Friday, January 30, 2009

The Love Blog: Part 1

Nag-iisip ako ng kung anung pwede i-blog habang magkausap kami ng kaibigan kong problemado sa love life niya. Tapos naisip ko, "blog tungkol sa pag-ibig, kaya ko ba 'yun?"


Nung fetus pa lang ako, nagtataka na ako kung ano bang meron sa pagmamahal sa isang taong hindi mo naman kaanu-ano at gustong-gustong gawin 'yun ng napakaraming tao? Bakit ba para silang tanga na umiiyak dahil "iniwan" sila ng mga karelasyon nila. Bakit ba ganoon na lang masaktan 'yung bida sa telenobelang pinapanood ko dahil sa alam niyang walang gusto sa kanya 'yung taong pinagpapantasyahan niya. Bakit may holding hands at bakit may kissing scenes na kelangan takpan ko 'yung mga mata ko dahil "censored" daw 'yun. Wag mo naman ako sabihang baliw, pananaw ko lang naman 'yun nung bata pa ako.

Hindi ko alam kung paano nabago 'yung mga pananaw ko, pero isa lang talaga ang natutunan ko, maraming nababago ang pagmamahal sa buhay ng isang tao. Maraming-marami. Tingin ko nga, kaya may mga mental hospital at rehabilitation centers e dahil may mga sobrang mapagmahal sa mundo.

Ano nga bang punto ko?

Wala pa akong first love, at sa libo-libong di maipaliwanag na dahilan, ipinagpapasalamat ko 'yun. Kanina lang, kausap ko 'yung kaibigan ko. Hindi daw niya alam kung bakit ba niya minahal 'yung taong hindi naman siya kayang mahalin. Tapos humirit na siya ng mga pamatay na banat gaya ng "Nagtataka ako Eych kung bakit pa hinayaan ng Diyos na makilala ko siya e ang Diyos din naman ang author ng buhay ko, dapat niligtas na lang niya 'yung sarili niyang bida." Sabi ko sa kanya, "Syempre magaling pa kay Bob Ong si God, masyado siyang magaling na author kaya hindi mo mahuhulaan 'yung mga next scenes. Wag ka kasi mainip, pero wag ka din maghintay." Hindi ko alam kung pano niya tinanggap yung sinabi ko na yun, mahirap kasi magsalita pag wala kang alam.

Basta ang alam ko, pag nagmahal ka, wala ka dapat reklamo. Hindi mo dapat kinukwestyon ang kung sinuman para lang ma-satisfy 'yung tanong mo na "Bakit ako nasasaktan ngayon?".

Pasensya na, broken hearted kasi yung nakausap ko. Pero sa part 2, siguro matino na 'yung mga sasabihin ko. Abangan na lang ang sequel ng blog na 'to. Inaantok na kasi ako. =)

4 comments:

Anonymous said...

haha.aus s blog aa?ganda.makes sense.=)
cnu ba gumawa ng blog na toh?kakonchaba mu ba c bob ong?=))

Eych said...

salamat.. c bob ong? naku eh di dapat dinumog na ang pedxing kung may kinalaman sya dito.. hehe.. kung cnu-cno lang gumagawa ng blog dito, pwede ka din.=)

Anonymous said...

Hello. And Bye.

Anonymous said...

huh. informative thread )

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr