Saturday, September 10, 2011

Psst. Gusto Kita Maging Syota

Dear Chikabebe,  Kamusta na bhe?  Alam mo na siguro ngayon na gusto kita maging syota. Ang ganda ng ngiti mo sa'ken kanina. Nakakatunaw. Feeling ko ako na ang reyna ng mundo. At ikaw ang hari..asus. Ikaw na ata ang pinaka-astig na lalaking nakilala ko. Alam mo 'yun. Para kang 'yung mga leading man sa mga pinapanood kong koreanovela, hindi ka nga lang singkit pero okay na 'yun. Ang astig mo pa maglakad. Tapos 'yung mga mata mo..tae wala ko masabe. 'Wag mo lang subukan tignan ako sa mata baka malasing ako pare. Hinahanap hanap ka na ng mga mata ko araw-araw. Pakiss nga. Pero 'wag kang mag-alala kung iniisip mong 'yung panlabas na anyo mo lang ang gusto ko. Sabihin na nating ganun na nga. Pero hindi naman ganun katindi 'yun. Pero...

Friday, September 2, 2011

Kitakits sa Mcdo.. (See You See You at McDoooww)

Ininterview kami ng mga kapatid ko kanina ng restaurant manager namin sa McDo. Evaluation. Dalawang buwan na pala kaming screw..este "crew members" sa isang banyagang kainan sa isang banyagang bansang may mga banyagang kostumer na kumakain ng mga banyagang pagkain at may mga banyagang sikmura. Dalawang bwan na pala. Walang anu-ano. Ambilis ng panahon. Sobra. Lahat naman ata talaga ng mga Pinoy, o kahit sinong galing sa ibang bansa na nag-mamigrate sa kahit saang bansa sa kanlurang bahagi ng mundo (kanluran nga ba ang tagalog ng west? hehe), kadalasan sumasabak na agad sa trabaho, mula sa mga anak na teenagers hanggang sa mga magulang na feeling teenagers. Normal na dito makakita ng mga ka-edad ko na nagtatrabaho kahit saan, kadalasan sa mga...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr