Saturday, December 24, 2011

Ikaw ang Aking Meri Krismas :)

Hindi ko alam kung tungkol saan ba talaga 'tong isusulat ko. Pero basta. Tungkol 'to sa Pasko. Hehe.


Simula ng pumatak ang bwan ng Disyembre, hindi ko na naaalalang tignan pa ang kalendaryo, o ang kahit na anung bagay na magsasabi kung nasa anong araw na ba ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero basta ang alam ko lang malapit na mag-Pasko at totoo nga ang sabi nila na hindi masyadong ramdam ng isang Pinoy ang Pasko kung wala siya sa piling ng mahal niyang Pilipinas. Nakita ko na lang kanina sa monitor ng ano(ay basag, hindi ko pala alam 'yung tawag dun, basta 'yung touch screen na gamit pang-kuha ng order hehe) na December 23 na pala ngayon. Akala ko kasi talaga 22 palang. Tapos naisip ko, 24 na sa 'Pinas. Busy na ang mga kanya-kanyang bahay para mamayang Noche Buena...argggh. Kakamiss talaga ng todo bigay eh.

Sa 'Pinas kasi, pag sinabing Pasko, Pasko talaga. Kahit saan ka lumingon, may ilaw na ayaw paawat sa pagkislap, at kahit saan ka lumingon, may mga bata sa kalsada na kahit ano mangyari, tuloy ang plano nilang mangaroling sa loob ng siyam na araw. (Ang official start kasi ng pangangaroling di ba ay 'pag nagsimula na din ang simbang gabi, kung mangaroling ka bago ang araw na 'yun, Congratulations kung may magbigay man sa'yo ng piso.) Totoo naman talaga na ang Pilipinas ang may pinakamasayang Pasko sa buong mundo. Masaya din naman dito kaso iba pa rin talaga pag nandun ka sa sarili mong bansa. Namimiss ko ang simbang gabi. Ngayon nagsisisi na ako sa mga araw noon na tinamad ako gumising ng maaga o kaya magbihis sa gabi para magsimba at kumpletuhin ang siyam na misa. Nakakamiss ang puto bumbong at bibingka. Nakakamiss ang mga parol. Nakakamiss ang mga kapitbahay na nagbibigayan ng handa sa noche buena. Nakakamiss ang kakaibang simoy ng hangin na tumatagos sa puso mo at nagbibigay ng biglaang gaan ng loob (o baka ako lang OA). Dito kasi pag tumagos sa puso ko 'yung hangin, baka may death certificate na ako ngayon. (OA kasi ang lameg.) Nakakamiss din ang mga kaibigan na nagsasabi na kasapi sila ng hindi mamatay-matay na grupo ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Paa.. I mean Pasko). Nakakamiss din ang masabi sa sarili ko na kahit ako kasapi din pala 'nun (ahihihihi). 


Namimiss ko ang Pinas kahit naman noon pa. Pero ngayong araw na to, sumobra ang pagkamiss ko. Sa mga panahon ding 'to naiisip ko na isang sakay lang ng bus ang pagitan dito at ng Pilipinas, kakayanin kahit ilang oras, makadama lang ng Pinoy Krismas (yeah). Pero para sa'ken, masaya dapat ang bawat Pasko ng bawat taong nagcecelebrate nito. Isipin mo man na tadtad ka ng problema ngayon, hindi ka man pansin ng taong pinapantasya mo, break man kayo ngayon ng syuting mo, may sakit ka man ngayon, pasan mo man ang problema ng Pilipinas, hindi ka man nagtagumpay sa balak mong mag-diet (*speechless), at kahit anu pa mang hindi magandang nangyayari sa buhay mo sa araw ng Pasko, sana kahit ngayong Pasko man lang ma-appreciate mo ang buhay mo,at lahat ng aspeto nito. Simulan mo isipin 'yan bukas, tapos sa Dec. 26 isipin mo ulet.. ituloy mo hanggang sa 29, tapos sa January 2.. malay mo masarapan ka at magawa mo hanggang sa pagsapit ng New Year next year. 


Namimiss ko man ang 'Pinas, malayo man ako sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko na nakagawian ko nang kasama mag-celebrate ng Pasko noon, masaya pa rin ako. Masaya ako na kasama ko ang pamilya ko. Masaya ako sa lahat ng biyaya, maliit man 'yun o maliit. Dumaan man ang buhay ko sa iba't-ibang klase ng problema, eto pa rin ako, buhay na buhay na magcecelebrate ng Pasko. At alam ko na ang nanay ko, nagvivideoke ngayon kasama sila God, party-party din. Kaya masasabi kong ang pamilya ko ang aking Meri Krismas. Kaya tara, inuman na! I mean, I mean.. I mean.. Hay.. Let's rock! Haha



Ikaw, sino ang iyong Meri Krismas? :)


 -- 
 Merry Christmas everyone!! Enjoy. :)


(Photo credits: migs.wordpress.com)

Friday, December 2, 2011

Freeze you! (Manigas Ka!)

Nagmula sa bansang may temperaturang 25-30 degrees celsius araw-gabi, Pasko man o hindi, at lumipad patungo sa lugar ng mga yelo.. anong nakakatuwa dun?

Napa-blog ako kasi anlamig eh. Alam mo 'yun. -3 degrees celsius (ang haba naman, panu ba shortcut?) ngayon dito sa loob ng bahay namin. Busy lang talaga ko kakapanood sa Girl's Generation (Bi-Bring the boys out!) kaya mga dalawang oras pa bago ko narealize na nangangatog na pala 'yung wow legs ko sa lamig. Problema pa, sira daw 'yung heater sabi 'nung may-ari ng apartment. Para na rin 'yang sinabi na "Freeze you!" (Manigas kayu!)

Winter na ngayon dito. At swerte na kung magpositive 1 ang temperature. Kapag sinasabi ko sa katrabaho kong puti na "So cold!" (with matching action), automatic sasabihin niya, "It's not actually cold Eych, it's not cold. Wait 'til its -60." Sasagutin ko na sana nang "Oh actually I'm just kidding. I feel so hot today, and I want to take my clothes off, wanna help me?" Para kasi sakanila, ang kahulugan ng malamig ay kapag -30^C pababa na ang temperature. Eh sa -15 pa nga lang pakiramdam ko nagyeyelo na atay ko, sa -60 pababa pa kaya?

'Pag tinitignan ko kung ilang "degrees" ba ngayon sa labas, tinitignan ko din kung ilan ang sa Pilipinas. At ang bansa kong mahal, consistent sa 26-30 degrees, samantalang dito, -3 na ata ang pinakamainit sa buong maghapon kaya naiisip ko lagi, sana mangutang ng kahit konting temperatura ang Canada sa 'Pinas, mag-positibo lang ang temperatura. O kaya magkaroon ng agreement sa pagitan ng dalawang bansa na ang isa ay magpapadala ng init ng araw, at snow naman ang ibibigay na kapalit ng isa at si Justin Bieber. 


Sa ngayon, balot ng yelo ang paligid. 'Nung una talagang inaabangan naming magkakapatid ang snow. Kaya kapag sinabi sa balita na mag-iisnow sa araw na 'yun, talagang nakatutok eh. Hehe. Tapos paggising namin 'nung isang sa umaga, nak ng kubeta! Anlameg! Tapos pagsilip namin sa bintana, kala ko nilipad na ng ipo-ipo 'yung bahay namin at binagsak kami sa Alaska. Ang kapal na ng snow sa labas at parang nasa ibang lugar talaga. Iba na ang itsura ng paligid kung ikukumpara sa Summer. Syempre tuwang tuwa ang mga batang Pinoy. Picture-picture. Pers taym eh. Ako talagang ang saya saya ko 'nung nag-snow kasi pakiramdam ko nasa Korea ako. Hehehe. Nakakatuwa kasi amputi puti ng snow at mukhang malinis, parang kung ilalagay 'yun sa halo-halo siguradong mabenta kasi ang ganda tignan. Kaso naasar na ko ng konti sa snow 'nung nadulas ako na una pwet..ansaket sy*t! Pero habang tinignan ko mula sa bintana ang pagbagsak ng snow, ewan pero parang gumagaan 'yung pakiramdam ko. 'Nung una akala ko sa umpisa lang 'yun, pero 'pag nakikita ko ng paulit-ulit, hindi pa rin nagbabago 'yung pakiramdam ko. Naiisip ko, "How something's so beautiful could fall from up above? Even if it might freeze me to death, my heart won't forget how beautiful it is." Pero ang totoo nagpapractice lang ako mag-english sa isip. 


Kapag nagpopost ako ng picture ko sa snow, expected na ang mga comment na "Wow! Isnow!", "Padala ka naman ng snow!". Sa mga kaibigan kong umaasa sa padala kong snow, wag kayo mag-alala kasi pinag-aaralan ko naman kung pano. Konting panahon na lang at mangyayari rin 'yun. Naisip ko na lang din ngayon na swerte ang Pilipinas sa pagiging tropikal na bansa nito. Kasi 'panu kung nagkaroon ng winter sa 'Pinas, 'pano na ang mga batang nagtitinda ng sampaguita? Edi nanigas na 'yung mga munti nilang katawan. 'Panu na rin ang kinabukasan ng mga topless tambay? 'Panu na ang mga pedicab drivers, pati na rin ng mga jeep at tricycle? 'Panu na ang mga barkada kong askals at pusakals? Ang creative talaga ni Lord.


 --- 


December. 


Usapang pasko naman. At ayun nga, Christmas month. Unang Disyembre na wala sa sariling bansa. Nakakapanibago, wala kasing mga batang nangagaroling sa kalsada na ayaw paawat kahit expected na sa dalawampung bahay na kakantahan nila, isa lang ang magbibigay. Iba rin ang simoy ng hangin sa 'Pinas, dun kasi nakakainlove ang simoy ng hangin (yeah!) kaya masarap maglakad at mag-emo sa gabi. Malamig pero masarap damhin. Dito naman, malamig din, pero subukan mong damhin, ika'y unti-unting totodasin. Sa 'Pinas din kahit malayo pa ang New Year, marami nang nagpapaputok at nagtitinda ng paputok. 'Yung mga sari-sari store may kanya-kanyang version ng tinitindang watusi. Marami nang tiangge at marami na ring holdaper. Masayang nakakatuwa. Nakakamiss lang. (Komersyal ngayon 'yung station ID ng ABS-CBN na kinanta ni Maria Aragon. "Da best ang Pasko ng Pilipinooo...".)


--

Kelangan ko na muna to itigil. Kaya pala wala na kong maisip, tumigil na sa pagfa-function ang utak ko..it's freezing! (sows, palusot pa. hehe)

:))


Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr