Saturday, February 26, 2011

Do-Re-Mi-So-Fa-Ti-La-Do..Tsk!

"..but when I first fell in love with the piano, I knew it was me. I was dying to play."
Alicia Keys

Isa na siguro sa mga pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung magkaroon ng talento sa pagtugtog ng mga musical instrumentsss, o kahit musical instrument lang. 'Yung tipong kahit ano pang damdamin ang pinakatatago-tago mo diyan sa puso mo, e kaya mong isigaw sa mundo sa pamamagitan lang ng pagkaskas ng gitara, pagwawala sa drumset, pagpapasabog ng beatbox, o kaya sa pagpikit ng mata at pagkalabit sa mga tiklado ng piano sa saliw ng mga musikang nagpapalakas sa tibok ng puso mo. 'Yun bang konting pakikipag-jam mo lang sa instrumentong napili mong tugtugin, e para bang gumagaan na agad ang pakiramdam mo at pakiramdam mo musika na ang solusyon sa problema ng mundo - pansamantala.

Nasa puso mo na ang pagmamahal sa musika, punung-puno na ang kaluluwa mo ng mga himig na handa mo nang tugtugin bilang tanda ng pagpapakita nang tunay mong nararamdaman. Madulas na ang utak mo para ilapat ang mga salitang bubuo sa kantang nagsusumigaw na diyan sa kalooban mo. Kaso may problema... wala kang talent!! wala kang alam tugtugin!! WALA! WALA!! Pa'ano 'yan??? Pipikit ka na lang at mag-iimagine na marunong ka magpiano?? Baliw! Baliw! Baliw ka Eych! Ilusyonada!! Waaaaaaaaaahh! Haha.

Nakakabadtrip di ba??

Bumili ako ng electronic keyboard 'nung isang araw. Biglaan lang 'yun. Nanggaling lang talaga ako sa kaibigan ko na marunong mag-piano at nagpaturo at natuwa at napangiti at nangarap na makatugtog sa pamamagitan ng mga daliri kong may tig-0.5 centimeter na kuko at napangiti ulet at napaisip what if bumili din ako ng keyboard ko, napadaan sa bilihan ng mga keyboard at nagdownpayment at kinuha din kinabukasan gamit ang allowance ko for one week at ayun. (Whooh) Instant. Nagkaroon ako ng piano. (Piano na lang, ang haba kasi pag electronic keyboard. hehe.)

Palibhasa excited, inuwi namin agad ng Kuya ko 'yung piano, dapat may libreng tutor 'yun kaso naalala ko hindi ko pala dinadala yung utak ko kapag umaalis ako ng bahay, baka magpakamatay pa yung magtuturo saken sa sobrang slow ko. Wala akong alam tugtugin kahit isa, ay meron pala, 'yung korean na kanta na paborito ko kaso hanggang unang verse lang, ampanget pa pakinggan. No choice. Kelangan ko turuan ang sarili ko. Kelangan ko magtyaga magturo sa row 4 na bata. Naisip ko din na tama 'yung kaibigan ko na okay din kung bibili ako ng piano para naman may alam akong tugtugin kahit man lang isang instrument. Pero ang totoo, pina-realize niya lang saken na wala talaga akong talent. Haha.

(Kasalukuyan akong nilalagyan ng lotion ng kapatid ko sa hita at sa mukha, ewan kung bakit.)

Ang hirap pala. Para kang sumusugal sa isang bagay na hindi mo alam kung meron ka bang makukuha sa huli. Hindi mo alam kung para sa'yo nga ba talaga 'yung ginagawa mong pagtyatyaga.

(Para senti ang dating, ikokonek ko sa pag-ibig.)

Halimbawa may gusto ko sa taong hindi ka gusto. Para kang nagbubuhos ng atensyon sa isang tao na hindi mo naman alam kung inilaan ba ng tadhana para sayo. Minsan kahit anong pilit mo, at kahit na anong pagsisikap mo na iparamdam sa taong 'yun na gustong gusto mo siya, madalas hindi pa rin sapat dahil sa huli, 'yung nararamdaman niya pa rin ang tatapos sa usapan. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin kayang makuha ang puso niya. Parang sa pag-aaral din ng piano, o kahit sa anong musical instrument na bet mo, kung wala ka naman talagang alam at gusto mo lang, malaki ang posibilidad na sa kabila ng lahat ng pagsisikap mo, hindi ka pa rin marunong. Sa kabila ng lahat, hindi mo pa rin makuha ang tamang paraan sa pagtugtog nito. Buhay nga naman. (Pero don't worry, saken lang siguro applicable yan. Bakit kasi ang hirap ko turuan? Haha.)

"..music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent."
Victor Hugo

Paano na lang pala kung walang music? Kaya mo bang iimagine na mabuhay sa mundo nang walang musika? Pwede naman, kasi hindi ka naman mamamatay kung walang music. Pero may mga ilang bagay lang kasi talaga sa buhay na kapag hindi nag-exist sa mundo mo, e para ka na ring nabubuhay dahil obligado ka lang mabuhay, at hindi dahil sa gusto mo talaga mabuhay.

Sana nalalaman din ng tao kung para saan siya nakalaan sa mundo, o kahit clue lang. Sana nung bumili ako ng piano, binulungan man lang ako ni Beethoven ng, "Ul*l! Bibili ka ng piano?? Ni Do-Re-Mi nga hindi mo memorized! Chaka mo!". Kaso hindi ganun ang buhay eh. Hinding-hindi.

Do ------------- Do you ever imagined how much I've tried?
Re ------------- Remember the things we do together, 'til the day we die.
Mi ------------- Meaningful memories, buried deep within my heart.
Fa ------------- Fantasy, fantasy. Is that all you can be in me?
So ------------- Sonatas are dancing on my soul, like you are in my mind.
La ------------- Lasting fragrance of your embrace, swaying with the wind.
Ti ------------- 'Til the day I get your heart, I'll keep trying.
Do ------------- Don't stop existing in my world, I might suddenly disappear.

-DoReMi

Now Listening : Kiss in The Rain - Yiruma.

P.S.
Sana malaman ko address ni Alicia Keys. Wala lang. Papatulong lang ako magpapayat.



Photo: http://i300.photobucket.com/albums/nn27/ilovemusic227/music.jpg

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr