Thursday, November 15, 2012

"Amalayer" at Pilipinas... Ano na?

“If someone isn't what others want them to be, the others become angry. Everyone seems to have a clear idea of how other people should lead their lives, but none about his or her own.”   ― Paulo Coelho, The Alchemist  Bago ako matulog kagabi, may isang video na kumakalat sa Facebook na paulit-ulit na shineshare ng ilan. 'Nung una hindi ko binuksan kasi na-trauma na ako. May binuksan kasi ako na video dati na isang babae at isang lalaking nag-aano 'yung nakita ko. 'Nak ng adobong penguin talaga 'yun. Pero nadagdagan pa ang mga nagsheshare sa pagpatak ng bawat minuto, hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na pinapanood ang isang minutong "viral video" at nagkisali sa libo-libong Pilipinong tumangkilik sa one-minute...

Saturday, September 15, 2012

Love Ako Ni Prof!

(Mag-blog muna ko. Hindi pa ko makatulog. Hindi rin ako makapag-aral, hindi ko alam kung ano uunahin eh. Hehehe.) Halos isang bwan (tatlong linggo 'nung Summer, isang linggo ngayong Autumn) na rin akong pumapasok sa university dito sa Canada. Isang bwan, na kung tutuusin e sapat na para makapag-adjust at maka-adapt ako sa bago kong kapaligiran, 'yun bang "adjustment period" kung tawagin sa school ko dati sa Pilipinas. Pero eto - hindi pa rin ako sanay. Hindi pa rin ako masyadong nakakapag-adjust. Hindi pa rin ako masyadong maka-move on - sa simpleng dahilan na masyado akong natutuwa, hindi makapaniwala, at palaging napapanga-nga maya't maya. Alam mo 'yung pakiramdam na masyado kang nata-touch kasi halos lahat na lang ng atensyon at pag-aalaga...

Tuesday, August 7, 2012

Gising Na, Anak

Hindi talaga tumitigil. Hindi nagpapaawat.  Sa dagliang pagpikit ng mata,  Biglang bubuhos ang hindi inaasahan.  Ulan nang ulan, Pero hindi iyon kasalanan ng ulan.  Wala siyang pagkukulang,  Kagaya ng isang batang bagong silang.  Umiiyak ka,  Nagmamakaawa,  Naninikluhod,  Naghihinagpis nang walang pagod.  Umuulit lang ang kasaysayan.  Umuulit lang din ang kasalanan.  Hindi man lang mabago,  Hindi magawan ng paraan.  Ngunit anak ko, ako rin naman,  Nararanasan ang lahat ng iyan.  Sa bawat pagkalimot,  Sa bawat pagtalikod,  Sa bawat pagtakwil sa pagbabago,  Buhay ang kapalit,  Maging kinabukasan ng batang paslit.  Hindi ka pa ba gigising?  O...

Sunday, March 18, 2012

Palibhasa, Bobo.

Bobo ako, pero  hindi naman ako tamad mag-aral, dinadatnan din naman ako ng kasipagan na mas madalas pa sa bwanang-dalaw ng isang dalaga. Wala namang nagsasabing bobo ako nang harap-harapan dahil biniyayaan naman ako ng tadhana ng mga mabubuting kaibigan. 'Yun nga lang, 'yung mga hindi ko kaibigan, letse! Sila ang nagpaparamdam sa'kin na isa akong taong hindi biniyayaan ng utak kahit isang gramo lang. Nakatatlong taon ako sa Grade 6. Taragis 'yan, grabeng kabobohan. 'Yung ate ko 'nun naka-graduate na sa college at binuhay lang yata 'yung magaling na 'yun para ipamukha sa'kin na hindi nag-eexist ang nervous system sa katawan ko. Araw-araw ba naman sinasabi na wala daw akong utak, kundi ka ba naman mabad-trip 'pag ganun. 'Yung nanay...

Friday, March 16, 2012

'Wag Mo Kong Pilitin Makipag-Break Sa'Yo! Mwuaaah!

Ang tanong niya sa sarili niya - "Makikipag-break na ba ako?" In behalf of her sarili, sasagot ako, "I-visualize mo 'yung pagmumukha niyang nakangiti dyan sa utak mo. Ano, keri?" Hindi ko alam sa iba, pero sa tingin ko, kung ikaw ang babae at sa tingin mo hindi na maganda 'yung kinahihinatnan ng relasyon niyo.. 'te, tumigil ka na. At kung sasabihin mo naman ngayon sa'ken na hindi mo kaya dahil mahal na mahal mo nang sobra sobra sobra at madedeads ka 'pag wala siya at mas mamabutihin mo na lang na magpasakop sa mga alien kesa sa ipagpatuloy ang buhay mo sa Earth nang wala 'yang magaling mong boyfriend, ay 'Day, hindi ka pa ba nadedeads sa lagay na 'yan? Kaliwa't-kanang pasakit, naayos saglit, tapos kikirot na naman ulit, 'yan ba ang buhay...

Monday, March 12, 2012

Kung Bakit Hindi Pa Malaos Ang Facebook

Ayon sa timeline ko, October 2008 ipinanganak ang account ko sa Facebook, pero naging active lang ito 'nung 2009. At mula noon, dito na umikot ang mundo ko.. at nang lahat ng tao sa buong planetang 'to. Sa NAPAKAraming dahilan, ayoko na mag-Facebook. Ewan. Pero tingin ko kasi, simula 'nung nauso 'yang Facebook na 'yan, walang ni isang araw sa buhay ko ang naging mapayapa. Nabawasan ang sipag ko sa pag-aaral, nabawasan din ang oras ko sa pagtulog nang dahil dito, tulad ngayon. Parang sa lahat ng oras, nag-iisip ako ng status message ko para mamaya. At wala pang ni isang minuto mula 'nung nag-check ako ng Facebook ko, titingin na naman ulit ako sa account ko para makita kung anong bago. Katumbas na ng mga basic necessities ng tao ang...

Tuesday, February 21, 2012

Hindi Ang Oras

Wala naman talagang oras na mabilis o kaya oras na mabagal. Constant ang oras. Patuloy 'yang papatak kada segundo.. Walang makapagpapahinto. Nonstop. Nasa eksaktong 10:20 pm ang orasan nang huli ko itong tignan bago ko simulan ang kalokohang ito, ay este, ang blog na ito. Titingin ulit ako sa orasan ha, wait. Okay. 10:26pm na. Ibig sabihin 6 minutes lang pala ang nakalipas pero pakiramdam ko kinse minutos na. Utak ko ang mabagal, hindi ang oras. 8 months and 6 days na ang nakalipas mula 'nung nilayasan ko ang 'Pinas. Pero pakiramdam ko wala pang kalahating taon. Kaya pakiramdam ko tuloy, wala namang nagbago sa mga bagay-bagay. Pero pagtingin ko sa Facebook page ng Bench, may bago na silang Pop-Up Store sa TriNoma at nasa TV5 na pala ngayon...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr