10:25pm nang simulan kong itype ang blog na 'to. Ilang minuto na lang, putukan na. Pero hindi rin, kasi nung isang araw pa may nagpapaputok dito samen. Ang saya ng New Year nila. Three days.
Kung tutuusin, wala naman talagang bago sa mga mangyayari tuwing Bagong Taon. Putukan mamayang 12am, susunod sa milyon milyong pamahiin na nauuso sa buong universe at sa bahay namin, magsagawa ng New Year's Resolution na kalokohan lang kasi 'yun din naman mga resolution mo 'nung isang taon at hindi rin nasusunod hanggang ngayon (revised version na ang output), at magpadala ng mga message sa celphone, Facebook, Friendster, twitter, at kung saan saan pa na nagsasabi ng kung anu-ano na akala mo katapusan na ng mundo. Maaaring wala na ngang bago - pero ang mga 'yun ang nagpapasigla, nagpapasaya at nagpapabuhay sa bawat "Bagong Taon" na lumilipas. Lumang tugtuging masarap pa ring pakinggan.
Personally (wow), inaabangan ko na talaga ang 2011. Ayoko nang balikan ang 2010. Masyadong masakit. Ilang beses din kasing tumama yung hinliliit ko sa kanto ng upuan ngayong taon. Hindi nakakatuwa.
Pero seryoso. Ayoko sa taon na 2010. Masyadong maraming nangyari. Basta. Hehe. Sa totoo lang, natutuwa ako sa mga tao tuwing magbabagong taon. Andami ko kasing text messages na natatanggap. At alam ko, ikaw din. Parang andami kong nagawang matino sa buhay sa loob ng isang taon. Nakakatuwang isipin na naaalala ka ng mga kaibigan mo sa mga panahon na tulad nito. Hindi ko nga alam kung ano bang dapat maramdaman, lungkot o tuwa? Pero syempre lamang 'yung pangalawa. O nakikisimpatya lang 'yung mga tao. Akala siguro nila nalulungkot ako. Bakit? Secret. Haha. Text ko sa'yo mamaya.
Wala pa pala kong mga narereplyan sa mga nag-wallpost saken sa FB (mga 3 tao), nag-"PM" sa chat (tama ba yun? mga 5 tao), at nagtetext kanina (kasi busy ako sa menudo kong puro atay). Pero gusto kong sabihin sa kanilang lahat na nagpapasalamat ako ng lubos, sobra at wagas! Message? Eto:
Sa mga kaklase ko ngayong college na sa sobrang solid ng pagsasama eh nakakasawa na ang mga pagmumukha. haha! Peace. Salamat guys. Kayo ang nagpapasaya saken pag pumapasok ako ng puyat. Sana sabay sabay tayong grumaduate. Makisama lang ang mga prof saten, party na! At 'wag kayong mag-alala kung wala kanyong nagawang related sa school ngayong bakasyon. Tatlong taon na tayong ganito, anung bago? Surviving naman di ba? Haha. Pero wag sana natin kalimutan na magsikap pa ring mag-aral. Wala naman tayong ibang choice di ba? Salamat H2 (section namin). I love you all! Mwah! Haha. :)
Sa mga kaibigan ko nung high school na hanggang ngayon e pinadadaanan pa rin ako ng GM at nakakasama sa oras ng iyakan at tawanan at chibugan at pansitan, maraming salamat! Lumipas man ang mahabang mahabang panahon, pakatandaan niyo, nandito lang ako at handang pakainin kayo ng pansit tuwing dadalawin niyo ko. Hehe. Mahal ko kayo. :)
Sa pamilya ko na nanatiling matatag sa kabila ng lahat. Wala akong ibang gustong sabihin sa inyo kundi mahal na mahal ko kayo. :)
Sa pag-ibig ko, sana pumanget ka ng sobra, magkaroon ng pinakamtinding body odor sa buong mundo, at maka-singko sa lahat ng exams para ma-turn off na ko sa'yo. Hahaha. Peace. Joke lang. Pero sana sa 2011, hindi na ikaw. Yeah! Hahahaha. Peace. :)
Sa lahat ng mga kaibigan ko sa loob at labas ng school na nagpapadala din saken ng GM, at sa basta, sa lahat lahat ng kaibigan ko na dinamayan ako sa oras ng drama at laging nandyan para saken, o kahit hindi sila palaging nandyan basta inadd ako sa Facebook, maraming maraming salamat!
At higit sa lahat, maraming maraming salamat sa Diyos. Binigyan niya kami ng matinding pagsubok at alam kong sa mga susunod pang mga taon, hindi na Niya kami bibigyan. Give chance to others naman. Haha. Oi joke lang, mali pala 'yun. Sana hindi na maulit. Thank you Lord kasi hindi Niyo po kami pinabayaan. Diyan lang kayo palagi ah? I love you Lord! Mwah! :))
Pero gusto ko pa din magmessage sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Para sa Mama kong makulit na nagsawa nang magkulit dito sa lupa at bumili ng condo sa langit, namimiss na kita. Sana kung nasaan ka man ngayon, masaya ka na. Kasi kami dito, masaya na din kami. Kita kits na lang, pero pag may apo ka na. Haha. Ai magmamadre na pala ako. Panu yan? Hehe. You're the best Mama in the world, magiging nanay din ako siguro balang araw pero hindi ko mahihigitan yung pagiging nanay mo samen. Naiiyak ka na? Arte mo. Haha. I love you! Sana wag masyadong mahaggard si Lord sa kakulitan mo. At 'wag mong masyadong titigan si Rico Yan. Baka matunaw 'yan. Hehe. :)
Masyadong maraming nangyari ngayong taon. Malungkot, masaya, nakakahaggard. Lahat. Kung tutuusin taon taon naman nangyayari ang mga malulungkot, masasaya at nakakahaggard na bagay. Pero dapat higit pa sa mga putukan at pagsunod sa mga pamahiin ang gagawin nating pagdiriwang ngayong bagong taon. Dahil kasabay ng pagpapalit ng taon, ay ang isa sa mga pinakamalalaking himala ng buhay - ang mismong "ikaw" na nabubuhay pa rin at patuloy na binibiyayaan sa kabila ng lahat ng mga pagsubok. Ang "ikaw" na humaharap muli sa isa na namang "Bagong Taon" na pupunuin mong muli ng pag-asa na sana, mas makakita ka ng maraming dahilan para maging masaya at maging mas matatag na "ikaw" kesa sa "ikaw" ng kahapon.
Happy New Year everybody! Party Party!