"Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao 'pag nawala na siya..."
Sabi 'yan ng kapatid ko habang nanonood kami ng music videos ni Michael Jackson. Pero ang totoo, bad trip lang siya kasi inagawan namin siya ng pagkakataon na makapanood ng "Nasan Ka Maruja?".
Pero, kung didibdibin ko ang sinabi ng kapatid ko, mukhang tama naman siya. Kung hindi naman namatay si Michael Jackson, hindi naman namin siguro papanoorin ng mama ko 'yung mga videos niya at makikipag-rock and roll na lang kami kay Maruja. Lalo na sa tulad kong hindi naman talaga niya fan. Aminado akong hindi ko siya masyadong na-appreciate 'nung nabubuhay pa siya. Siguro kasi hindi naman siya nagsimulang sumikat 'nung iniluwal ako sa mundo. Ngayon ko lang talaga siya na-aapreciate. Ngayon lang...kung kelan wala na siya.
Napakaraming bagay sa mundo na hindi natin nabibigyan ng pansin, ng panahon at atensyon. Magugulat na lang tayo sa lungkot na mararamdaman natin 'pag tuluyan na silang nawala nang hindi man lang natin ito nakuha, nahawakan, o kahit nasulyapan man lang. Akala kasi natin, may mas "da best" pa sa mga bagay na dumadaan sa buhay natin. Ang hindi natin alam, minsan lang tayo makakahanap ng mga ganoong klaseng bagay. Namayani kasi sa pagkatao natin ang mag-hangad ng "mas".
Pero syempre, hindi rin natin masisisi ang mga sarili natin. Malay ba natin kung 'yun na ang pinakamagandang bagay na pwedeng mangyari sa buhay natin, di ba? Ang mali lang natin, hindi man lang natin 'yun nabigyan ng pagkakataon para sana maging "the best" para sa atin. Sa madaling sabi, paminsan-minsan, hindi tayo marunong magpahalaga.
Maraming bagay ang pwedeng mawala, o pwedeng nawawala na habang tinatype ko ang blog na 'to. Maraming bagay na mas magandang pagsisihan matapos mong magawa, kesa pagsisihan dahil wala kang nagawa.
Habang may pagkakataon, habang hawak mo pa ang mga bagay-bagay sa paligid mo, habang kasama mo pa ang mga taong nagpapatawa sa'yo, habang nakikita mo pa ang mga taong mahal mo, habang humihinga ka pa kasabay nila, matuto kang magpahalaga at magpasalamat. Dahil hindi mo alam, pag-dilat ng mata mo sa umaga, nagbago na pala ang lahat.
-------------------------------------------------------------------------------------
Salamat sa http://www.flickr.com/photos/mohlat/2154005907/ para sa larawan.
Sunday, July 12, 2009
Isinantabing Rak-'n-Rol
9:23 AM
Eych
7 comments
7 comments:
lesson ata namin to sa values ed. haha. pinagawa pa nga kami ng last will of testament ee. :)
enjoy naman manuod ng vids ni MJ may pagka weird nga lang paminsan wung vids. :)
oo mga weird nga. pero ang galing nya pala talaga. ngayon ko lang talaga nalaman, hehe
uu nga. haha. dami na niya talaga achievements. tas super talented niya. haha.
*naconfiscate pala yung ABNKKBSNPLako ko. di pa din maka move on. :(
ha?? baket nconfiscate? gusto mo resbakan naten? hehe
kasi mga classmate ko hiniram. ee advance chemistry yung subject. katamad kaya nag babasa sila ng bob ong ko. haha. dinala ko lang kasi kukuha kami ng quotes tapos kinuha na ng teacher ko. haha. XD buti nga yun lang nakuha ee.
affected silang lahat kay rogelio ng sobra. =))
gawain ko din yun nung high school. lalo na sa trigo. nagbabasa ko ng Macarthur. Hehe. Naibalik na ba sayo?
yung isa kong classmate sinapak ako. bakit daw namatay si rogelio. hehe. =)
haha. sa room namin may
decoration. "in loving memories
of rogelio manglicmot aka Kapitan Sino." haha. kasi idol din ng adviser namin. lahat na ata ng quotes na pde kunin. nasa room na. :)
nde pa din nabalik haha. sabi ko pag di nabalik palitan niya kasama ng paboritong libro. :))
Post a Comment