Wednesday, June 10, 2009

Siya ang Idol Mo, Hindi Siya!

Naisip ko lang, ano nga ba ang basehan ng isang tao para masabing gusto niya ang kung sinumang nakikita niya sa TV?Napanood ko kanina sa balita na marami sa mga tagasubaybay ng isang sikat na koreanovela ang gumagaya sa mga hairstyles ng mga bida nito. Marami din ang bumibili ng mga pictures, gumagawa ng fansite sa internet, mga kunong friendster account ng mga artista, nagsesearch ng kung anu-ano sa kung saan-saan, malaman lang na walang girlfriend o boyfriend 'yung paborito nilang celebrity. Ang tanong tuloy, idol mo nga ba talaga 'yung mga artista na yun, o 'yung mismong papel na ginampanan nila sa isang palabas kung saan mo sila unang nakilala?Una kong naisip 'yun 'nung minsan akong naging adik sa Koreanovela na Spring Waltz (palabas 'yun...

Thursday, June 4, 2009

Back-Backan-to-School

Muntik ko nang makalimutan. Nagsimula na nga pala ang pasukan. Hindi ko naramdaman dahil kakabakasyon ko lang mula sa summer class namin (kung bakit ako nag-summer ay secret ko na yun hehe). Pero sa totoo lang, 1 month ago na mula nung natapos 'yun, pero feeling ko kakadismiss pa lang ng klase namin. Siguro dahil hindi na ako elementary o high school na nasasabik sa unang araw ng eskwela.Nakakatuwa at nakakaasar ang paligid kapag nagkakaroon ng back-to-school fever, lalo na sa mga bookstores kung saan hindi ako makapagconcentrate sa mga binabasa kong libro sa "no private reading please" section (kung bakit naman kasi napakamahal ng mga libro). Kalat-kalat 'yung mga notebooks sa mga shelves tapos sasabayan pa ng nakabusangot na mukha ng mga...

Tuesday, June 2, 2009

Hana Meteor Over Flowers

Alam naman kung ano ang simula.Alam naman kung sino ang magkakatuluyan.Alam naman kung sino ang mga sangkot sa love triangle.Alam naman kung sino ang magkaka-amnesia.Alam naman kung sino ang humabol sa bus.Alam naman kung ano ang mga pagkatao ng mga bida.Alam naman kung ano ang magiging takbo ng istorya.Eh bakit adik pa rin ang nakakarami sa nireincarnate na Manga series na Hana Yori Dango?Ang Hana Yori Dango ay isang manga series na nilikha ni Yoko Kamio ng Japan noong 1992. Si Yoko Kamio ay.. ay.. ahmm.. isang.. ahm.. Manga artist (search niyo na lang). Bumenta nang bonggang-bongga ang nasabing manga at nagkamit ng maraming awards sa Japan. Naging mabenta ito sa Europe, America, at Asia. Kahit ako, na-hook sa nasabing palabas. Kinalaban...

Pages 381234 »
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr