Naisip ko lang, ilang libong Pinoy na ba ang nag-blog ng tungkol kay Bob Ong? Ilang libong tao na ba ang nagsabing "Ang lupet ni Bob Ong! Idol ko talaga 'yun! The best!"? Ilan na ba ang nag-popost ng discussion sa Friendster Groups tungkol sa kung sino ba talaga si Bob Ong, kung ano itsura niya at may nabasa pa ko, 'Pa'nu kung ligawan ka ni Bob Ong?" Ilan na ba sa atin ang gustong makita siya ng personal at ma-kiss? At ilang milyong pagkatao na ba ang tahimik na sumisigaw na "Sana, maging Bob Ong din ako!"
Tama na sa'kin ang mag-blog ng tungkol sa mga libro niya. Hindi ko sana gustong magsulat ng tungkol sa "kanya" mismo. Sa sobrang dami na kasi ng mga bloggers na siya ang favorite topic, ayoko na sanang dumagdag pa sa kanila tapos parehong impormasyon din lang naman 'yung sasabihin ko. Pero ano 'tong ginagawa ko?
Hindi kasi siya tulad ni Dingdong Dantes na na-iissue. Hindi rin siya tulad ng Pangulo na ipinag-rarally ng mga tao sa Mendiola. Walang makapagsasabi kung kasing-pogi niya ba si Piolo o kaya sing-gwapo ni Bentong, bukod sa mga taong itinatago rin ang pagkatao niya. Wala tayong ibang magawa kundi sabihing "Kilala ko si BO! Taga ___ siya! Prof ko nga siya sa ___!" At ang kinakalabasan, nagiging "status symbol" na ang pagkakaroon ng maraming impormasyon tungkol sa kanya na pwedeng-pwede mong ipagyabang at ipagpalit sa isang N-series na cellphone.
Aamin na ko sa mga nalalaman ko.
Sabi ng isa sa mga members ng "Alagad ni Bob Ong" na isang group sa Friendster, isa "daw" siyang Professor sa isang public university sa bansa. Ang tunay "daw" niyang pangalan ay.. ahm.. ahm.. ahm.. **************. Prof nga "daw" siya ng kaibigan niya. Graduate "daw" siya sa *** at ************* "daw" ang course na tinapos niya. Taga *********** "daw" siya at bukod sa mga 'yan e wala na kong alam. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko magawang paniwalaan ang bawat "daw" sa mga impormasyong nakuha ko.
Sa pinakasimpleng statement na kaya kong ibigay, ito lang ang masasabi ko - "Hindi ako naniniwala!". Inaamin ko, nagawa kong ipagyabang 'yung mga impormasyon na 'yan sa mga kaibigan ko. Hanggang sa naisip ko, parang tanga pala ako. Bakit pinaniniwalaan ko 'yung sabi-sabi ng iba at hindi 'yung mismong iniidolo ko?
Walang makapagsasabi kung ano talaga ang totoo. Maaaring tama ang mga detalye na 'yan tapos 'pag nabasa 'to ni BO e ibigay niya ang web address ng Pedestrian Crossing sa NBI at magmakaawang ipakidnap ako sa Abu Sayyaf. Pero sa totoo lang, walang kwenta ang pag-alam natin sa kung sino ba talaga siya dahil desisyon niya mismo ang paglantad bilang Bob Ong-isang pangalang walang anino, tago ang pagkatao. At ang tanging magagawa lang natin bilang mga taga-hanga niya e mabuhay, kahit kaunti, bilang Bob Ong - bilang isang halimbawa ng isang tunay na Pinoy.
May moral lesson dito. hanapin mo. *tawa*
(Pag-kaabalahang basahin ang "Bobong Pinoy for Dummies" sa website na ito para sa iba pang katotohanan.)
Saturday, January 31, 2009
Ang Tunay na Pangalan ni Bob Ong ay...
8:41 PM
Eych
38 comments
--
Update:
Inalis ko na ang nadawit na pangalan. Sorry sa pagkakamali ko. Sorry.
38 comments:
Ernesto Buenaventura daw? Baka nga, malay natin. Wala kasi nakakakilala sa kanya e
sabi nila artista daw yun? totoo kaya yun?
Artista c bob? Ewan. Puro ewan na lang yung kaya nating isagot. hehe. Panu kaya pag babae pala talaga siya? hehe.
manda yang sinasabi mo dito. at alam ko ang moral story.
pero sympre. d lang si bob ong ang pwede nating suportahan o tangkilkin, marami pang pilipino writers para maging idolo at para maging inspirasyon..
hehe promking, kita mo yung moral lesson? galing! *palakpakan* hehe... support natin si idol ha!=)
brav0!!
un Lng..
salamat, sana magpakita na si pareng BO. hehe
oo nga! hehe
eh kaso nga lang d na ganung kaexcitng kung nagpakita si bob ong.. kaya mas ok dn yung d nati sya kilala. pero pwede n rin yung kahit likod lan nya.. tingin nyo.. hehe
well. let's just respect his privacy. maybe it's what he wants. and with that, all we can do is to wait until he gets tired of hiding behind his name B.O. and eventually reveal his true identity to us - his fans... ayt??
yes yun nga ang ibig kong sbihin.. hayaan na lang muna natin c BO. hindi natin siya mapipilit kahit na anu pang gawin nating pagtatumbling. malay natin, magkapatid pala si Big Brother at BO kaya pareho sila ng trip. hehe
hi i am a fan of BOB ONG and i never tot na ill be able to mit him... ndi ko sya nkilala persoanlly but a friend of myn told me na sya nga daw yun.. and as i listened to what he's saying... gravehhh.... naniwala na ko.. sa speech pa lang bob ong na!!
he's my professor this semester and i am totally convinced that he's BOB ONG. You'll never believe the gossips unless you yourself will hear him speak in front of you. plus, when we ask him, he simply smiles and says, "there's what we call a contract to remain silent". he's amazing. a living legend. :)
WOW. di nga? prof mo xa??? astig. pakabait ka sa kanya ha? hehe. salamat! :)
nbsa ko din ung info na nabanggit mo. weee. ehh. mei nbasa din ako na singer sya. isa sya sa salbakuta. kaya wala akong pinaniniwalaan sa mga nbabasa sa internet 'bout sa kanya. hays. ba't kc ganon c BO. yaw pa lumantad :<
ang pinakamasaklap ng trahesya na pewdeng pagdaanan ng mga pilipinong writer na sumusulat sa pamamaraang impormal,mat matututunan,may kurot sa singit,may kiliti sa pituary glands,at may kalabit sa puso ay yung minsan'y masabihan ka na "para kang si bob ong kung magsulat gaya gaya ka ba?"
kaibigan hindi lang si bob ong ang may karapatang humawak ng papel at panulat marami pang magagaling na pilipino kadalasan tago
kilala ko si bob ong. personally. creative writer siya. 3 ang bachelor's degree nya sa UP, 1 masters, and ongoing doctorate student. ilang beses ko naman nakakwentuhan yan, nagsusulat talaga yan, hindi lang naman bob ong ang pangalan nya dahil marami pang sinusulat na libro yan hindi lang nya ginagamit yung tunay nyang pangalan. puro pilipino textbook, research, script sa tv, at kung anu ano pa.
sana yung author ng blog wag seryosohin na ayaw nya talaga magturo sa eskwelahan dahil katulad nga mismo ng sinabi ng blogger, focus on the message, not on the identity. period.
para sa author ng blog, pakibura na yung pangalan na nakalagay. salamat.
Mas naging katanggap-tanggap sana ang "blog" mong ito kung nilagyan mo ng kaunting KAHIHIYAN o RESPETO ang sarili mo. Anong sinasabi mong "Aamin na ko sa mga nalalaman ko."? Hindi lahat ng naiintindihan mo ay tama at hindi lahat ng hindi mo maintindihan ay mali. Nagmistula kang "Sound Recorder" ng isang alagad ni Bob ong sa Friendster na sinasabi mo. Para kang malaking lobong (balloon) nagyayabang pero ang hangin ay iba nman ang pinagmulan!
Aminado ka na nagmukha kang "TANGA" noon nang ipagyabang mo ang isang pangalang hindi mo tiyak kung si Bob Ong nga o hindi, pero hindi ba't katangahan pa rin ang ginawa mo ngayon na sa amin mo naman ikinalat ang pangalan niya? Parehong istorya, ibang karakter.
Itinuturo mo ang isang tao nang walng sapat na basehan (Ano ka? MAKAPILI?!. Dapat sana'y itinago mo muna ito sa iyong isipan hanggang dumating ang panahong mapapatunayan mo na ito'y totoo.
Hindi naman tuluyang ipinagdamot ni Bob Ong ang kanyang sarili. Hindi mo lang siguro makayanan ang abstraktong mundong kanyang ginagalawan kaya pilit mo syang nilalagyan ng pagkakakilanlan.
Ang mga Pinoy talaga, kung minsan, BOBO kung mag-isip. Nagtatago na nga sa telon ang may-akda dahil ayaw magpakita ay pilit pa ring sinisilip na para bang "Bold star" sa tabloid. Kahit kailan, hindi mapupunan ninuman ang kasakiman ng isang nilalang.
Totoong nakatitik nga sa isang libro ni BO na "hindi niya gugustuhing sa eskwelahan pa rin ang babagsakan niya" pero ang tao, tulad ng wika, ay buhay at daynamiko. Lumalago, nababawasan, nadaragdagan, at nagbabago. Huwag mo sanang ikulong ang iyong sarili sa iisang libro dahil iba-iba ang mga karanasan, emosyon, at kaisipan ni Bob Ong sa bawat maglikha niya ng libro.
Tandaan mo na bago pa man niya yakapin ang pagiging Bob Ong ay may buhay na siyang ginagalawan at magpahanggang sa ngayon, ito'y lalong nagiging makulay.
Dalawang bagay na lang siguro ang magagawa mong tama: una, burahin mo ang pangalang idinawit mo at ikalawa, pangalan mo ang ipalit mo sa tatanggalin mong pangalan.
Nagmamahal,
IKAWALO
P.S.
Ang pinaka-ayaw ni Bob Ong ay ikinukoulong sya ng ibang tao para maging patok sa panlasa nila.
WOW!!! I LOVE BOB ONG! Tama po ung comment sa itaas. If I were BO, hindi ko siguro magugustuhan if ever may mag.reveal ng bagay na tinatago ko. lalo na without my permission. wala nmang napala si eych eh. well, let just hope na gawin nya ang tama, at least.
I LOVE BOB ONG!!! MORE POWER
hehehehe... ang haba ng counter statement nung isa dyan ah... nice point. tol!!!
naiintindihan ko po ang punto ninyo at nirerespeto ko po ang opinyon ninyo. pero paki-basa po ng mabuti yung blog bago po tayo mag-sabi ng kung anu ano. salamat po.
salamat din sa pagbasa. :D
IKAWALO:
*Binasa ang Blog...
*Nag-isip...
*Binasa ulit ang Blog...
*Kumain...
*Binalikan ang Blog...
*Nag-isip...
*Nakatuog...
*Nagising dahil sa bangungot ng Blog...
*(May hawak ng Diksunaryo) Pilit inintindi ang Blog
*Nagbanyo...
*Nakatitig sa Blog...
*Iniwan ang Blog...
anong meron? naguguluhan ako. Tama ba ang layunin ng pamagat mo?
nyek... naiba na ang topic dito ah...
hehe ewan ko. hindi ko na maunawaan. wala akong babaguhin sa blog KO dahil wala naman akong masamang intensyon.
XD oo.22ong professor c bob ong, at xa nga ay prof s isang public univ.! msasabi qng isang tunay na magaling at napakahusay na manunulat ni bob ong. pati nga ang pabalat ng aming libro sa Filipino ay xa pa ang gumawa, gamit ang kanyang tunay n pangalan.
totoong prof si ernesto buenaventura. prof ko siya ngayong semester. hindi sa public university private naman. ewan ko lang kung siya si BO...baka..hahaha
prof. daw sya sa feu ngyon? one time narinig ko yung dalawang nag-uusap na magkaibigan sa fx. isang taga feu AT benilde.yung guy na tga feu daw eh may prof.sya sa filipino na Ernesto buenaventura.sobrang galing daw magturo at ang lalalim pa ng mga salita..at grad. daw sa UP eh, malay naten sya na nga cgro si BO.:)
chismis...hindi sya yun.
i know him.. yung friends ko sa university kung san sya nagtuturo,dun sila nag aaral. nakita ko na rin sya. sa picture nga lang.:)
IKAWALO - maaaring ito ang iyong ginamit na pangalan. pero alam ko na ikaw si bob ong. kilala kita sa personal, at alam ko ganyan ka talaga. nice comment. ;)
Di naman importante kung ano ang totoong identity ni BO. Ang mas mahalaga, yung mga sinulat nyang tumatak sa 'ting mga pagkatao. Sapat nang pagkakakilanlan yun.
ahm...wala lang.
napadaan lang.
:)
Inalis ko na ang nadawit na pangalan. Sorry sa pagkakamali ko. Sorry.
ang kyut...hehehehe...parang nagtatalo na ewan....Tama yan eych..Tingin ko wala ka ring ginawang mali..:-)
prof ko po si bob ong. at naging prof din sya ng kuya q. inamin niya daw na sya talaga. pero wag lang daw ipagsasabi. marami-rami na rin ang may impormasyon sa tunay niyang katauhan. lalo na po sa university namin. un lang po.
prof po namin c mr. ernesto buenaventura ngaun... pero di namin sure kung xa c bob ong.!
Kung ako sa inyo enjoyin nyo nalang ang mga libro ni Bob Ong, kung malalaman nyo ba kung sino sya/sila e may mangyayari bang maganda?
sa mga tigahanga ni Bob Ong , katulad ko nagsearch din ako kung sino ba talaga si Bob Ong. marami akong nakitang mga blog na nagsasabi na etong taong to si Bob Ong, dito sya sa lugar na ito nagtuturo at iba pang impormasyon na minsan sigurado sila at ung iba naman may daw. Pero habang tumatagal, nababasa ko ang mga impormasyong ito.. I came to realized that why should i search for his/her true identity.. parang maganda naman kung i just leave it the way that he/she wanted to.. parang mas ok na through his/her works naiinspire nia ang libo-libong tao.. at ung iba panga dun mga foreigners.. sabi nga ng dating teacher ko sa highschool, ang gusto ng mga authors ay maglakbay ang kanilang mga akda kahit mawala na sila dahil para narin silang naglalakbay at habang buhay na nagbibigay insperaryon sa maraming tao :)) kaya mas maganda kung wag nanatin hanapin ang true identity nia lets read and let his/her work be our inspiration in life :)
-Ria
Post a Comment