Chocolate Cream Chip, Mocha Frappe at kung anu-ano pang flavors ng kape. Yan ang makikita mo sa Starbucks. Itinuturing ng marami na pambansang kapihan ng bayan. Parang kabuteng nagsulputan sa iba't ibang parte ng bansa. Tinalo pa nito ang ilang mga malls at fast food chains. Para bang naging adik sa kape ang buong sambayanan. Mabilis pa sa ihip ng hangin na gumastos ng mahigit 100 pesos para sa isang Grande iced coffee. Sa halip na gastusin ang nasabing halaga sa ibang mas importanteng bagay ay nagpapakalunod ang karamihan, not to mention call center peeps, sa isang baso ng kape.
At hindi yan kape ha! Yan ay ayon sa mga social climber na estudyante. "Starbucks is not coffee. They are ground beans with processed chocolate and skimmed milk" Pero kung susuriin mo naman, ano nga ba ang laman ng iniinom nila? Hindi ba't kape! Starbucks is coffee. Period. No erase.
Matalino ang sinumang nagdala ng Starbucks dito sa ating bansa. Pumatok talaga ang marketing strategy. Isipin mo naman, ang isang tipikal na pinoy na gustong magpakasosyal, pupunta doon at oorder ng kape. Uupo sa gilid na kung saan ay makikita siya ng maraming tao na walang pangkape. Aantayin tawagin ng barista ang pangalan nya. Kukuha ng napakaraming tissue paper bilang souvenir. At siyempre, matagal nyang sisipsipin ang kape para mafeel ang ambiance ng sikat na coffee company.
Wala akong galit sa Starbucks. Sinasabi ko lang ang aking point of view tungkol sa paanong ang isang kapehan ay nagawang baguhin ang isang tipikal na pinoy.
16 comments:
haha..ang sarap sna ng starbucks kso ang mhal lol. San Mig coffee n lng ak. hehe
hehe...oo nga msarap nga. mahal nga lang at mdyo matami pero sulit naman kahit papaanol.. sana magkaroon ng Starbucks instant coffee para ako na lang mgttmpla.. ehehe
pede rin po..ayos!
Mag-nescafe ice na lang tayo.. 40 lang.. hehehe.lol
^ one moment.one nescafe
o kya..San ig coffee n lang.. baka maging kamuka pa natin s piolo.. hahaha
bakit kaya andaming photo sa friendster (at hindi lang pala sa friendster) ang nagkalat na me taong nagpipicture tapos umiinom ng kape sa starbucks?
ano ba meron sa kape ng starbucks? magmumukha ka bang mayaman kapag umiinom ka ng kape dun o may picture ka kasama ng plastic cup nila?
maiinggit kaya ang ibang tao sa mga taong may picture sa starbucks? gagayahin din kaya nila ito at magpapapicture din sila habang nagkakape dun?
bakit kaya wala pa kong nakikita na picture sa friendster na umiinom ng siya Nescafe 3 in 1 at sosyal na sosyal ang pose? o kahit kapeng barako tapos proud na proud pa siya sa pagtimpla niya ng Cafe Puro habang nagbabasa ng diyaryo at kumakain ng tinapay?
eh feeling sosyal kadalasan pagumuinom ng starbucks habang ngpapapicture tapos sabay upload sa friendster, multiply, tagged, facebook, wayn at kung san san pa..
kanya kanyang trip na lang yan..
eh baka gusto lang nila ng planner...
eh tapos n ata yung promo ng planner eh.. tuwing pasko lang yun at bagong taon..
naging status symbol na kasi. kaya ayan. parang pag nag starbucks ka, feeling nung iba, "cool" at "sosyal" na sila. :|
mi kakilala ako, short lang palagi ung binibili. tas pag nakabili, sauce. todo picture si ineng. ganun na ba talaga ang tingin nila sa starbucks?
ganun n tlga ngyon. bastat may sofa, tall imbis na large, at imported na kape, pang sosyal n yun.
bagay ang starbucks kung gusto mong magmukang mayaman kahit wla kang pera..
ewan ko sa iba para saken kasi its a form of pleasure.. after ng magulo at stressful na work nakapagbigay sha saken ng bliss ;p
isang beses pa lang ako nakakapasok sa starbucks, libre pa ng teacher ko. nakakapagbigay nga siya ng bliss, lalo na pag libre hehe
hindi naman masarap ang kape sa starbucks.. sosyal lang talaga.
hindi naman masarap ang kape sa starbucks.. sosyal lang talaga.
Post a Comment