Saturday, September 15, 2012

Love Ako Ni Prof!

(Mag-blog muna ko. Hindi pa ko makatulog. Hindi rin ako makapag-aral, hindi ko alam kung ano uunahin eh. Hehehe.)

Halos isang bwan (tatlong linggo 'nung Summer, isang linggo ngayong Autumn) na rin akong pumapasok sa university dito sa Canada. Isang bwan, na kung tutuusin e sapat na para makapag-adjust at maka-adapt ako sa bago kong kapaligiran, 'yun bang "adjustment period" kung tawagin sa school ko dati sa Pilipinas. Pero eto - hindi pa rin ako sanay. Hindi pa rin ako masyadong nakakapag-adjust. Hindi pa rin ako masyadong maka-move on - sa simpleng dahilan na masyado akong natutuwa, hindi makapaniwala, at palaging napapanga-nga maya't maya. Alam mo 'yung pakiramdam na masyado kang nata-touch kasi halos lahat na lang ng atensyon at pag-aalaga e ibinibigay na sa'yo, kulang na nga lang subuan ka habang kumakain at palitan ka ng diaper (after 35 weeks). Ganoon kasi 'yung pakiramdam ko ngayon sa school na pinapasukan ko. Sobra akong natutuwa sa mga professors ko na hindi ko lubos maisip na nag-eexist pala sila. Doon lang ako medyo hindi nasanay.


Natatakot akong pumasok 'nung una kasi pakiramdam ko mga terorista 'yung mga professors at nangangain ng laman-loob ng bata (swerte sila sa'kin kasi sigurado busog sila). Iniisip ko kasi basta nag-eenglish na prof e terorista. Sa kabutihang palad, *buntung-hininga*, mali naman pala ako. 'Yung mga professors ko, isa lang ang palaging sinasabi sa unang araw ng klase "I am here to help you, so you don't have to worry." Iba-iba lang ng pagkakasabi pero ganun din ang ibig sabihin. Sila pa minsan ang nagmamakaawa na humingi kami sa kanila ng tulong kasi pakiramdam nila binabayaran lang sila para gumawa ng wala. Ibibigay nila 'yung mga email address nila, oras ng opisina, pati contact numbers para kung sakali daw na kailanganin namin ng tulong, "I will be happy to help you out," tulad nga ng lagi nilang sinasabi. Pinipilit nilang kilalanin 'yung bawat estudyante sa abot ng makakaya nila dahil ayaw daw nila ng "anonymous teaching", gusto nila na parang isang pamilyang nagbabatian tuwing umaga ang tema ng bawat class discussions.

Pati 'yung mga hindi professors, alam kung ano ang mga pangangailangan namin bilang mga estudyante. Para bang alam nila lahat ng mga posibleng maging problema ng mga estudyante sa kani-kanilang pag-aaral at buhay sa loob ng university. Kung kaibigan kita, sigurado akong alam mong genius ako sa Math. Umattend ako minsan ng isang tutorial sessions para sa mga kapwa kong allergic sa Math (ay sh*t, nagkakarashes yata ako). 'Nung una nahiya ako kasi talagang hindi ko maitindihan 'yung Quadratic Function, pero inisip ko, 'yun naman ang silbi ng session na 'yun - ang gamutin ang allergy ko. Tapos doon ko nalaman na sampu sa 349 kong kaklase ang kapareho ko lang na "nga-nga" tuwing Math. Paano ko napatunayan? May nagtanong kung ang X-axis ba ay palaging pa-horizontal at kung palaging pa-vertical ang Y-axis. Kala ko kasi ako lang ang may ganoong tanong sa isip. 

Hindi ko tuloy maiwasan na pagkumaparahin ang sistema ng edukasyon dito at sa Pilipinas. Alam ko na iniisip mo - "Syempre, Canada yan. Malamang mas maganda diyan." Pero isantabi muna natin ang antas ng kaunlaran ng ekonomiya ng dalawang bansa at pagbasehan natin ang kung ano ang parehong mayroon sa bawat isa sa kanila - puso. Korni? Siguro. Pero malay mo naman hindi. Kung may puso ka, sige lang, basa ka pa. 

Naks. May puso siya. Hehehe. Nasabi kong napakaimportante ng paggamit ng puso sa pagtuturo at pagkatuto dahil isa ito sa mga kumokonekta sa dalawa. Tuwang-tuwa talaga ako kapag pinaparamdam sa amin ng mga professors namin na okay lang maging tanga paminsan-minsan, parte naman 'yun ng pagkatuto mo (at expected naman na nila 'yun sa'yo hehe). Nakakatuwang maramdaman na kapag nahihirapan ka na, katumbas na ng isang tapik sa balikat kapag naiisip mong may handa namang tumulong sa'yo. Email lang si prof, may instant sagot ka na sa mga tanong na hindi mo talaga masagot-sagot kahit tumambling at magsplit ka pa sa ere (gawain ko). Inisip ko nga din, siguro kung naranasan namin 'to ng mga kaklase ko sa Pilipinas, wala siguro sa'min ang sasablay sa pag-graduate - kasi wala kaming excuse para bumagsak (pwera na lang kung nakatadhana na talaga 'yun sa'yo hehe). Iniisip ko nga na siguro kaya may mga subjects kami noon na halos mga pasang-awa lang ang score ay dahil sa pagkakaroon ng ilang mga professors ng matatas na expectations sa klase namin, at nakulangan kami sa pagkatuto dahil parang ginagawa lang namin ang mag-aral sa ngalan ng grades, at hindi sa ngalan ng learning (naks!). Kung naintindihan sana ng ilang mga professors namin noon ang kakulangan namin bilang mga estudyante palang, siguro bumaba ang posibilidad ng pagbagsak. Opinyon ko lang naman 'yun, sana okay lang sa'yo. Nakakatuwa lang din kasi kapag pinaparamdam sa'yo ng professor mo na nandyan siya para sa'yo, na hindi mo siya dapat katakutan dahil isa siya sa mga kakampi mo sa school, 'yun bang gumagawa ng effort para matuto talaga kami na hindi dahil sa kailangan namin 'yun sa klase, kundi  dahil sa kailangan namin 'yun para sa buhay namin, lalo na sa hinaharap. Ang sarap lang mapasailalim sa isang professor na may puso (lalo na 'pag gwapo. Haha. Joke! ).

Ano pa ba? Wala na eh. Ah eto na lang.

Sana Sir at Ma'am, magawa niyo rin pong iparamdam 'yun sa mga estudyante niyo. Ano ba naman 'yung simpleng pagsasabi ng "Nandito lang ako mga dre" sa mga estudyante niyo, di ba? (Korni ulet? Sorry na!) Bigyan po natin sila ng kaunting puwang sa mga puso natin, at sigurado akong sa loob ng "habangbuhay" nila, imposible na kayong mawala. :)

6 comments:

R said...

Meowth, that's right! (Makapag-English lang, mukhang ingglesera ka na talaga dyan e hehe) Tamang-tama tong entry mo, Eych. National Teacher's Month ngayon dito sa Pinas. Di ko tuloy maiwasan maalala yung paboritong teacher ko nung high school... Pero wala ko dito para magsenti, nandito ko para ipaalalang size 10 ang paa ko, blue ang paborito kong kulay at medium ang sukat ng T-shirt ko. (Haha...)

Product Designers Delhi said...

I really appreciate your professional approach. These are pieces of very useful information that will be of great use for me in future.

UX Designers Delhi said...

Very great post. I simply stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your weblog posts. After all IĆ­ll be subscribing on your feed and I am hoping you write again very soon!

Web Designers Pitampura said...

Great article, Thanks for your great information, the content is quiet interesting. I will be waiting for your next post.

App Development Company London said...

I will probably be back again to browse much more, many thanks for the data.

GST Impact Analysis said...

Awesome work.Just wanted to drop a comment and say I am new to your blog and really like what I am reading.Thanks for the share

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr