Sa napakaraming dahilan, ayoko ng Math.
Nandito ako ngayon sa computer shop sa loob ng school namin (na minsan ni-raid dahil sa dami ng nagdodota, pero ngayon, under new management na ito. At ang bagong may-ari? Isang lalaking english ng english, kaya siguro lumuwag ang dati'y hindi mahulugang karayom na computer shop). Katatapos lang ng Math subject namin. At sumasakit ang ulo ko ngayon at may mga espirito pa ng mga numbers at X and Y akong nakikita sa monitor. Whhhhoooohhhhh!!!
Accounting ang course ko. Pero bago ka mag-react, gusto ko lang malaman mo na hindi Math ang Accounting, kundi English dahil kelangan e malawak ang kapangyarihan mong mag-analyze ng mga business transactions na nakasulat sa english. 'Yun ay sa tingin ko lang naman, wag ka nang umangal, blog ko naman 'to! At kung bakit ayaw ko ng Math? Ayoko sa X at Y, ayokong maghanap ng nawawalang value, ayokong maglaro ng numbers, ayokong paikutin ang maliit kong kokote sa mga bagay na alam kong hindi ko naman magagamit kapag namelengke ako. (Pabili nga po ng 3x-y na patatas at 567x + 45y-3 kilos ng baboy.) Sh**.
Kanina lang e nag-seatwork kami, 30 minutes kelangan sagutan ang binigay na tanong ng Prof namin. Hindi ako natuwa, at agad akong nabalisa. Gusto kong matutong mabuti, gusto kong malaman kung paano nakuha ng Prof namin ang sagot sa mga inimbento niyang examples, at gusto kong malaman kung bakit nangyayari ang mga ganooong bagay sa mundo ng Math. Pero hindi ko talaga magawang mahalin ang naturang subject, masyado akong madaming inisip, hindi man lang pumasok sa utak ko kung paano ko sasagutan ang seatwork na 'yun. Ginawa ko pa rin ang lahat at nagsolve kahit alam kong imposible ang nakuha kong sagot - wag lang umalis sa tabi ko ang konsensya kong insultong dumadamay sa mga katangahan ko sa buhay.
Algebra. Trigonometry. Geometry. Calcu - f***! Pinakikinggan ko pa lang ang mga branches ng "paborito" kong subject, bumabaliktad na agad ang buong sistema ng katawan ko - ganyan ko kamahal ang Math!
Pero tanong lang ulit, mahirap nga ba talaga ang Math? O sadyang bobo't tanga lang talaga ako? (Pwede both?)
Magaling ka ba sa Math? Ako, oo! Joke ko lang naman ang lahat ng nakasulat dito. Gusto mo ebidensya? Alam ko ang value ng pi - 3.14151617.
To My Math Professor,
Mali po 'yung no. 7 ko, dapat po minus sign 'yun. Give considerations, naging estudyante din po kayo.
Eych
Tuesday, January 6, 2009
Favorite Subject: Math
1:07 PM
Eych
3 comments
3 comments:
waaah.. isa rin aqng estudyante.. BS Education major in math.. La aqng mkitang mhirap s subject cguro, mgling lng aq mg-analyze.. (yabang)pero mas gu2stuhin q tlga ang math kesa s npkhbang history n ndi q tlga maintindihan!! hehehe..
PUPian ka dude?? sinu prof mu sa math?? hehe mayabang tong si roeanne...
oo PUPian to.. hehe.. c Prof Hilario.. mabait naman siya.. hindi lang talaga mabait yung subject.. hehe
Post a Comment