Saturday, May 30, 2009

Bawal Basahin ang Blog na Ito

"May post ka ba diyan tungkol saming mga friends mo?"

Tanong sa'kin 'yan ng bestfriend ko kagabi matapos niyang utusan 'yung isa pa naming kaibigan na buksan ang ipinagmamalaki ko "daw" na website ng PedXing. Naisip ko, oo nga. Bakit nga ba wala?

Kala ko magiging madali para sakin na ipakita at ipabasa sa kanila 'yung mga gawa ko dito sa PedXing. Habang binabasa nila 'yung mga blogs ko dito, nakaramdam ako ng hiya. Nahiya ako sa hindi malamang dahilan. Siguro natakot ako na baka hindi ko matanggap kung anuman 'yung mga magiging kumento nila sa mga gawa ko. Matatanggap ko kung ibang taong hindi ko kilala ang magsasabing wala akong kwentang blogger at dapat mag-suicide na ko ngayon din. Pero 'pag mga kaibigan ko na, parang ambigat sa pakiramdam pag sinabi nilang "Eych, gawa mo 'yan? Baket??? May problema ka ba??"

Kapag blogger ka, magkakaroon ka ng dalawang mukha - astig at pangit. Astig ka kapag marami kang "tagasubaybay" at maraming nagrerecommend sa blogsite mo na basahin ang mga gawa mo gaya ng pagbibigay sa iba ng web address nito, pagpopost ng bulletin sa friendster na nagsasabing puntahan ang blogsite mo, o pagpapakalat ng text brigade at mga campaign posters. Pangit ka kapag isandaang taon na ang blogsite mo pero isang piraso lang ang comment na natanggap mo sa lahat ng gawa mo tapos galing pa 'yun sa kapatid mo. Tsk. Tsk.

Pero ngayon mas alam ko na.

Blogger ka, hindi ka artista. Hindi ka din isang friendster profile na kailangang tatadtarin ng comments gaya ng "Have a nice day!" o kaya "You're my bestfriend forever.". Hindi mo din dapat sineseryoso 'yung mga sinasabi sa'yo ng mga kaibigan mo na "Yan na 'yun? Walang kwenta." Hindi mo naman kasi kinailangan ng ibang tao ng magsimula kang umupo sa harapan ng computer at pagtripan ang keyboard para isiwalat ang nais ipahayag ng kokote mong sasabog na maya-maya. Natutunan ko din na dapat maging matatag ang emosyon mo bilang isang blogger, ibig sabihin, dapat maging manhid ka sa tuwing tatanggap ka ng opinyon mula sa iba, panget man o maganda. (OOOooopss.. Opinyon lang! :p)

Hindi ako madalas mag-blog kasi hindi naman ako madalas nag-iisip ng tama. Hindi ako madalas mag-blog kasi hindi naman ako palaging nakakaramdam ng passion sa pagsulat. Hindi ako madalas mag-blog kasi hindi ako nakakapag-isip agad ng interesting na topic. Hindi ako madalas mag-blog kasi marami akong bagay na iniisip na hindi kayang ipahayag sa harap ng limang-taong-gulang na computer namin.

Naisip kong hindi lang katuwaan ang pagiging isang blogger. Sa napakaraming aspeto't dahilan, pinaniniwalaan ko 'yan.

(Sa mga friends ko, pasensya na. Next time magba-blog ako tungkol sa inyo. Hehe)

Sunday, May 24, 2009

Blogger vs Scammer (Bwahahaha!)

Pamilyar ka ba sa email scam? 'Yung mga messages na nagsasabing nanalo ka sa isang international lottery kahit hindi ka naman tumaya? 'Yung nagsasabing pamamanahan ka nila ng bilyong-bilyong salapi? 'Yung nagsasabing paggising mo bukas, pwede mo nang bilhin ang buong planeta dahil sobrang yaman mo na?

Ako, oo. Sa libu-libong pagkakataon, oo. Hindi na nga mabilang 'yung mga scams na natatanggap ko. Nagsimula 'yun nung may natanggap akong email mula sa isang African na nagsasabing namatayan daw siya ng pamilya at merong iniwan sa kanyang yaman ang tatay niya na nagkakahalaga ng halos 100 Milyong dolyar at gusto niya daw ipahawak iyon sa akin. Itatransfer niya ang nasabing halaga sa bank account ko (na alam ko e friendster account lang ang meron ako) at dadalawain niya ko dito sa Pilipinas para pag-usapan kung paano namin gagastusin ang pera niya. At dahil ito ang unang email scam na natanggap ko, isa lang ang naisip ko - "cool!".

Tinanong ko siya ng mga bagay-bagay gaya ng "Where did you get my email address and why me?" na sinagot naman niya ng "Thank you for your response. I appreciate it very much, kindly give me your personal information. Thanks. bla bla bla". Sinabi ko 'yun sa kuya kong si ArAr at ang sabi niya e scam nga daw yun. Nireplyan ko ulit, "Oh thank you too. Utot mo!" At nagreply naman siya ng "Thank you again for your eagerness to help me bla bla bla." At nakahanap na naman ako ng bagong mapagtitripan. Bored pa naman ako ngayong bakasyon. :)

Nalaman ko na kapag nagreply ka sa isang email scam, asahan mo ang pagdagsa pa ng napakaraming email scam sa'yo. At automatic na may pangreply na sa message mo ang mga scammers. Wag ka na magtaka kung bakit parang ang layo ng sagot nila sa'yo pag nireplyan ka nila. Siguro higit sa isang daan na 'yung natatanggap ko at nalaman kong maraming tao ang natutuwa kapag pinagsasabihan ng "utot!"

At ang moral lesson? Wag magtiwala basta-basta at wag magba-blog 'pag gutom ka na.

Friday, May 15, 2009

It's Opisyal! Ika-Pito ni Bob Ong, Andito Na!

Hindi ko alam kung late na ang blog na ito.

It's opisyal! Nasa bookstores na nga ang inaabangang ika-pitong libro ni Bob Ong na may title na "Kapitan Sino". Eto ang mga impormasyon tungkol sa nasabing libro na mula sa multiply ni BO (alam ko multiply niya yun)at sa website ng Visula Print Enterprises (publisher ni BO).


THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD


Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?


KAPITAN SINO

Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon.



KAPITAN SINO
ni Bob Ong
ISBN: 978-9710-54501-8
168 pages, paperback
Filipiniana, FICTION
Suggested Retail Price: P175.00



<.-.> Para sa kapakanan ng mga mambabasa mong naghintay sa bagong libro, pwede mo bang sabihin sa amin kung tungkol saan ang Paboritong Libro ni Hudas?

Kapitan Sino?

<.-.> Ah, oo, Kapitan Sino pala. Hehe. Ang ganda-ganda kasi ng Paboritong Libro ni Hudas. Yon ang paborito ko sa mga libro mo e. Hindi dahil sa nandoon ako, pero marami talagang nagsasabi na maganda yung Paboritong--

Ahem, um, ang Kapitan Sino ay tungkol kay Rogelio Manglicmot na nakilala ng mga tao bilang isang superhero sa katauhan ni Kapitan Sino.

<.-.> Ang haba ng pangalan! Para sakin mas gusto ko pa rin yung mga isinulat mong tauhan na five characters lang ang pangalan, yung simple lang, yung parang puro punctuation mark lang....

Ah, magugustuhan mo si Bok-bok, kasi may punctuation mark din ang pangalan nya!
<.-.> Sino naman yun?

Kaibigan ni Rogelio. Marami kang makikilala sa mundo ni Kapitan Sino.

<.-.> Pati si Tesla?

Si Tessa. Pero tama ka, dahil kinuha ko ang pangalan nya kay Nikola Tesla. Isa sa pinakamagaling, kundi man ang pinakamagaling, na electrical engineer sa kasaysayan, pero kaawa-awang naagawan ng maraming imbensyon.

<.-.> Hindi ba si Tessa ang nagpatagal ng ika-pitong libro?

Nagkakahiyaan kasi sila ni Rogelio. Nahirapan tuloy akong magsulat ng
kwentuhan nila. Yung iba ngang usapan, hindi na nila ipinasulat sa akin.

<.-.> Kaya ba isang buong araw kang nakinig ng mga senti?

Hehehe. Higit pa. Paulit-ulit-ulit akong nakinig ng mga love song, kasama na yung kanta ni Carole King, nang ilang linggo habang isinusulat ang tagpo nila. Pilit din akong nanood ng romantic movies pandagdag inspirasyon, at nagpaturo sa romance novel writer na dating miyembro ng Bobong Pinoy YahooGroup. Ewan kung pasado na ang gawa ko.

<.-.> Totoo bang lumang superhero si Kapitan Sino?

Hindi. Sya ang pinakabagong superhero...noon.

<.-.> 80's? Ibinalik mo ba ang oras sa Dekada Otsenta?

Oo, kaya mas akma ang kwento sa mga 27 years old pataas. Baka merong mga hindi gaanong maintindihang detalye ang mga mas batang mambabasa. Makakatulong kung meron silang mapagtatanungang matanda.

<.-.> Hmmm... mukhang interesante itong ika-walong libro.

Ika-pito. Pero tama ka ulit, dahil may mauuna pa dapat akong libro dito, kundi lang nakiusap si Mayor na paunahin ko na sila.

<.-.> May Mayor? Matatapatan ba nito ang dami ng celebrity sa Paboritong Libro ni Hudas?

Tinutukoy mo ba sila Donita Rose, Marvin Agustin, at Tootsie Guevarra na nasa ikatlong libro? Ikinalulungkot ko, pero mas hitik at nag-uumapaw sa mga celebrity ang Kapitan Sino.

<.-.> Pero hindi mo maitatangging ako ang pinakasikat mong celebrity dahil lumabas ako sa dalawang libro!

Tama. Lumabas ka sa itim at puting libro. Pero may iba pa kong tauhan na lumabas din ulit dito sa Kapitan Sino.

<.-.> Huh?! Hindi mo ko pinasasaya sa mga sagot mo, Bob Ong! At bakit ako magkaka-interes kay Kapitan Sino kung nung 80's pa ang adventure nya?

Kung itatanong mo yan pagkatapos magbasa, hindi mo naintindihan ang libro.
<.-.> Saan ba ko kukuha ng kopya?

Unti-unti na pong nagkakaroon ngayon ang mga paborito nyong eatery o sari-sari store. Kung wala pa, baka naubusan lang kayo. Subukan nyo ulit sa ibang araw.

<.-.> Magkano ba?

75 pesos lang po...kung panahon ni Cory Aquino! Pero dahil 2009 na, P175.00 po ang isa.

<.-.> Matagal-tagal bago nasundan ang Macarthur.

Ito ang pinakamatagal na agwat ng pagsusulat ko. Pero natapos din ang libro, salamat sa inspirasyon mula sa mga mambabasang tagapagpalakas ng loob at umaasang laging masusundan pa ang huling librong nabasa nila. Dahil sa simpleng hiling nila na laging masabihan kagad kung may bago na silang mababasa kaya ginagamit na naman kita ngayon para sa official announcement.

<.-.> Sanay na ko. Alam ko kailangan mo ng celebrity endorser para sa Kapitan Sino. Idagdag mo na lang sa talent fee ko yung t-shirt ng officialuse.net.

Punta ka sa Komikon sa UP sa Sabado, May 16.
http://visprintpub.blogspot.com/ Meron doong mga t-shirt ni Bob Ong. Mura lang dahil hindi ka na magbabayad ng shipping fee. Pagkakataon mo na!

<.-.> Aba, talagang double-purpose ang patalastas ah! May Swine Flu ka pa sa lagay na yan.

Sipon lang.

<.-.> Sa susunod mong libro wag kang gagawa ng announcement pag may sipon ka, kasi lalong kumo-corny.

Sige, susubukan ko. Salamat.


Oh ano pang hinihintay niyo? Bili na! =)

Saturday, May 9, 2009

Muka Kang Germs!

Pansin niyo ba ang nagyayari ngayon? Ang mundo natin ay tadtad na ng germs, sipon, trangkaso, buni, hadhad, alipunga, tinga, lagnat, virus, swine flu, dog flu, cat flu, elephant flu, bangaw flu, at kung anik-anik na nakakainis. Kahit saan may germs. Kahit saan. Kahit saan.


Minsan, natatawa na lang ako sa commercial ng isang sikat na brand ng sabon. Meron silang doctor na kinuha na merong isang mahiwagang machine (masyado yatang malaki ang machine), mahiwagang tiny machine na susukat sa dami ng germs sa isang lugar. Tapos matutuklasan niya na sandamakmak na germs ang nasa cellphone, sa school service, sa lamesa at kahit saan ka magpunta. Tapos sa huli, ang kailangan ay gumamit ng ineendorse nilang sabon para mailigtas ang kaluluwa mo sa mga germs na bumabalot sa sanlibutan. Muka na tayong germs.

Hay. Bakit pa ako magsasabon kung kahit saan naman ay may germs? "Maghugas ng kamay, Mag-". Pero saan nga ba nagsimula ang pagdami ng lahi mo? Ay este pagdami ng lahi ng germs? Hindi ko rin alam. Pero baka naman sa mga nagpapasabog mula sa isang butas ng katawan na sumama sa mga nalalanghap nating hangin sa araw-araw na pumasok na sa mga butas ng katawan natin hanggang sa maging isang malaking bacteria na tayo na tinubuan ng mukha?

Tingin ko nga, germs ang bumubuhay sa industriya ng sabon, ng hand sanitizers, ng vitamin c, ng gas mask at mga gamot. Paano kung walang germs? Siguro hindi nag-exist ang mga nabanggit. Pero pwede pa rin naman silang magamit pampacute.

Hindi ko alam kung bakit ito ang natripan kong maging topic para sa isang blog. Muka lang sigurong bacteria 'tong katabi ko. (Pero mag-isa lang ako dito.)

"This blog contains millions of bacteria that can cause death. Wash your hands after reading. Thanks."

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Edited by PedXing-ArAr