
Noon:"My Friendster ka? Add mo ko ha?"Ngayon:"May Facebook ka? Gegerahin kita sa Mafia Wars ha? Humanda ka! Hahahah!"Adik na ang mga tao ngayon sa Facebook. Kung hindi mo pa rin alam kung ano ang Facebook hanggang ngayon, hhmmm. Wala ka na sa uso. At kung tatanungin kita kung may Facebook ka at sasabihin mong "Hindi ako nagfe-facebook eh". Mga ilang araw lang o ilang minuto, siguro naglalaro ka na ng Pet Society at laman ng friend request ng mga kaibigan mong may Facebook. Pero paano nga pala nagsimula 'to? Sino o sinu-sino ang may pakana ng dahilan kung bakit hindi ka na gumagawa ng assignment at hindi nakakapag-aral sa quiz niyo kinabukasan?Ayon sa mga nakalap kong impormasyon (naks), si Mark Zuckerberg ang nagpakana ng Facebook noong 2004...