Wednesday, June 10, 2009

Siya ang Idol Mo, Hindi Siya!

Naisip ko lang, ano nga ba ang basehan ng isang tao para masabing gusto niya ang kung sinumang nakikita niya sa TV?

Napanood ko kanina sa balita na marami sa mga tagasubaybay ng isang sikat na koreanovela ang gumagaya sa mga hairstyles ng mga bida nito. Marami din ang bumibili ng mga pictures, gumagawa ng fansite sa internet, mga kunong friendster account ng mga artista, nagsesearch ng kung anu-ano sa kung saan-saan, malaman lang na walang girlfriend o boyfriend 'yung paborito nilang celebrity. Ang tanong tuloy, idol mo nga ba talaga 'yung mga artista na yun, o 'yung mismong papel na ginampanan nila sa isang palabas kung saan mo sila unang nakilala?

Una kong naisip 'yun 'nung minsan akong naging adik sa Koreanovela na Spring Waltz (palabas 'yun dati sa ABS-CBN). Hindi ko alam kung bakit anlakas ng dating sa'kin 'nung palabas na 'yun. Lagi akong nagse-search sa internet ng mga pictures ni Han Hyo Joo na gumanap bilang Arianne Park at ni Seo Do-Young na gumanap naman bilang Christian Yoon. Halos araw-araw, ganoon ang ginagawa ko sa harap ng computer namin. Hanggang sa naisip ko na lang, si Han Hyo Joo at si Seo Do-Young nga ba talaga ang gustong-gusto ko? O 'yung sina Arianne Park at Christian Yoon na ginampanan nila?

Patok ngayon ang Boys Over Flowers at aminado ko, adik ako 'dun ngayon. Ganoon din ang ginawa ko, naghanap ako ng pictures nila Kuh Hye Sun (Geum Jan Di) at ni Lee Min Ho (Gu Jun Pyo) sa internet. Pero sa tingin ko, hindi sila ang gusto ko, kundi mismong sino Geum Jan Di at Gu Jun Pyo. Masyado na ba kong magulo?

Para mas maguluhan ka pa, eto ang ibig kong sabihin:

Gusto ko si Bella Swan, hindi si Kristen Stewart.
Gusto ko si Eduard Cullen, hindi si Robert Pattinson.
Gusto ko si Yoon Ji Hoo, hindi si Kim Hyun Joon.
Gusto ko si Aya Ikeuchi, hindi si Erika Sawajiri.
Gusto ko si Jamie Sullivan, hindi si Mandy Moore.
Gusto ko si Dorothy Gale, hindi si Judy Garland.
Gusto ko si Audrey King, hindi si Kim Chui.
Gusto ko si Cindy, hindi si Joe Chen.

Naisip ko kasi, di ba kaya naman natin nagugustuhan 'yung isang artista ay dahil sa ganda ng papel na ginampanan niya sa isang palabas na pinagbidahan niya? Ibig sabihin, ginusto natin ang buhay na ipinakita niya sa mga tagahanga't manunuod niya. Ginusto natin ang istoryang alam nating hindi naman talaga nangyari sa buhay ng artistang gusto natin.

Halimbawa na lang, si Geum Jan Di at Gu Jun Pyo ng Boys Over Flowers. Ginusto natin ang takbo ng istorya nilang dalawa. Kinilig tayo sa bawat eksena nila. Pero kung kikilalanin natin sila bilang sina Kuh Hye Sun at Lee Min Ho, hindi natin pwedeng ipilit na magkatuluyan sila. At 'yun kadalasan ang problema sa mga tagahanga, ang simpleng paghanga, dinadala hanggang sa tunay na buhay ng mga hinahangaan. Samakatwid, idol natin ang role na ginampanan nila, hindi sila! (opinyon lang!)

Kaya ako? Hindi na ko mag-aartista. Magmamadre na lang ako. (hehe)

Thursday, June 4, 2009

Back-Backan-to-School

Muntik ko nang makalimutan. Nagsimula na nga pala ang pasukan. Hindi ko naramdaman dahil kakabakasyon ko lang mula sa summer class namin (kung bakit ako nag-summer ay secret ko na yun hehe). Pero sa totoo lang, 1 month ago na mula nung natapos 'yun, pero feeling ko kakadismiss pa lang ng klase namin. Siguro dahil hindi na ako elementary o high school na nasasabik sa unang araw ng eskwela.

Nakakatuwa at nakakaasar ang paligid kapag nagkakaroon ng back-to-school fever, lalo na sa mga bookstores kung saan hindi ako makapagconcentrate sa mga binabasa kong libro sa "no private reading please" section (kung bakit naman kasi napakamahal ng mga libro). Kalat-kalat 'yung mga notebooks sa mga shelves tapos sasabayan pa ng nakabusangot na mukha ng mga sales lady na nag-aayos ng mga notebooks at iba pang school supplies na nagugulo kada limang segundo. Ang haba-haba ng pila sa cashier. Naasar ako dahil isang pirasong ballpen lang ang bibilhin ko tapos pinilahan ko pa ng halos isang oras. Nagkakabanggan na ng pushcarts, nagkakapalitan na ng amoy at mukha. Pero bakas sa mukha ng mga bata 'yung tuwa kapag hawak na nila 'yung mga bagong gamit nila para sa darating na pasukan. :)

Pero syempre, sa una lang 'yun.

Sa una, sisipagin ang bata sa pagsulat sa notebook niya dahil bagong-bago ito. Bago ang unang araw ng pasukan, minsan nga isang buwan pa, excited ang bata na maglagay ng mga school supplies sa bago niyang bag, o kaya pwede na din 'yung luma 'pag malawak ang pag-unawa niya. Excited siya na gumawa ng assignments, at gumawa ng kalokohan. May ritwal din na pagpapagawa ng name tag na suot-suot ng bata mula sa paglabas ng bahay hanggang sa makauwi siya. Minsan kahit nangangalahati na ang school year, nakasabit pa rin sa leeg ng bata ang name tag at hindi pa rin siya kilala ng teacher niya. At diyan nagsisimula ang malungkot na storya ng buhay ng isang mag-aaral.

Tambay sa kanto: Hi Rogelio Manglicmot ng Grade 1-Matipuno!
Bata: Mami, bakit alam niya my name? Am I really sikat?
Nanay: Huh?


Nauuso din ang asaran sa first day, kawawa ang mga may bago at nangingintab na mga sapatos 'pag may nagsabing "binyagan na 'yan!! wahahaha!". May mga papasok na lang din bigla na unat na ang dating kulot salot na buhok. May mga nagpa-gupit ng prescribed na haircut para sa mga lalaki, may ilan din na pinanindigang "baduy" ang ganung gupit at naglagay pa ng bangs para rock 'n roll. May mga bagong classmates na sa umpisa e kala mo napakatahimik na tao pero hayup sa kulit pag nagtagal na, at may ilan din na lumipat na ng ibang school at classroom. May mga bagong teacher na malupit sa unang klase, 'yung nagpa-assignment na agad. Mapapansin din na ang aaga pumasok ng mga estudyante pag unang linggo ng klase, at unti-unting nawawala hanggang sa wala ng may trip na pumasok ng maaga. May mga orientation lalo na para sa mga freshmen na nagsasabing bawal magtapon ng basura at panatilihin ang kalinisan sa buong paaralan. Andaming anik-anik. Ganyan ang kadalasang eksena sa mga paaralan sa unang araw ng pasukan.

Pero sa mga college students, ibang eksena naman 'yan. Mas konting school supplies lang ang kailangan. Minsan, kahit ballpen lang at tinging yellow pad lang ang dala, ayos na. Wala na masyadong excitement sa first day of schhol, pwera na lang sa mga freshmen. Masarap pa rin balikan 'yung mga oras na namimili kayo ng notebooks ng kapatid mo, tig-12 piraso pa kayo. Pero masaya na ring isipin na nakatapos ka na sa ganoong stage ng buhay mo at papunta ka na ngayon sa mga kumplikado't mas malawak na mundo ng pagbabago.

Sa lahat ng mga may pasok na at papasok pa lang, good luck! Pwede mong balikan 'yan, pero gawin mo na ang lahat para wala kang pagsisihan.

Tuesday, June 2, 2009

Hana Meteor Over Flowers

Alam naman kung ano ang simula.
Alam naman kung sino ang magkakatuluyan.
Alam naman kung sino ang mga sangkot sa love triangle.
Alam naman kung sino ang magkaka-amnesia.
Alam naman kung sino ang humabol sa bus.
Alam naman kung ano ang mga pagkatao ng mga bida.
Alam naman kung ano ang magiging takbo ng istorya.

Eh bakit adik pa rin ang nakakarami sa nireincarnate na Manga series na Hana Yori Dango?

Ang Hana Yori Dango ay isang manga series na nilikha ni Yoko Kamio ng Japan noong 1992. Si Yoko Kamio ay.. ay.. ahmm.. isang.. ahm.. Manga artist (search niyo na lang). Bumenta nang bonggang-bongga ang nasabing manga at nagkamit ng maraming awards sa Japan. Naging mabenta ito sa Europe, America, at Asia.




Kahit ako, na-hook sa nasabing palabas. Kinalaban ko ang Optical Media Board para sa kagustuhan kong mapanood ng buo ang Boys Over Flowers at makapag-bulletin sa Friendster ng na may subject na "Natapos ko na ang BOF.. Mainggit kayo!! WAHAHA!". Sa tatlong palabas, dun ako sa Korean version, mas matatangos kasi ang ilong nila at mas mapuputi. (hehe).

Sa sobrang katuwaan, kumuha ako ng mga pictures ng casts mula sa tatlong palabas para ikumpara. Eto:

As San Cai/ Geum Jan Di/ Tsukushi Makino:



As Dao Ming Si/ Gu Jun Pyo/ Tsukasa Domyoji



As Hua Ze Lei/ Yoon Ji Hoo/ Rui Hanazawa



As Xi Men/ So Yi Kung/ Sojirou Nishikado



As Mei Zuo/ Song Woo Bin/ Akira Mimasaka



Pagandahan ng kwintas!



Sa tingin ko, mga singkit lang ang may karapatang mag-reincarnate ng Hana Yori Dango. Subukan mong tanungin ang mga kaibigan mo kung gusto ba nilang gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong version nang nasabing palabas.

"Friend, ayos lang ba sa'yo kung merong Filipino version ng Hana Yori Dango?" (naka-smile ka pa)

"ANO???? @#$^&*%*!!"

Pero sa tingin ko, ayos lang naman kung meron tayong sariling version nito. Basta mga singkit din ang gaganap. Malaki rin ang posibilidad na mainggit ang ibang bansa at gagawa din sila ng sarili nilang Hana Yori Dango. May balak daw ang Kenya, Dubai, Madagascar, Nepal, Myanmar, Mongolia at Cebu na gumawa ng sarili nilang version.

(Tungkol sana sa A/H1N1 Virus ang iba-blog ko. Tumugtog kasi ang "Almost paradise... abashi ahashdkajiuw..." kaya nagbago isip ko.)

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr