Sunday, January 31, 2010

Masama ba Kung Tamad Ako Mag-Aral??

BABALA: 'Wag ipapabasa sa mga anak ang blog na ito. Nakakaumay. Hayaan niyo na lang sila mag-DoTa.Nag-iisip ako ng topic para sa blog ko. At dahil wala akong maisip, tumingin na lang ako ng mga pangyayari sa Facebook na hindi ko naman alam kung anong maitutulong ng mga 'yun sa pag-unlad ko. Pero nakakatuwa din naman kahit pa'no - lalo na 'yung mga iba't-ibang "pages" na gawa ng mga walang magawa sa buhay bukod sa magtype ng status message at makipag-chat sa Facebook habang hawak ang malakas na pagnanasang makaka-chat nila ang mga taong pinagnanasahan nila. (Pero walang konek 'yung huli kong sinabi.) Narito ang ilan sa mga "Pages" na sinasabi ko na baka isa ka na din sa mga fans ng mga 'to:- ang tunay na MATALINO hindi nagrereview, STOCK KNOWLEDGE LANG. (123,058 fans)- YEAH I STUDIED. Then...

Friday, January 29, 2010

One Missed Call

Alas-dos ng hapon, sabi mo tatawag ka.Natuwa ako, 'di maipaliwanag ang saya.Sabi ko, sige. Maghihintay ako.Dumating ang alas-sais ng gabi.. Tak.Nag-alas-otso na, wala pa rin.. Tik.Alas nuebe-kinse,Alas-dyis..Alas-onse. Klik.Alas-dose ng hatinggabi. Suko na.Magdamag na pala akong naghihintay,Buong hapong nag-aabang.Nasaan ka na?Sabi mo tatawag ka?Itutulog ko na lang ang lahat.Paggising sa umaga,Tinignan kung nagtext kaKaso wala.Pagdilat ng mata,Mukha mo ang nakita,Hahawakan sana kita,Kaso bigla kang nawalaat naglahong parang bula.Panaginip lang yata 'yunPero sana nakikita kita ngayonNaghihintay pa rin ako sa tawag moBaka sakaling busy ka langAt nakalimutan mo'ng pangako mo.Bumangon na sa kamaNaghanda para sa bagong umagaSumulyap ng kaunti sa litrato moAt ang sandaling pagsulyap,Nauwi sa 'di...

Wednesday, January 27, 2010

Nakakatakot Ka!

Lahat daw ng tao, may sari-sariling kinakatakutan. Mula sa kulugo hanggang sa mga hindi maipaliwanag na itsura ng mga impakto, lahat 'yan kabilang sa mga kinatatakutan ng tao. "Phobia" daw ang tawag dun.A phobia (from the Greek: φόβος, phóbos, meaning "fear" or "morbid fear") is an intense and persistent fear of certain situations, activities, things, animals, or people.Mula nung bata pa ko (mga 5 months old, 52 na ako ngayon), iniisip ko na kung ano nga ba ang kinakatakutan ko sa buhay. Kasi wala talaga kong bagay na iniiwasan bukod sa assignments. Pero inisip kong hindi naman ata pwede 'yun.Sobrang takot ang kapatid ko sa ipis. Minsan 'pag gabi kasi dito sa'min, madalas mag-live show ang mga nasabing nilalang ng kalikasan. May mga nagpa-fly-fly, may gumagapang dahil 'yun daw talent niya,...

Wednesday, January 20, 2010

I Love You Babe, Dota Muna Ko

Hindi ko alam kung ano ang meron sa isang computer game na kinaaadikan ng halos lahat ng mga kalalakihan sa section niyo at pinagseselosan naman ng mga girlfriends nila. Hindi naman cute ang mga characters 'dun, mga mukha namang impaktong emo. Nauso na din 'yun dati 'nung high school ako, alam ko nga nawala 'yun sa uso pansamantala tapos sumulpot na naman bigla.Andaming puyat. Andaming break-ups. Andaming walang assignments. Andaming bagsak sa quiz. Andaming wala nang pera. Andami nang pangit na pagmumukha sa mundo - at ang lahat ng 'yan, kung hindi ako nagkakamali, ay dahil sa DoTa, na ang ibig palang sabihin ay "Dito Okay Talaga Ako" ay mali, "Defense of the Ancient" pala.Dahil din dito, halos lahat ng mga sections sa school e may samahan na tinatawag na "DoTa Boys", iba-iba nga lang ang...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr