Sunday, January 18, 2009

Ngiting Pinoy

Andaming problema ng 'Pinas. Maraming walang pera, maraming walang makain, maraming walang masuot. Pero dahil Pinoy tayo, ang mga problema na mismo ang naaasar sa'tin dahil hindi natin sila pinapansin.

Sabi ng mga teacher ko nung high school, ang mga taga-ibang bansa daw, kapag may malalaki silang problema (gaya ng pagkakaroon ng sipon at pagbagsak sa Math), kumakagat na agad sila sa banal na sakramento ng pagpapatiwakal. Para bang, "konting saksak, ayos na!". Samantalang ang mga Pinoy, murahin man ng inutangan, bumagsak man sa school, maholdap, manakawan, madapa sa harap ng crush, madapa sa beauty pageant, bastedin ng pinagpapantasyahan, mapatalsik man sa trabaho, super ngiti pa rin. Syempre, may kaunting lungkot pa rin, pero mga ilang segundo o minuto matapos maranasan ng Pinoy ang masalimuot na parte ng buhay na pinaranas sa kanya ng tadhana, asahan mo, tatawa na 'yan.

Ilang beses ko nang napatunayang masayahin talaga ang mga Pinoy. Nung isang araw lang, bagsak ako sa midterm grade ko sa Math. Sa una, nanghina ako. After 45.32 minutes, paglabas ng prof, kanya-kanyang batuhan na ng asaran ang mga classmates ko, at syempre pati ako. Sa tingin ko, Pinoy lang ang nakakapagsabing "Wahaha! Tres ako sa Math!", "Ilan ka? Ako 3.33, ang taas noh?! Hahaha!."

May mga nakita akong pictures sa internet ng mga Pinoy na sa kabila ng mga natitikmang mapapaklang putaheng hinanda ng buhay, todo smile pa rin sila. (Salamat kay Mykl Mabalay, Mark Wendell, Jeridaking at sa The Philippines Pool ng Flickr.)




Oh di ba? Ang sarap talagang ngumiti ng Pinoy. Walang tatalo. Kaya nga siguro maraming dayuhan ang pumupunta dito sa bansa dahil sa kasiyahang bumabalot sa planeta ng Pilipinas. Nakakalungkot lang dahil may mga nabasa ako sa isang blogging community na maraming mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa ang hindi kayang ipagmalaki na Pinoy sila, ang masama pa, itinatakwil nila ang pagiging isang astig na Noypi. Malas nila. Hindi nila alam na ang itinatakwil nilang lahi ay ang lahing walang ibang bisyo kundi ngumiti at maging masaya.

Tawa na!

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr