Tahimik ako'ng nagmumuni-muni sa kaligayang nadarama ko ng biglang umalingawngaw sa ere ang isang kanta:
"Pano na kaya, di sinasadya, di kayang magtapat ng puso ko
bakit sa dinami-dami ng kaibigan ko, ikaw pa?"
Gusto ko'ng murahin ang may likha ng ingay na yun dahil naistorbo nito ang pagmumuni-muni ko ngunit agad ko'ng napagtanto na mula pala iyon sa aking cellphone. Noon ko lang naalala na nagpalit pala ako ng message alert tone.
Agad kong dinukot sa aking bulsa ang telepono at binasa ang mensahe.
"Boy: Miss pahiram naman ng pen mo saglit lang pls?
Girl: ok
Boy: nyay ayw nmn sumulat o?
Girl: Pwd yn, kkgmit ko lng nyan knna eh
Boy: Weh! cge nga sulat m nga # m?"
Oha!
Isang text message mula aking officemate. Tungkol sa kung pano dumiskarte ang isang lalaki sa babae.
May fighting spirit kumbaga ang isang taong kaya yang sabihin sa harap ng isang babae. Pero iba ang kaso sa isang torpeng pinoy. At ang lesson natin ngayon mga bata ay tungkol sa isang torpeng pinoy!!!
Para sa akin, may apat na uri ng torpeng pinoy. At ito ay ang mga sumusunod:
1. Mr. Shyguy - di gaya ng mga taong singkapal ng aspalto ang pagmumukha, mahiyain ang torpe sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa kanyang napupusuan.
2. Mr. Pipi - magaling sa communication skills pero biglang nawawala ang dila kapag kaharap ang kanyang lihim na minamahal. Kulang na lang na pati ang tonsil ay malunok dahil sa di pagsasalita.
3. Misteryoso - dahil may pagka mr. shyguy din, dinadaan ng mga ganitong tipo ang pagpapahayag ng kanilang damdamin sa mga sulat at text. Gamit ang alias ng
"Mr. Right", "RockyRoad", "Dudung" atbp, nagpapadala sila ng mga love quotes o love letters sa kanilang mahal.
4. Mr. Stalker - lihim na sinusundan bawat galaw ng kanyang minamahal. Alam lahat ng schedule of activities. Para bang si big brother. Laging updated.
Kaya ang isang torpe, gaano man kagaling sa academics o trabaho, matalino man o may yaman, pag nanatiling torpe, siguradong parang coke ang lovelife: zero. Natural alam ko, dati rin ako'ng torpe. :)
Monday, January 19, 2009
Torpeng Pinoy
4:49 PM
ArAr
No comments
0 comments:
Post a Comment