ang bilis umikot ng mundo noh?buti hindi siya nahihilo.parang kelan lang ,ngayon! eh ngayon na talaga.ang daming magbabago,ang daming sumusulpot at biglang mawawala. wala na talagang permanente sa mundo maliban sa mga pagkakataaon nararanasan natin na sa di katagalan isa na lamang nakaraan.
nakakamiss yung mga panahon kinakagat mo yung bakal ng monggol pencil mo para lumabas yung pambura at makapagbura ka nuh,ang mahirap lang dun hiraman pa kayo ng mga klasmeyt mo sa iisang lapis iisang bakal iisang kagat hindi pa kasi natin alam nun yung salitang kadiri eh.samantang ngayon pag g-tech gtech kana naghahanap ka pa ng .3 eh kamuka mo naman yung sulat mo(its up to you,judge yourself)
mabilisan tanong mula sa aking kaibigan!
sinisilip mo din ba yung ref nyo habang sinasara mo kung paano namamatay yung ilaw,kumakanta ka din ba ng mga kanta ng westlife,bakstritboys,a1,m2m,spicegirls sa harapan ng electricfan na sarap na sarap kang saluhin ang lahat ng alikabok,sumusulat ka din ba ng pangalan mo *love* pangalan ng kras mo sa maalikabok na salamin ng sasakyan?o nagpauto ka din sa punyetang nagkalat ng tsismis na dumadami at nabubuntis ang mga kisses pag binabad sa pabango,lalo na pag tinakas mo ang pabango ng nanay mo!!
ang sarap sulyap-sulyapang ng mga ganung pagkakataon sa buhay natin noh,ngayon napapangiti ka kung minsan nahihiya ka pa tuwing pinapaalala ng mga magulang mo sayo,hmm kasi nga matanda ka na isa yan sa masistemang proseso sa buhay ng isang tao ,ang pagtanda hindi lang sa edad pati na rin sa isip
siguro kaya mo nagawa ang mga nakakatawang kalokohan mo nung ikaw ay musmos palang eh para ngayon matanda ka na maaalala mo at meron kang mga bagay na pagtatawanan *HINDI LANG SA IBANG TAO* pati na rin sa sarili mo
marami na kaseng nagbago at magbabago
at mangyayari ang lahat ng yan sa tamang panahon.hindi pedeng pahintuin mo at itambay mo yung sarili mo sa kung anung buhay meron ka dati o ngayon dahil patuloy na dadaloy ang buhay mo,patuloy na iikot ang mundo sa axis nito,lulubog-lilitaw ang araw,uulan-aaraw,dadaan ang maraming bagyo,makakaranas tayo ng elniño at marami pa ang magbabago pero bukod sa presyo ng fishball na 50cents isa ring pinakapermanenteng bagay sa buhay natin ang "PAGBABAGO" ang kaylangan mo lang sumabay,parang isang pustahan yan pero dito sumusugal ka pang panalo ka na agad
oo masarap balik-balikan ang mga maliligayang araw natin sa ating kabataan.pero diba't mas masarap isipin na yung simpleng bata na nanghihingi ng kaunting barya pambili ng cottoncandy eh ngayon nakakapagsulat na sulating binabasa mo ngayon,mula sa A,E,I,O,U ngayon may pa "if a wood chuck could chuck wood how much wood would a wood....blah blah pfft !@#$%$^&*" kana.
mula sa simpleng batang naglalaro at tumitikim ng sariling sipon hanggang sa ating pagtanda
marami talaga ang magbabago pwede mong muling sulyapan ang nakaraan pero hindi mo na literal na mababalikan ,magbabago ang lahat pwede mong sabayan pero hindi mo mapipigilan
-bow-
karlnuqui sept 1/10 hapi bermonths sa lahat ng mambabasa
Wednesday, September 1, 2010
PAGBABAGO: pwede mong sabayan pero hindi mo pwedeng pigilan
3:13 PM
karlnuqui
6 comments
6 comments:
^^ w0w..
naalala ko tuloy ung dati..
nakakamiss yung dati..
sarap maging bata..
wlang integral..deff. cal.. as in wla..
haha.. wlang prob,.
┼♥juri♥┼
love it kuya =) talagang swak 'to sa lahat ..
"ngayon pag g-tech gtech kana naghahanap ka pa ng .3 eh kamuka mo naman yung sulat mo(its up to you,judge yourself)".what's g-tech?
Bidang bida nga ung gtech ko dito.... hehe
cathy
gtech po ay isang uri ng ballpen na kadalasan gamit ng college student
"sinisilip mo din ba yung ref nyo habang sinasara mo kung paano namamatay yung ilaw,kumakanta ka din ba ng mga kanta ng westlife,bakstritboys,a1,m2m,spicegirls sa harapan ng electricfan na sarap na sarap kang saluhin ang lahat ng alikabok,sumusulat ka din ba ng pangalan mo *love* pangalan ng kras mo sa maalikabok na salamin ng sasakyan?o nagpauto ka din sa punyetang nagkalat ng tsismis na dumadami at nabubuntis ang mga kisses pag binabad sa pabango,lalo na pag tinakas mo ang pabango ng nanay mo!!"
HAHAHA. CHILDHOOD MEMORIES! GRABEEE! SWAKTONG-SWAKTO! MEJO NGAYON PA NAMAN NAKIKINIG AKO NG MGA KANTA NG MGA ANIME NUNG BATA AKO, MGA DBZ(shala head shala*ewan ko kung yan lyrics non), BTX(maglalakbay ako patungo sa kawalan..), UNG KANTA SA RANMA 1/2(pizzicato five - sweet soul revue*ewan ko kung alam nyo yan. eto ung link pakinggan nyo http://www.youtube.com/watch?v=-D4ueFzla04 ) HAHA. TIMING NA TIMING. :)) WALA LANG. NAKAKMISS MAGING BATA PERO WALA E, ANG HIRAP PIGILAN NG PAGTANDA AT PANAHON. HAYNAKO.. TAPOS MAY BOY BAND DAYS PA. PATALBUGAN KUNG SINO PINAKAMAGALING E, PERO MAKA WESTLIFE AKO, TAPOS HANGGANG NGAYON BUHAY PA DIN SILA. PATI A1(you treat me like a rose...), BUHAY PA DIN SILA PERO 3 NA LANG. NGA NAMAN O, TIME GOES SO FAST, PUNYEMAS.
GANDA NG BLOG NA TO. ANSARAP MAG BALIK-TANAW. THUMBS UP KARL. :)
Post a Comment