Pero nailabas din naman namin agad. Kung sa airport sa Pinas, maraming tao, dun naman sa Vancouver, meron lang ilang piraso. Hinanap namin 'yung New Immigrants division kung saan kami iinterviewhin ng mga officer, mga Canadian na 'yun, basag. Pero buti yes or no lang ang sagot. Konting question and answer portion then we're done. Kuhaan na ng bagahe na ilang oras na palang paikot-ikot sa luggae carousel ng airport. Kami lang pala ang may mga kakaibang bagahe dun, 'yung super laking maleta at mga kahon na binalot ng packaging tape na may pangalan at may nakalagay pang-"FRAGILE." Pinagtitinginan kami ng mga Canadian sa mga dala naming madaming bagahe dahil karamihan sa kanila, paisa-isang maleta lang. Hehehehe. Then nag-CR muna kami. "Washroom" pala ang tawag nila sa mga CR. Dito ko natuklasan na ang titindi pala ng mga inidoro ng Canada, matatapang, hinamon ko nga ng away. Grabe naman kasi 'yung flash, sobrang lakas, kala mo lalamunin ka ng buo kaya dapat ingatan mo pwet mo. Hehehe. Nakakapanibago lang din dahil puro Canadians na ang mga nakikita namin, 'yung mga Pinoy wala masyado, paisa-isa lang. Kami na ngayon ang foreigner sa paningin ng mga puti. Hahahahaha.

Tapos hinanap na namin 'yung sunod na pupuntahan para sa next flight namin sa papuntang Saskatoon, dun kami talaga pupunta at kung nasaan 'yung Papa namin. Nag-check in lang kami, binigay ang mga bagahe then ayun tapos na. Pero nalungkot ako 'nung kinuha ng officer 'yung Coke in can ko, bawal nga pala ang liquid beverage sa eroplano, sayang. Tsk. 8pm pa ang flight namin, 5pm palang ata 'nung mga oras na 'yun kaya super gala muna kami sa loob ng Vancouver International Airport na parang mall! Ang ganda ganda at ang laki laki! Hahahaha. As usual tuwang tuwa na naman 'yung kapatid ko kaya maya't-maya niya sinasabi na "pagala-gala lang tayo ng ganito pero nasa Canada na tayo." Siguro mga 17 times naman niya sinabi 'yun. Nagkaproblema pa kami kung paano namin tatawagan 'yung Papa namin kasi ayaw tanggapin 'yung pera namin na pinapalit namin ng dollars dun sa telephone booth. May nagmagandang loob na lang na nagpahiram ng cellphone niya. Naloka naman ako sa kanya kasi nagsha-shine lang siya ng sapatos pero naka-Blackberry siya. Sabi ko nga sakanya, "ang taray!" then sabi niya, "what?" sabi ko na lang, "T.Y!" Siya na. Siya na ang mayaman. Ako na ang dukha! Hahahahahahaha.

Palibhasa, first time sa ibang bansa kaya super picture. Kahit saan picture ng picture. Sabi pa nila, malalaman mo daw kung Pinoy kapag picture ng picture. Okay. Kami na ang Pinoy, kami na. Haha. Nakakatuwa dahil sa airport palang nila makikita mo na kung gaano kaunlad ang bansa nila. Sa CR, este, washroom pala nila sa pinakaloob, grabe! Ang ganda! Sobrang laki, lahat automatic at kumikinang ang dingding at sahig. Pero matapang pa rin ang inidoro nila, dun lang ako hindi natuwa.

Ay naalala ko, sa airport marami rin akong nakitang Pinoy. Ang hindi lang masyadong maganda, ang mga trabaho nila kadalasan taga-linis ng CR o kaya taga-hatak ng basura. Pero wag ka, malaki ang sweldo ng mga ganun. Baka nga may mga sarili na silang bahay dito. Hmm. Yun lang. Hehe.

Going back, ayun, nakakaloka ang inidoro. hahaha. 7pm na ng gabi, pero tirik pa rin ang araw. Dun namin unang naranasan 'yun sa Vancouver. At bale nakaranas pala kami ng dalawang June 14,2011 sa buhay namin. Posible talagang umulit ang petsa, kaso magastos, mangibang bansa ka. Haha. Sabi nga ni Bob Ong sa isang libro niya, 'Nakabalik ako sa lugar, pero hindi ko na naibalik ang panahon." Kami naman, "Naibalik namin ang oras, pero hindi na kami nakabalik sa lugar at panahon." Maaring umulit nga ang petsa na 'yun, pero hindi na naibalik ang lahat ng mga pangyayari ng kahapon. (ayos, basta may rhyme lang haha)

Then flight na. Akala ko naman mas matindi pa sa Philippine Airlines ang sunod na eroplanong sasakyan namin, pero nak ng tinapa. Hindi pala. Sobrang liit ng eroplano at isang flight stewardess lang ang kasya sa loob. Ganun daw talaga dahil domestic flight. Pero okay lang, dinala rin naman kami nito sa ibabaw ng mga ulap. :)

At dyan na muna nagtatapos ang blog na ito. Inaantok na ako. Mag-12am na rin dito. Magsisimula palang mag-Thursday habang sa Pilipinas, nangangalahati na ang araw na 'yun at patapos na maya-maya. 14 hours difference. Long distance talaga.

Goodnight...good afternoon! Zzzzzzzzzzzzzz. :))

Saturday, April 16, 2011

Saang Panahon Ka?


Ano nga ba ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bata noon at ngayon? Kung iisa isahin natin ang bawat pagkakaiba, nako! siguradong aabutin tayo ng siyam siyam. Baka, uugod ugod nako, di paren ako matatapos sa pagsusuri at pagbibilang ng pagkaka iba ng noon at ngayon. Pero, sa natatandaan ko nung kapanahunan ko (hmm! di pa naman ako ganon katanda.

Read More From >>>   www.Itnok.co.cc

Thursday, April 14, 2011

" ANG HULING SULYAP SA PAGITAN NG MGA SALAMIN"


SCENE 1: nakaupo ako sa klase namin sa English at buong oras ko lang tinititigan ang isang babae sa harap ko sya ang bestfriend ko mula nung mga bata pa lang kame. tinititigan ko lang sya halos buong araw ang kanyang mahaba at madulas na buhok ,maamong mukha at matatamis na mga ngiti at alam kong hindi nya ko napapansin

pagkatapos ng klase nanghiram sya sa akin ng notes,pinahiram ko at nagpasalamat naman sya sabay ngiti at isang halik pangkaibigan sa aking mga pisngi

GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

SCENE 2: nagring ang telepono (isang tawag mula sa kanya ) umiiyak sya dahil nasaktan sya sa unang pagkakataon ng taong mahal nya ...sabi nya puntahan ko daw sya sa kanila ,nung nakaupo na kami sa sofa nila tinititigan ko lang sya sa mata at pinapanalangin na sana akin na lang sya pagkatapos ng dalawang drew barrymore movie 3 pack ng frenchfries nagdesisyon syang matulog na nagpasalamat naman sya sabay ngiti at isang halik pangkaibigan sa aking mga pisngi

GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

SCENE 3: isang araw bago ang JS prom sabi nya sakin may sakit daw yung kadate nya.so nagdecide kami na, kami na lang as friends ang magkadate sa darating na gabi bago maguwian nakatitig ako sa kanya sa malayo suot ang long gown nyang para syang prinsesa at hiniling sa sarili na sana akin na lang sya lumapit sya at nagpaalam
sabay ngiti at isang halik pangkaibigan sa aking mga pisngi

GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

SCENE 4: nagdaan ang mga araw ,lingo,buwan at isang taon na ang nakalipas at ngayon graduation pinanuod ko sya habang umakyat sya sa stage l at kunin ang kanyang diploma hiniling ko sa sarili na sana akin na lang sya. matapos ang valedictory speech ng valedictorian namin lumapit sya sakin isang halik ng pagkakaibigan at isang mahigpit na yakap mula sa isat isa umiyak sya at napaluha na din ako

GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT

SCENE 5: ( ilang taon ang nakalipas) ngayon nakaupo ako sa simbahan pinapanuod ko kahit labag man sa puso ko ang kasal ng aking bestfriend narinig ko mula sa tenga ko tagos sa puso ko at sa ayaw ko man at sa hindi kaylangan kong tanggapin ang narinig ko ......narining kong sinabi nya ang dalawang salitang sumira at nagwasak sa mga pangarap kong lumigaya habanghabang buhay .............ang salitang "I DO"

SCENE 6: (funeral) namatay sya dahil sa sakit na cancer ilang taon matapos ang kasal nya tinitigan ko sya sa pagitan ng salamin na namamagitan sa amin ang babaeng minsan kung nakasama ,naging bestfriend at higit sa lahat ang babaeng minahal ko buong buhay ko .walang pinagbago mula nung unang nagkakilala kami hanggang ngyon na nakahiga na lang sya sa kabaong nya at humihingi ako ng konting pagkakaton para masulyapan sya sa huling pagkakataon bakas pa din sa nakapikit nyang mga mata ang mga ngiti na nagiging dahilan din ng pag ngiti ko

nilapitan ako ng nanay nya binigay ang isang diary "sabi nya sakin bago sya mamatay na ibigay ko yan sayo "

binasa ko yung diary na sinulat nya nung highschool pa kami at nakasulat ang mga...

MAHAL KO SYA GUSTO KO SANANG SABIHIN SA KANYA NA MAHAL KO SYA AT HINDI AKO KUNTENTO NA MAGKAIBIGAN LANG KAMI PERO NAHIHIYA AKO HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KUNG HANGGANG DITO NA LANG ANG LAHAT SANA HINDI NA LANG SYA ANG NAGING BESTFRIEND KO T.T :(((((((





napaisip ako at biglang pumatak ang luha sa mga mata ko .....kung nasabi ko lang sana ang mga gusto kong sabihin nung mga panahon posible pa ang lahat .kung maibabalik ko lang yung mga pagkakataon na maririnig mo pa ang bawat salitang bibitawan ko ,hinding hindi sana ako mapapagod sabihin mahal kita kahit paulit ulit pa

... paminsan minsan talaga mapaglaro ang tadhana and swear hindi sya nakakatuwa





















-isinalin lamang

Saturday, February 26, 2011

Do-Re-Mi-So-Fa-Ti-La-Do..Tsk!

"..but when I first fell in love with the piano, I knew it was me. I was dying to play."
Alicia Keys

Isa na siguro sa mga pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung magkaroon ng talento sa pagtugtog ng mga musical instrumentsss, o kahit musical instrument lang. 'Yung tipong kahit ano pang damdamin ang pinakatatago-tago mo diyan sa puso mo, e kaya mong isigaw sa mundo sa pamamagitan lang ng pagkaskas ng gitara, pagwawala sa drumset, pagpapasabog ng beatbox, o kaya sa pagpikit ng mata at pagkalabit sa mga tiklado ng piano sa saliw ng mga musikang nagpapalakas sa tibok ng puso mo. 'Yun bang konting pakikipag-jam mo lang sa instrumentong napili mong tugtugin, e para bang gumagaan na agad ang pakiramdam mo at pakiramdam mo musika na ang solusyon sa problema ng mundo - pansamantala.

Nasa puso mo na ang pagmamahal sa musika, punung-puno na ang kaluluwa mo ng mga himig na handa mo nang tugtugin bilang tanda ng pagpapakita nang tunay mong nararamdaman. Madulas na ang utak mo para ilapat ang mga salitang bubuo sa kantang nagsusumigaw na diyan sa kalooban mo. Kaso may problema... wala kang talent!! wala kang alam tugtugin!! WALA! WALA!! Pa'ano 'yan??? Pipikit ka na lang at mag-iimagine na marunong ka magpiano?? Baliw! Baliw! Baliw ka Eych! Ilusyonada!! Waaaaaaaaaahh! Haha.

Nakakabadtrip di ba??

Bumili ako ng electronic keyboard 'nung isang araw. Biglaan lang 'yun. Nanggaling lang talaga ako sa kaibigan ko na marunong mag-piano at nagpaturo at natuwa at napangiti at nangarap na makatugtog sa pamamagitan ng mga daliri kong may tig-0.5 centimeter na kuko at napangiti ulet at napaisip what if bumili din ako ng keyboard ko, napadaan sa bilihan ng mga keyboard at nagdownpayment at kinuha din kinabukasan gamit ang allowance ko for one week at ayun. (Whooh) Instant. Nagkaroon ako ng piano. (Piano na lang, ang haba kasi pag electronic keyboard. hehe.)

Palibhasa excited, inuwi namin agad ng Kuya ko 'yung piano, dapat may libreng tutor 'yun kaso naalala ko hindi ko pala dinadala yung utak ko kapag umaalis ako ng bahay, baka magpakamatay pa yung magtuturo saken sa sobrang slow ko. Wala akong alam tugtugin kahit isa, ay meron pala, 'yung korean na kanta na paborito ko kaso hanggang unang verse lang, ampanget pa pakinggan. No choice. Kelangan ko turuan ang sarili ko. Kelangan ko magtyaga magturo sa row 4 na bata. Naisip ko din na tama 'yung kaibigan ko na okay din kung bibili ako ng piano para naman may alam akong tugtugin kahit man lang isang instrument. Pero ang totoo, pina-realize niya lang saken na wala talaga akong talent. Haha.

(Kasalukuyan akong nilalagyan ng lotion ng kapatid ko sa hita at sa mukha, ewan kung bakit.)

Ang hirap pala. Para kang sumusugal sa isang bagay na hindi mo alam kung meron ka bang makukuha sa huli. Hindi mo alam kung para sa'yo nga ba talaga 'yung ginagawa mong pagtyatyaga.

(Para senti ang dating, ikokonek ko sa pag-ibig.)

Halimbawa may gusto ko sa taong hindi ka gusto. Para kang nagbubuhos ng atensyon sa isang tao na hindi mo naman alam kung inilaan ba ng tadhana para sayo. Minsan kahit anong pilit mo, at kahit na anong pagsisikap mo na iparamdam sa taong 'yun na gustong gusto mo siya, madalas hindi pa rin sapat dahil sa huli, 'yung nararamdaman niya pa rin ang tatapos sa usapan. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin kayang makuha ang puso niya. Parang sa pag-aaral din ng piano, o kahit sa anong musical instrument na bet mo, kung wala ka naman talagang alam at gusto mo lang, malaki ang posibilidad na sa kabila ng lahat ng pagsisikap mo, hindi ka pa rin marunong. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin makuha ang tamang paraan sa pagtugtog nito. Buhay nga naman. (Pero don't worry, saken lang siguro applicable yan. Bakit kasi ang hirap ko turuan? Haha.)

"..music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent."
Victor Hugo

Paano na lang pala kung walang music? Kaya mo bang iimagine na mabuhay sa mundo nang walang musika? Pwede naman, kasi hindi ka naman mamamatay kung walang music. Pero may mga ilang bagay lang kasi talaga sa buhay na kapag hindi nag-exist sa mundo mo, e para ka na ring nabubuhay dahil obligado ka lang mabuhay, at hindi dahil sa gusto mo talaga mabuhay.

Sana nalalaman din ng tao kung para saan siya nakalaan sa mundo, o kahit clue lang. Sana nung bumili ako ng piano, binulungan man lang ako ni Beethoven ng, "Ul*l! Bibili ka ng piano?? Ni Do-Re-Mi nga hindi mo memorized! Chaka mo!". Kaso hindi ganun ang buhay eh. Hinding-hindi.

Do ------------- Do you ever imagined how much I've tried?
Re ------------- Remember the things we do together, 'til the day we die.
Mi ------------- Meaningful memories, buried deep within my heart.
Fa ------------- Fantasy, fantasy. Is that all you can be in me?
So ------------- Sonatas are dancing on my soul, like you are in my mind.
La ------------- Lasting fragrance of your embrace, swaying with the wind.
Ti ------------- 'Til the day I get your heart, I'll keep trying.
Do ------------- Don't stop existing in my world, I might suddenly disappear.

-DoReMi

Now Listening : Kiss in The Rain - Yiruma.

P.S.
Sana malaman ko address ni Alicia Keys. Wala lang. Papatulong lang ako magpapayat.



Photo: http://i300.photobucket.com/albums/nn27/ilovemusic227/music.jpg

Friday, December 31, 2010

Manigong Bagong Year! :)


10:25pm nang simulan kong itype ang blog na 'to. Ilang minuto na lang, putukan na. Pero hindi rin, kasi nung isang araw pa may nagpapaputok dito samen. Ang saya ng New Year nila. Three days.

Kung tutuusin, wala naman talagang bago sa mga mangyayari tuwing Bagong Taon. Putukan mamayang 12am, susunod sa milyon milyong pamahiin na nauuso sa buong universe at sa bahay namin, magsagawa ng New Year's Resolution na kalokohan lang kasi 'yun din naman mga resolution mo 'nung isang taon at hindi rin nasusunod hanggang ngayon (revised version na ang output), at magpadala ng mga message sa celphone, Facebook, Friendster, twitter, at kung saan saan pa na nagsasabi ng kung anu-ano na akala mo katapusan na ng mundo. Maaaring wala na ngang bago - pero ang mga 'yun ang nagpapasigla, nagpapasaya at nagpapabuhay sa bawat "Bagong Taon" na lumilipas. Lumang tugtuging masarap pa ring pakinggan.

Personally (wow), inaabangan ko na talaga ang 2011. Ayoko nang balikan ang 2010. Masyadong masakit. Ilang beses din kasing tumama yung hinliliit ko sa kanto ng upuan ngayong taon. Hindi nakakatuwa.

Pero seryoso. Ayoko sa taon na 2010. Masyadong maraming nangyari. Basta. Hehe. Sa totoo lang, natutuwa ako sa mga tao tuwing magbabagong taon. Andami ko kasing text messages na natatanggap. At alam ko, ikaw din. Parang andami kong nagawang matino sa buhay sa loob ng isang taon. Nakakatuwang isipin na naaalala ka ng mga kaibigan mo sa mga panahon na tulad nito. Hindi ko nga alam kung ano bang dapat maramdaman, lungkot o tuwa? Pero syempre lamang 'yung pangalawa. O nakikisimpatya lang 'yung mga tao. Akala siguro nila nalulungkot ako. Bakit? Secret. Haha. Text ko sa'yo mamaya.

Wala pa pala kong mga narereplyan sa mga nag-wallpost saken sa FB (mga 3 tao), nag-"PM" sa chat (tama ba yun? mga 5 tao), at nagtetext kanina (kasi busy ako sa menudo kong puro atay). Pero gusto kong sabihin sa kanilang lahat na nagpapasalamat ako ng lubos, sobra at wagas! Message? Eto:

Sa mga kaklase ko ngayong college na sa sobrang solid ng pagsasama eh nakakasawa na ang mga pagmumukha. haha! Peace. Salamat guys. Kayo ang nagpapasaya saken pag pumapasok ako ng puyat. Sana sabay sabay tayong grumaduate. Makisama lang ang mga prof saten, party na! At 'wag kayong mag-alala kung wala kanyong nagawang related sa school ngayong bakasyon. Tatlong taon na tayong ganito, anung bago? Surviving naman di ba? Haha. Pero wag sana natin kalimutan na magsikap pa ring mag-aral. Wala naman tayong ibang choice di ba? Salamat H2 (section namin). I love you all! Mwah! Haha. :)

Sa mga kaibigan ko nung high school na hanggang ngayon e pinadadaanan pa rin ako ng GM at nakakasama sa oras ng iyakan at tawanan at chibugan at pansitan, maraming salamat! Lumipas man ang mahabang mahabang panahon, pakatandaan niyo, nandito lang ako at handang pakainin kayo ng pansit tuwing dadalawin niyo ko. Hehe. Mahal ko kayo. :)

Sa pamilya ko na nanatiling matatag sa kabila ng lahat. Wala akong ibang gustong sabihin sa inyo kundi mahal na mahal ko kayo. :)

Sa pag-ibig ko, sana pumanget ka ng sobra, magkaroon ng pinakamtinding body odor sa buong mundo, at maka-singko sa lahat ng exams para ma-turn off na ko sa'yo. Hahaha. Peace. Joke lang. Pero sana sa 2011, hindi na ikaw. Yeah! Hahahaha. Peace. :)

Sa lahat ng mga kaibigan ko sa loob at labas ng school na nagpapadala din saken ng GM, at sa basta, sa lahat lahat ng kaibigan ko na dinamayan ako sa oras ng drama at laging nandyan para saken, o kahit hindi sila palaging nandyan basta inadd ako sa Facebook, maraming maraming salamat!

At higit sa lahat, maraming maraming salamat sa Diyos. Binigyan niya kami ng matinding pagsubok at alam kong sa mga susunod pang mga taon, hindi na Niya kami bibigyan. Give chance to others naman. Haha. Oi joke lang, mali pala 'yun. Sana hindi na maulit. Thank you Lord kasi hindi Niyo po kami pinabayaan. Diyan lang kayo palagi ah? I love you Lord! Mwah! :))

Pero gusto ko pa din magmessage sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Para sa Mama kong makulit na nagsawa nang magkulit dito sa lupa at bumili ng condo sa langit, namimiss na kita. Sana kung nasaan ka man ngayon, masaya ka na. Kasi kami dito, masaya na din kami. Kita kits na lang, pero pag may apo ka na. Haha. Ai magmamadre na pala ako. Panu yan? Hehe. You're the best Mama in the world, magiging nanay din ako siguro balang araw pero hindi ko mahihigitan yung pagiging nanay mo samen. Naiiyak ka na? Arte mo. Haha. I love you! Sana wag masyadong mahaggard si Lord sa kakulitan mo. At 'wag mong masyadong titigan si Rico Yan. Baka matunaw 'yan. Hehe. :)

Masyadong maraming nangyari ngayong taon. Malungkot, masaya, nakakahaggard. Lahat. Kung tutuusin taon taon naman nangyayari ang mga malulungkot, masasaya at nakakahaggard na bagay. Pero dapat higit pa sa mga putukan at pagsunod sa mga pamahiin ang gagawin nating pagdiriwang ngayong bagong taon. Dahil kasabay ng pagpapalit ng taon, ay ang isa sa mga pinakamalalaking himala ng buhay - ang mismong "ikaw" na nabubuhay pa rin at patuloy na binibiyayaan sa kabila ng lahat ng mga pagsubok. Ang "ikaw" na humaharap muli sa isa na namang "Bagong Taon" na pupunuin mong muli ng pag-asa na sana, mas makakita ka ng maraming dahilan para maging masaya at maging mas matatag na "ikaw" kesa sa "ikaw" ng kahapon.

Happy New Year everybody! Party Party!

Tuesday, December 7, 2010

Bob Ong's Eighth: Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan *****

"Huwag mong bibigkasin ang hindi."

Lumitaw na ang pinakainaabangang ikawalong libro ni Bob Ong. Wala na kong sasabihing iba pa, baka may mga magalit pa saken. Tignan niyo na lang din ang trailer na ito:



Paunawa mula sa taong nakabasa na: 'Wag babasahin ilang minuto bago matulog. Basahin na lang ilang oras pagkatapos mong gumising sa umaga. Amen.

At ilang mensahe mula kay Bob Ong para sa mga illegal story tellers ng nasabing libro:

"Bunso, iwasan mo ang ugaling mapagmalaki nang dahil lang sa ikaw ang unang nakabili ng gusto mong libro o nakaabot ka na sa page 20. Ang mas magandang gawin, humanap ka ng bakante mong oras at kumportableng lugar kung saan ka makakapagbasa ng libro nang maayos at walang istorbo. Tapos sulitin mo ang ipinambili mo ng libro (o ang pag-aabala mong magbasa kung hindi man ikaw ang bumili ng libro) sa pamamagitan ng pag-unawa sa kabuuhan at maliliit na detalye ng kwento. Saka ka ngayon magyabang sa mga kaibigan mo dahil naintindihan mo ang binasa mo! => Hindi gaanong magiging masaya (o maayos) ang karanasan mo sa pagbabasa kung magtu-Tweet ka minu-minuto o mag-a-update ng status sa Facebook sa bawat lipat mo ng pahina ng libro. Bigyan mo ng oras ang sarili mo at karapatan na matahimik sa isang tabi kahit paminsan-minsan, at huwag katakutan ang paggawa ng iisang bagay lang sa iisang sandali. Lumaki ka man sa panahon ng multitasking at limang minutong attention span, marami pa ring bagay sa buhay ang mas magugustuhan mo kung paglalaanan ng sapat na panahon at hindi mamadaliin. Magandang ugali rin ang hindi pagkwento ng mga importanteng detalye ng librong nabasa mo bilang respeto sa mga kapwa mo mambabasang hindi pa tapos ang libro. Dahil sa maniwala ka’t sa hindi, hindi dahil sa tapos ka nang magbasa ay sabay-sabay na ring natapos ang ibang mga mambabasa. Marami ka pang mababasang libro na hindi man isinulat ng mahusay na manunulat ay magugustuhan mo pa rin dahil ikaw ay mahusay na mambabasa. Maraming salamat sa pakikiisa sa layunin nating gawing bayan ng mga mambabasa ang ating bansa. =>"

Source: http://www.facebook.com/note.php?note_id=466875696469

"Ik a w ay pinili. N araramdam an mo ba angm a higpit nayakap sa iyonga yon ng isangka ibigan?"

Worth reading. P150 lang kahit saan. Nakaw na! Ai este, bili na! :)
Happy reading!

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr