Alam naman kung ano ang simula.
Alam naman kung sino ang magkakatuluyan.
Alam naman kung sino ang mga sangkot sa love triangle.
Alam naman kung sino ang magkaka-amnesia.
Alam naman kung sino ang humabol sa bus.
Alam naman kung ano ang mga pagkatao ng mga bida.
Alam naman kung ano ang magiging takbo ng istorya.
Eh bakit adik pa rin ang nakakarami sa nireincarnate na Manga series na Hana Yori Dango?
Ang Hana Yori Dango ay isang manga series na nilikha ni Yoko Kamio ng Japan noong 1992. Si Yoko Kamio ay.. ay.. ahmm.. isang.. ahm.. Manga artist (search niyo na lang). Bumenta nang bonggang-bongga ang nasabing manga at nagkamit ng maraming awards sa Japan. Naging mabenta ito sa Europe, America, at Asia.
Kahit ako, na-hook sa nasabing palabas. Kinalaban ko ang Optical Media Board para sa kagustuhan kong mapanood ng buo ang Boys Over Flowers at makapag-bulletin sa Friendster ng na may subject na "Natapos ko na ang BOF.. Mainggit kayo!! WAHAHA!". Sa tatlong palabas, dun ako sa Korean version, mas matatangos kasi ang ilong nila at mas mapuputi. (hehe).
Sa sobrang katuwaan, kumuha ako ng mga pictures ng casts mula sa tatlong palabas para ikumpara. Eto:
As San Cai/ Geum Jan Di/ Tsukushi Makino:
As Dao Ming Si/ Gu Jun Pyo/ Tsukasa Domyoji
As Hua Ze Lei/ Yoon Ji Hoo/ Rui Hanazawa
As Xi Men/ So Yi Kung/ Sojirou Nishikado
As Mei Zuo/ Song Woo Bin/ Akira Mimasaka
Pagandahan ng kwintas!
Sa tingin ko, mga singkit lang ang may karapatang mag-reincarnate ng Hana Yori Dango. Subukan mong tanungin ang mga kaibigan mo kung gusto ba nilang gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong version nang nasabing palabas.
"Friend, ayos lang ba sa'yo kung merong Filipino version ng Hana Yori Dango?" (naka-smile ka pa)
"ANO???? @#$^&*%*!!"
Pero sa tingin ko, ayos lang naman kung meron tayong sariling version nito. Basta mga singkit din ang gaganap. Malaki rin ang posibilidad na mainggit ang ibang bansa at gagawa din sila ng sarili nilang Hana Yori Dango. May balak daw ang Kenya, Dubai, Madagascar, Nepal, Myanmar, Mongolia at Cebu na gumawa ng sarili nilang version.
(Tungkol sana sa A/H1N1 Virus ang iba-blog ko. Tumugtog kasi ang "Almost paradise... abashi ahashdkajiuw..." kaya nagbago isip ko.)
4 comments:
I love more the boys over flowers and the meteor garden, yung ISA ayoko,bukod sa pangit na yung mga gumanap,muka pa silang jologs,unlike dao Ming se and gu dyun pyo! Gwapo sila pareho! Kumpara mo nmn yung ISA,and about sa Phil. Version ng Hana yori dango! WAG NA!!! I'm sure JOLOGS nanaman kakalabasan nyan,laging over acting mga pilipino actress and actor! Wag na nil sirain ang mgndang image ng Hana yori dango!
More shows sana from gu dyun po and dao Ming se! Bakit di nila try gumawa ng movie.na mag kasama yung dalawang actor??? I guess mas maganda yun! Napaka swerte ng gurl na ka triangle nay yung dalawang papa hahaha
Hana yori dango is the best of all meteor garden boys over flower are the same story but they made the names different and hana yori dango made differnent things too but made the names the same on japanese style .. They added some stuff to make the drama more emotional and they also scored rank 6 in best japanese drama of all time ^____________^
Hindi mo ba alam may half pilipino dun sa hana yori dango 2 ? Si shigeru ?
Post a Comment