Nakasakay ka na ba sa lumilipad na Jeep? Eh sa jeep na may sariling disco? Kung oo, patok ka boy!
Araw-araw akong sumasakay ng jeep. Sabi nga ni Bob Ong, ang pagsakay ng jeep ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy. Kasing karaniwan nito ang pagligo, pagkain, pagtulog, paglalakad, pag-iisip at pakikipagkwentuhan. Pero, ibang jeep ang tinutukoy ko. Ibang-iba.
Mabilis, pumapalo, lumilipad. Yan ang mga "Patok" na jeep na gustong gustong sinasakyan ng mga kabataan, mga estudyanteng late na ng 3 oras sa klase, at mga kaibigan nating ilang minuto na lang, sisante na sa trabaho. Ito yung "Formula One" na sinasabi ni Bob Ong. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nila yung mga ganitong klase ng jeep.
Lagi na lang natatapat sa'kin yung mga jeep na 'to. Kahapon lang, nagtagpo kami. Hot na hot 'yung driver. Kasabay ng paglipad niya sa kalsada ang dumadagundong at ikasisira ng mundo niyang mga sounds. Isipin mo, lumilipad na ang jeep na sinakyan mo, nagba-vibrate pa yung pwet mo dahil sa "Low" at "Big Girls Don't Cry" ni Manong. Kahit anong gawin mong kapit, hindi uubra. Nalaglag nga 'yung baga ko, pero buti na lang nasalo ng katabi ko kaya naitype ko pa tong blog na 'to. Instant roller coaster.
Masaya naman sumakay dito, lalo na kapag kasama mo 'yung mga kaibigan mo na katulad mo eh takot din, pero patuloy pa din silang sumisigaw ng "Whhoooh! Ang saya! Yeah!".
Tip: Kumapit ng mabuti, pumikit kung kinakailangan, magdasal. Hindi mo alam, baka pagdilat mo, naghanda na ng Welcome Party para sayo si San Pedro at mga kabatak niyang angels.
Saturday, January 24, 2009
Patok na Patok!
8:02 AM
Eych
3 comments
3 comments:
This is the Parang-Cubao-Stop&Shop Route, if you want some thrill ride there...
eh bka naman dumeretso n ko ng sementeryo nyan dhil sobrang bilis silang mgpatakbo..haha.. joke..
ayos yun diretso ka sementeryo, makipag-inuman ka na kay san pedro. hehe!
Post a Comment