Hindi talaga tumitigil.
Hindi nagpapaawat.
Sa dagliang pagpikit ng mata,
Biglang bubuhos ang hindi inaasahan.
Ulan nang ulan,
Pero hindi iyon kasalanan ng ulan.
Wala siyang pagkukulang,
Kagaya ng isang batang bagong silang.
Umiiyak ka,
Nagmamakaawa,
Naninikluhod,
Naghihinagpis nang walang pagod.
Umuulit lang ang kasaysayan.
Umuulit lang din ang kasalanan.
Hindi man lang mabago,
Hindi magawan ng paraan.
Ngunit anak ko, ako rin naman,
Nararanasan ang lahat ng iyan.
Sa bawat pagkalimot,
Sa bawat pagtalikod,
Sa bawat pagtakwil sa pagbabago,
Buhay ang kapalit,
Maging kinabukasan ng batang paslit.
Hindi ka pa ba gigising?
O hindi kaya'y gising ka na,
Ngunit nagtutulug-tulugan ka?
Maawa ka.
Kumilos ka.
Mag-isip ka.
Hahayaan pa kayang maulit ang lahat?
Umuulit ang kasaysayan.
Umuulit lang ang kasalanan,
Ngunit hindi ako titigil sa kakaasa.
Sana bukas,
Magising ka na
Mula sa palalim mong pagtutulug-tulugan.
Maghihintay ako.
Ngunit huwag ka sanang magtatagal,
Bago pa ako tuluyang mapagal.
At kung sakali mang ika'y naguguluhan,
Ako sana'y huwag mong kagagalitan.
Anak ko,
Ako lang ito,
Ang Inang Kalikasan mo.
photo(c) www.paganspace.net
3 comments:
Great article, Thanks for your great information, the content is quiet interesting. I will be waiting for your next post.
I hope you will keep in submitting new articles or blog posts & thank you for sharing your great experience among us.
Very great post. I simply stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your weblog posts. After all I’ll be subscribing on your feed and I am hoping you write again very soon!
Post a Comment