Wednesday, January 20, 2010

I Love You Babe, Dota Muna Ko

Hindi ko alam kung ano ang meron sa isang computer game na kinaaadikan ng halos lahat ng mga kalalakihan sa section niyo at pinagseselosan naman ng mga girlfriends nila. Hindi naman cute ang mga characters 'dun, mga mukha namang impaktong emo. Nauso na din 'yun dati 'nung high school ako, alam ko nga nawala 'yun sa uso pansamantala tapos sumulpot na naman bigla.

Andaming puyat. Andaming break-ups. Andaming walang assignments. Andaming bagsak sa quiz. Andaming wala nang pera. Andami nang pangit na pagmumukha sa mundo - at ang lahat ng 'yan, kung hindi ako nagkakamali, ay dahil sa DoTa, na ang ibig palang sabihin ay "Dito Okay Talaga Ako" ay mali, "Defense of the Ancient" pala.

Dahil din dito, halos lahat ng mga sections sa school e may samahan na tinatawag na "DoTa Boys", iba-iba nga lang ang pangalan pero ganun din ang concept ng grupo nila. Pero minsan magkakamukha silang lahat. Sila 'yung madalas na sagot sa dasal ng isang paluging computer shop at paminsan-minsan e bumabakante sa mga upuan sa classroom, pero may attendance sila. Madalas silang magkakasama. Damayan sa oras ng problema. Magkakasama sa imbahan. Samahang hindi matatawaran.

Pero pag-usapan muna natin ang meyjor epek ng Dota - ang pagkasira ng mga relasyon. 'Pag ang boypren mo e adik sa Dota, hindi lang basta pasensya ang kelangan mo, kundi PAAAAAAAAASSSSSSSSSEEEEEENNNNNSSSSSSSYAAAAAAA. Ganyan kahaba. 'Yun tipong kahit halos isang dekada na kayong hindi nagkikita dahil busy ang boypren mo sa business niya, dapat e hindi nawawala ang pasensya mo sa kanya. Matuwa ka na lang na Dota ang kinaaadikan ng boypren mo at hindi mga babae. Pero 'wag ka na masyadong magtaka kung may nagbabago sa mga kilos at pananalita niya. Tulad ng "Mahal kita, imba," "Sir, date na tayo," "Wag kang mag-alala, ikaw lang ang mahal ko. Mga sabaw sila," o kaya "You're so beautiful honey, you're Godlike." - na pinagmalaki naman ni girlfriend sa mga kaibigan niya. "Girls, Godlike daw ako sabi ng boyfriend ko, answeet no!"

Pero tingin ko test din 'yun sa katatagan ng isang relasyon. 'Di ba mas maganda na sa kabila ng pag-kaadik niya sa Dota, ikaw pa rin ang gusto niyang makasama? Hindi naman kasi lahat ng nagdodota e wala ng pakealam sa iba o mas importante ang paglalaro nila kesa sa girlfriends nila. Loyal din naman sila, at siguradong mahal ka. (Bayad na paragraph.)

Sa pag-aaral naman, hindi rin maganda ang epekto nito. Minsan umaabsent ang mga Dota Boys para sa isang magandang larong nag-aabang sa kanila sa shop (pero hindi naman lahat, hindi naman kasi umaabsent 'yung mga Dota Boys sa classroom namin hehe). May mga nakakatulog habang nagdidiscuss ang Prof o teacher, may mga assignments na hindi pa nagagawa at mga quiz na nairaraos sa sulyapan. Sabaw.

Hindi naman masama kung adik ka sa computer games tulad ng Dota, basta alam mo lang kung paano mo ilulugar ang pagkaadik mo. Parang isang bisyo na rin kasi ang dota - sobrang nakakaadik gaya ng shabu, ecstasy, marijuana, rugby, sigarilyo, alak, babae, at Hany chocnuts. Unahin mo muna ang mga mas importanteng bagay kesa sa mga bagay na aliw lang ang kayang ibigay sa'yo. Mag-aral ka muna nang mabuti, maging mabuting asawa, boyfriend, anak at kaibigan. 'Wag mong ipagpalit ang oras mo sa lahat ng 'yun para lang sa isang larong keyboard at monitor lang naman talaga ang nakakajamming mo. Mas maraming bagay pa ang makapagpapasaya sa'yo, kung imumulat mo lang nang mabuti ang mga mata't isipan mo.

At wag mo masyadong gawing hero ng buhay mo ang mga mukhang impaktong emo sa game na 'yun. Corny naman ng mga costumes nila. At panget ang itsura ng "Devil's Urethra."

Imba. GG.

9 comments:

Jraldrbnt said...

Naalala ko tuloy yung tawag sa amin sa klasrum nung 3rd year--- "Dota Boys"..

Di nman ako nglalaro nu'n, pero kakasama sa brkada ayun, nadamay ako sa tawagan. Ewan ko kung anu'ng meron sa DotA pero halos araw2x yata, laging late ung mga klasmeyt ko pag pumapasok. Inuuna ung paglalaro.

Ngaung 4th yr, d na "DotA" ang uso..."S.F." na. Pero halos walang pinagkaiba sa DotA ung epekto sa mga klasmeyt ko.

Ewan ko kung anong high ang napapala nila sa kakapindot sa keyboard hbang sumisigaw sa monitor. Para sa'ken mas ok pa din ung mga sports at outdoor activities kesa sa online games. Dun pa din ako sa Patintero tsaka Tumbang Preso. (^ .-)

eych said...

hehe. yun nga eh. okay lang naman sana yung konting laro-laro lang, pero yung maaadik ka ng sobra sobra na halos hindi mo na ginagwa yung iba mo pang dapat gawin, yun ang hindi maganda.

tama. da best pa rin ang Patintero at Tumbang Preso, dagdag mo pa yung tagu-taguan. hehe. :)

obaet said...

ayos talaga,mejo sapul ako dito.

di ko din talaga alam kung bakit madaming nababaliw at naadik sa dota na yan.isa din kasi ako sa mga un,noon,pero ngayon...medyo hindi na.hahaha.medyo hinde at medyo oo.pero hindi ako tulad ng mga naglalaro na sinisigawan ang monitor.hahaha.iba na epekto nun sa manlalaro kung ganun sila.

pagdating naman sa pagibig,syempre di ko naman pinagpapalit si poreber kay dota.haha.di wasto un,napakapangit!ang sagwa,imba! :))
atska iklaklaro ko lang,LOYAL ako,tama ung paragraph mong bayad!hehe :))

kung iisipin ko.. 5taon na din pala kong nagdodota.simula nung 4th year hs ako.grabe.ayoko na tlga.pigilan mo ko eych! :))

ngapala,padagdag na din ng sipa at syato.hehe :)

eych said...

hahaha naglalaro ka din pala ng Dota kuya obaet.. ayos LOYAL ka pala.. ulitin ko.. LOYAL ka pala.. hehehe.. tama yan.. para matuwa si poreber mo sayo.. pero wag na masyado mag-adik sa Dota, maging adik ka na lang kay poreber para masaya.. hehehe..

ano pala yung syato? hehehe :)

obaet said...

oo pero sabi ko nga,ngayon mejo hindi na.hehe.hm,tama!kay poreber na lang pero sa kasawiang palad,di ko pa mahanap si poreber kaya ngayon iniiwasan ko na din si Dota para pag nakatagpo ko na si poreber,sakanya na lang ako maadik...maadik umibig! :))

yung syato nga pala, ung may pamatpat na mahaba tas may hinahampas na pamatpat na maliit na ilalagay sa butas tas ipapasok ug mahabng pamatpat sa butas tapos parang itatalak ng mahabang pamatpat yung maliit na pamatpat.hahaha.basta ganun sya.gets mo?sorry,mejo magulo pagkaeksplika. :)) paki intindi na lang. :D

eych said...

ai akala ko meron ka na talagang poreber.. hehehehe..

ah gets ko na yung syato. yun pala yung nilalaro ko nung 5 months old ako. imba. hahahah. :)

thanks sa pagvisit. :)

Anonymous said...

nice, i just added lots of different emo backgrounds to my blog
http://www.emo-backgrounds.info

Anonymous said...

mg cocomment sna ako pero wag n lng. heheh .. mejo tinamaan pa rin ako e . ndi p nman ako adik s dota. dahil d p ako ngnanakaw pra my maipang laro lng . nangungutang pede. heheh . iba tlga dating kpag ng dodota e. pampagana. lbasan ng sama ng loob. pampatibay ng smahan . dami.. hindi lng ung mga nbanggit n nkakasira ng pag aaral . breyk ups. and evrything. heheh. owber.

janilyn legaspi said...

wow.. hhehe

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr