
(Mag-blog muna ko. Hindi pa ko makatulog. Hindi rin ako makapag-aral, hindi ko alam kung ano uunahin eh. Hehehe.)
Halos isang bwan (tatlong linggo 'nung Summer, isang linggo ngayong Autumn) na rin akong pumapasok sa university dito sa Canada. Isang bwan, na kung tutuusin e sapat na para makapag-adjust at maka-adapt ako sa bago kong kapaligiran, 'yun bang "adjustment period" kung tawagin sa school ko dati sa Pilipinas. Pero eto - hindi pa rin ako sanay. Hindi pa rin ako masyadong nakakapag-adjust. Hindi pa rin ako masyadong maka-move on - sa simpleng dahilan na masyado akong natutuwa, hindi makapaniwala, at palaging napapanga-nga maya't maya. Alam mo 'yung pakiramdam na masyado kang nata-touch kasi halos lahat na lang ng atensyon at pag-aalaga...