Wednesday, June 10, 2009

Siya ang Idol Mo, Hindi Siya!

Naisip ko lang, ano nga ba ang basehan ng isang tao para masabing gusto niya ang kung sinumang nakikita niya sa TV?

Napanood ko kanina sa balita na marami sa mga tagasubaybay ng isang sikat na koreanovela ang gumagaya sa mga hairstyles ng mga bida nito. Marami din ang bumibili ng mga pictures, gumagawa ng fansite sa internet, mga kunong friendster account ng mga artista, nagsesearch ng kung anu-ano sa kung saan-saan, malaman lang na walang girlfriend o boyfriend 'yung paborito nilang celebrity. Ang tanong tuloy, idol mo nga ba talaga 'yung mga artista na yun, o 'yung mismong papel na ginampanan nila sa isang palabas kung saan mo sila unang nakilala?

Una kong naisip 'yun 'nung minsan akong naging adik sa Koreanovela na Spring Waltz (palabas 'yun dati sa ABS-CBN). Hindi ko alam kung bakit anlakas ng dating sa'kin 'nung palabas na 'yun. Lagi akong nagse-search sa internet ng mga pictures ni Han Hyo Joo na gumanap bilang Arianne Park at ni Seo Do-Young na gumanap naman bilang Christian Yoon. Halos araw-araw, ganoon ang ginagawa ko sa harap ng computer namin. Hanggang sa naisip ko na lang, si Han Hyo Joo at si Seo Do-Young nga ba talaga ang gustong-gusto ko? O 'yung sina Arianne Park at Christian Yoon na ginampanan nila?

Patok ngayon ang Boys Over Flowers at aminado ko, adik ako 'dun ngayon. Ganoon din ang ginawa ko, naghanap ako ng pictures nila Kuh Hye Sun (Geum Jan Di) at ni Lee Min Ho (Gu Jun Pyo) sa internet. Pero sa tingin ko, hindi sila ang gusto ko, kundi mismong sino Geum Jan Di at Gu Jun Pyo. Masyado na ba kong magulo?

Para mas maguluhan ka pa, eto ang ibig kong sabihin:

Gusto ko si Bella Swan, hindi si Kristen Stewart.
Gusto ko si Eduard Cullen, hindi si Robert Pattinson.
Gusto ko si Yoon Ji Hoo, hindi si Kim Hyun Joon.
Gusto ko si Aya Ikeuchi, hindi si Erika Sawajiri.
Gusto ko si Jamie Sullivan, hindi si Mandy Moore.
Gusto ko si Dorothy Gale, hindi si Judy Garland.
Gusto ko si Audrey King, hindi si Kim Chui.
Gusto ko si Cindy, hindi si Joe Chen.

Naisip ko kasi, di ba kaya naman natin nagugustuhan 'yung isang artista ay dahil sa ganda ng papel na ginampanan niya sa isang palabas na pinagbidahan niya? Ibig sabihin, ginusto natin ang buhay na ipinakita niya sa mga tagahanga't manunuod niya. Ginusto natin ang istoryang alam nating hindi naman talaga nangyari sa buhay ng artistang gusto natin.

Halimbawa na lang, si Geum Jan Di at Gu Jun Pyo ng Boys Over Flowers. Ginusto natin ang takbo ng istorya nilang dalawa. Kinilig tayo sa bawat eksena nila. Pero kung kikilalanin natin sila bilang sina Kuh Hye Sun at Lee Min Ho, hindi natin pwedeng ipilit na magkatuluyan sila. At 'yun kadalasan ang problema sa mga tagahanga, ang simpleng paghanga, dinadala hanggang sa tunay na buhay ng mga hinahangaan. Samakatwid, idol natin ang role na ginampanan nila, hindi sila! (opinyon lang!)

Kaya ako? Hindi na ko mag-aartista. Magmamadre na lang ako. (hehe)

4 comments:

obaet said...

uu nga no.ngaun ko lang naisip na ang idolo ko pla ay ung mga roles,hindi ung mga artista tulad ni katrina halili at hayden mho.wahaha.

waaaa.teka.babae ba c eych?haha.

Eych said...

haha. kaw ha idol pala yung mga yun. hehe!

mejo babae. panglalake ba talaga yung eych??? hehehe. :)

salamat sa pagvisit. :)

obaet said...

ung roles lng nila sa video ung idol ko.hahaha.biro.Ü

uu,maypagkatibo ung "eych".haha.

salamat din sa paggawa netong site.Ü

Eych said...

so gusto mo ding subukan yung "roles" nila? haha!

dati kuya eych, ngayon naman tibo. cge lang! hehe

salamat din. senxa na di muna makakapagblog kasi kunwari busy ako sa skul. hehe. pwede ka ding magcontribute dito.

salamat ulet. =)

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr