Saturday, August 22, 2009

Malas Ka Nga Ba o Sadyang Tamad Lang?

Total napapanahon naman ang eksams ngayon, kaya ki-kwentuhan ko nalang kayo ng mga di magagandang bagay...(nyeehh)?? Siguro naisip n'yo, bakit sa dinami-dami ng pwedeng ikwento, eh yung di pa maganda? Well, naisip ko din yan ehh.. Mamaya pag natapos ko na toh isulat, dun natin malalaman kung panget ba talaga o kung ano man ang bagay na toh...basta ang alam ko MALAS AKO...,KAMI???Ano nga ba koneksyon ng salitang MALAS at TAMAD???? meron nga ba??? Palagay mo meron ba??? ikaw palagay mo?? kayo dyan???,ano sa palagay niyo?? (pasensya na kayo puro kwestyon? mark) Ako kasi di mapalagay....By the way, (wow! english) pag-usapan na natin ang di magagandang bagay sa linggo ng eksams at ang koneksyon ng salitang tamad at malas sa mundo..(sa mundo??)Isa...

Friday, August 21, 2009

Itay, Sino ba si Ninoy?

Itay, sino ba si Benigno “ Ninoy” Aquino?Tanong ng anak kongDi inabot ang martial lawAnak, sambit kong hawak ang kanyang ulo.Si Ninoy ang simbuloNg Makabagong Pakikibaka ng PilipinoIdinagdag ko pa sa kanyang talinoSi Benig...no ang asawa ng yumaong PanguloAng matiwasay at dakilang Cory AquinoTanong ulit ng makulit kong bunsoBakit ba naging bayani si Ninoy Aquino?Ano bang nagawa niya sa mga Piipino?Mahinahong tugon ko pinagisipang hustoBaka magkamali sa aking pagtuturoMaligaw ko pa siya at di matutoHindi pagbubuwis ng buhayNaging basehan ditoHindi rin ang madrama na buhay nitoNaging bayani si Ninoy sa PilipinoPagkat binuhay niyaDugong malaya sa ugat nitoGinising ni Ninoy tayong mga PInoyDahil tutulog-tulog tayo sa kalagayang di wastoKahit pinatapon...

Eto ang Tunay na Joke.

Ang Pinoy, mahilig sa joke. Kahit hindi nila alam na nagjojoke sila. Basta. Tignan niyo na lang ang mga pictures na nakuha ko sa Facebook ng Definitely Filipinos. (http://www.facebook.com/i.am.filipino)....Eto lang ang masasabi ko - "Heh...

Wednesday, August 19, 2009

Ampogi Ko sa TV! Vote for Me!

Eleksyon na naman. Na naman. Ilang buwan na lang mula ngayon, mauupo na sa trono ang iluluklok ng taumbayan sa mga pinakamatataas na posisyon sa bansa. Aasa na naman ang mga tao sa maaaring pagbabago na ibibigay ng mga ito sa Pilipinas. Aasa na naman sila na mas sasarap na ang pagkaing ihahanda nila sa mesa sa oras ng kainan. Aasa na naman sila na magkakaraoon ng magandang trabaho. Aasa na naman sila na bukas, pagmulat ng mata nila sa umaga, maunlad na ang bansa.Kaliwa't-kanan na ang mga commercials ng mga pulitiko sa TV, sa radyo, sa LRT, sa bus, sa CR, sa internet, at kung saan-saan pa. 'Yung mga nagcocommercial sa TV, hindi ko alam kung anung trip nila sa buhay. Pinagmamalaki nila ang mga nagawa nila sa panahon ng kanilang panunungkulan....

Sunday, August 16, 2009

Best Friend, I Lab You!

Hindi naman ito ang buhay na pinili ko. At lalung-lalong hindi ito ang buhay na pipiliin ko kung papipiliin man ako ng pagkakataon. Kaso minsan, hindi ko rin masabi. Naging masaya naman ako, kaso hindi ko rin naman maiwasan 'yung masaktan. Kaso ganito talaga ang buhay. May dahilan ang lahat nang mga nangyayari, at naniniwala ako sa kasabihan na 'yan.Corny man sabihin, pero iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa isang tao. At para sa'kin, ang pag nagmahal sa isang tao, mahal man siya o hindi, dapat hinding-hindi niya iisipin na mamahalin din siya ng taong minamahal niya. 'Yun ang kaso ko, mahal ko kasi siya. Siya naman mahal 'yung kaibigan ko. At 'yung kaibigan ko, may mahal ding iba. Ang gulo nga eh. Pero eto ang buhay na binigay sa'min ng...

Sunday, August 9, 2009

Ang Paborito Kong Guro *Bow*

"Masyado na yata kayong matatalino. Your impersonating persons. From now on, there will be no discussions. Kokopya na lang kayo tapos quiz na!"Sabay walk-out.Sabi 'yan ng Prof namin 'nung isang araw nang mahuli niya 'yung ilan sa mga kaklase ko na nag-iimpersonate ng mga Prof. Galit na galit talaga siya sa'min. Pero ramdam ko na karamihan din sa'min, nakaramdam din ng galit - hindi sa Prof namin na nagalit sa'min - kundi sa lahat ng mga Prof namin ngayon na hindi namin alam kung gusto ba nila kaming matuto o gusto lang kami pagtripan.Bayani ang mga teachers. Walang duda 'yan.Pero hindi talaga maiiwasan na mapunta sa section niyo ang ilang mga teachers o Professors na pinanganak lang yata sa mundo para asarin kayo, turuan magtiklop ng brief...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr