Nagmula sa bansang may temperaturang 25-30 degrees celsius araw-gabi, Pasko man o hindi, at lumipad patungo sa lugar ng mga yelo.. anong nakakatuwa dun?
Winter na ngayon dito. At swerte na kung magpositive 1 ang temperature. Kapag sinasabi ko sa katrabaho kong puti na "So cold!" (with matching action), automatic sasabihin niya, "It's not actually cold Eych, it's not cold. Wait 'til its -60." Sasagutin ko na sana nang "Oh actually I'm just kidding. I feel so hot today, and I want to take my clothes off, wanna help me?" Para kasi sakanila, ang kahulugan ng malamig ay kapag -30^C pababa na ang temperature. Eh sa -15 pa nga lang pakiramdam ko nagyeyelo na atay ko, sa -60 pababa pa kaya?
'Pag tinitignan ko kung ilang "degrees" ba ngayon sa labas, tinitignan ko din kung ilan ang sa Pilipinas. At ang bansa kong mahal, consistent sa 26-30 degrees, samantalang dito, -3 na ata ang pinakamainit sa buong maghapon kaya naiisip ko lagi, sana mangutang ng kahit konting temperatura ang Canada sa 'Pinas, mag-positibo lang ang temperatura. O kaya magkaroon ng agreement sa pagitan ng dalawang bansa na ang isa ay magpapadala ng init ng araw, at snow naman ang ibibigay na kapalit ng isa at si Justin Bieber.
Sa ngayon, balot ng yelo ang paligid. 'Nung una talagang inaabangan naming magkakapatid ang snow. Kaya kapag sinabi sa balita na mag-iisnow sa araw na 'yun, talagang nakatutok eh. Hehe. Tapos paggising namin 'nung isang sa umaga, nak ng kubeta! Anlameg! Tapos pagsilip namin sa bintana, kala ko nilipad na ng ipo-ipo 'yung bahay namin at binagsak kami sa Alaska. Ang kapal na ng snow sa labas at parang nasa ibang lugar talaga. Iba na ang itsura ng paligid kung ikukumpara sa Summer. Syempre tuwang tuwa ang mga batang Pinoy. Picture-picture. Pers taym eh. Ako talagang ang saya saya ko 'nung nag-snow kasi pakiramdam ko nasa Korea ako. Hehehe. Nakakatuwa kasi amputi puti ng snow at mukhang malinis, parang kung ilalagay 'yun sa halo-halo siguradong mabenta kasi ang ganda tignan. Kaso naasar na ko ng konti sa snow 'nung nadulas ako na una pwet..ansaket sy*t! Pero habang tinignan ko mula sa bintana ang pagbagsak ng snow, ewan pero parang gumagaan 'yung pakiramdam ko. 'Nung una akala ko sa umpisa lang 'yun, pero 'pag nakikita ko ng paulit-ulit, hindi pa rin nagbabago 'yung pakiramdam ko. Naiisip ko, "How something's so beautiful could fall from up above? Even if it might freeze me to death, my heart won't forget how beautiful it is." Pero ang totoo nagpapractice lang ako mag-english sa isip.
Kapag nagpopost ako ng picture ko sa snow, expected na ang mga comment na "Wow! Isnow!", "Padala ka naman ng snow!". Sa mga kaibigan kong umaasa sa padala kong snow, wag kayo mag-alala kasi pinag-aaralan ko naman kung pano. Konting panahon na lang at mangyayari rin 'yun. Naisip ko na lang din ngayon na swerte ang Pilipinas sa pagiging tropikal na bansa nito. Kasi 'panu kung nagkaroon ng winter sa 'Pinas, 'pano na ang mga batang nagtitinda ng sampaguita? Edi nanigas na 'yung mga munti nilang katawan. 'Panu na rin ang kinabukasan ng mga topless tambay? 'Panu na ang mga pedicab drivers, pati na rin ng mga jeep at tricycle? 'Panu na ang mga barkada kong askals at pusakals? Ang creative talaga ni Lord.
---
December.
Usapang pasko naman. At ayun nga, Christmas month. Unang Disyembre na wala sa sariling bansa. Nakakapanibago, wala kasing mga batang nangagaroling sa kalsada na ayaw paawat kahit expected na sa dalawampung bahay na kakantahan nila, isa lang ang magbibigay. Iba rin ang simoy ng hangin sa 'Pinas, dun kasi nakakainlove ang simoy ng hangin (yeah!) kaya masarap maglakad at mag-emo sa gabi. Malamig pero masarap damhin. Dito naman, malamig din, pero subukan mong damhin, ika'y unti-unting totodasin. Sa 'Pinas din kahit malayo pa ang New Year, marami nang nagpapaputok at nagtitinda ng paputok. 'Yung mga sari-sari store may kanya-kanyang version ng tinitindang watusi. Marami nang tiangge at marami na ring holdaper. Masayang nakakatuwa. Nakakamiss lang. (Komersyal ngayon 'yung station ID ng ABS-CBN na kinanta ni Maria Aragon. "Da best ang Pasko ng Pilipinooo...".)
--
Kelangan ko na muna to itigil. Kaya pala wala na kong maisip, tumigil na sa pagfa-function ang utak ko..it's freezing! (sows, palusot pa. hehe)
:))
2 comments:
Iba talaga pag ikaw nagsulat! enjoy basahin. :) pano ba magshare?! haha
Hehe. parang bangag lang ba? Hehe oo naman pwede magshare. send mo lang sa email na makikita mo sa website na to. :)
Post a Comment